Dedicated to
rojsawada
Marcus POV
"Tol, what's with the sour face? Pang byernes santo na naman yang mukha mo!" Puna ni Kairo kaya umiling ako. "Woy, ngumiti ka nga!"
"Naku! Malaking problema yan, Tol! Wala sa kondisyon si Cap! First game pa naman natin mamaya." Ngisi ni Yuki. Binato ko siya ng bola na hawak ko.
"What are you implying?"
"Asus! Kunwari ka pa. 'Bat di mo nalang kasi amining kanina ka pa naghihintay sa Freak mo. Kesa mag mukmok ka diyan?" Halakhak nito.
"Chismoso! Dapat ko pa ba talagang i-broadcast dito?!"
"Wusho! Ang vocal na natin ngayon, Tol ah? Samantalang noon kung makapag-deny ka, wagas!" Tudyo ni Tanako.
"Piss off!" Tumayo ako at binatukan ko si Yuki dahil kanina pa ito ngisi ng ngisi. Dakilang alaskador talaga.
"Aray!"
"Bubunutan kita ng ngipin kapag hindi mo pa itinikom 'yang bibig mo." Banta ko.
"Luh! Si Arken, oh!" Wika ni Gutch kaya napalingon ako agad sa likod.
"Where?" Lumapit ako sa bintana para hanapin siya. "Nasa'n?" Nakarinig ako ng impit na tawanan sa likod ko kaya lumingon ako ulit sa kanila.
"Pffft-bwahahahahahahahahahaha!" Hagalpakan sila sa pagtawa kasama na rin ang iba pang mga teammates ko. Siniringan ko sila. Ang saya ng mga lintek!
"Mga ulol!" Umupo ako at kinuha ang cellphone sa bulsa para sana mag text kay Arken pero patuloy pa rin ang tawanan nila kaya sinipa ko ang upuan.
"Isang tawa pa, ibabalibag ko sa katawan niyo itong mga upuan." Banta ko.
"Ayuun! Mainit talaga ang ulo, mga orbs!" Ngisi ni Kairo.
"Hindi pa daw kasi sila bati ng giliw niya." Kantyaw ni Yuki. "Away ng away pero wala naman dawng relasyon. Pwede ba 'yun?"
"Baka M.U, Tol?" Ngisi ni Tanako.
"Pwede. Isang Manhid at isang Unggoy!" Natatawang saad ni Yuki. "Narinig ko kay Venice na Kingkong pala ang tawag nila kay Supremo. Hahahaha!"
"Tss! Kung ganun naman pala, atleast ako lang ang pinakagwapong unggoy sa buong mundo." Sabat ko. Tiningnan nila ako ng nakangisi kaya napataas ang kilay ko. "Oh? Ano na naman?!"
"Himala hindi ka nag-react sa tawag niya sayo? Hahaha. Knowing you, magagalit ka talaga kapag nakarinig ka na tinawag kang Unggoy! Inexpect ko pa naman na lalaki iyang butas ng ilong mo." Hirit ni Yuki.
"Andami nyong napapansin! Lalo na ikaw, na Koreano ka! Tigilan mo ako!" Turo ko kay Yuki pero tinawanan lang nila ako.
"So, ano na, Tol? Anong plano mo?" Tinabihan ako ni Gutch kaya nagkibitbalikat ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Tumitiklop talaga ako kay Arken kahit anong gawin ko. Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung hindi nasusunod ang gusto ko. Lumaki ako na ibinibigay lahat ng gusto ko pero nang dahil kay Arken natuto akong gawin ang mga bagay na hindi ko inexpect na magagawa ko dahil sa iisang babae.
Napakataas ng pride ko. Maarte ako at aaminin kong napakagwapo ko talagang lalaki. Hindi naman sa pagmamayabang, pero maraming babaeng gugustuhing mapansin ko. Sa gwapo ko ba naman. Napailing ako. Di ko na nga isinali ang pagiging matalino ko. Napakahumble ko talaga. Hayy!
Lahat ng iyan ay nabaliwala magmula nang makilala ko si Arken. Si Arken lang talaga ang nagparamdam sa akin na hindi lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Nung una ay naiinis ako sa kanya pero kalaunan ay mas hinahanaphanap ko ang presensya niya. Gusto kong magpapansin lagi. Ewan ko kung bakit. Wala akong maisip na dahilan. Nalilito ako, tang'ina!
BINABASA MO ANG
THE QUEEN (Season 1: Completed)
ActionMiguel Marcus Montreal thought that it was a hate at first sight. Hindi niya kasi matanggap na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma niya. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin kaya para sa kanya ay nasagasaan ng dalaga ang ego niya bil...
