Chapter 11

1.5K 67 13
                                    


"Ken! Over here!" Nakita kong kumaway si Nina. Nakasuot ito ng cheerleading uniform. Nandun din ang tatlo at ngumiti. Nakatulog kasi ako sa kotse habang nag-aantay ng next period pero lumagpas ako hanggang third period dahil alas 3 na ng magising ako.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa bench. Ewan ko kung bakit nandito ang lahat ng students sa gym. Supposedly, dapat PE namin ngayon at may mga klase naman ang iba sa ibang subjects pero ewan ko kung ano ang gaganapin ngayon dito. May nakita akong malaking matt sa court. Bumaling ako kay Coren na tahimik lang na nagbabasa ng paborito nitong manga. Pareha lang kami ng suot. Naka PE t-shirt lang ito at maikling shorts. Di naman kasi jogging pants ang uniform sa P.E dito.

"Anong meron?" Mahina kong tanong. Kinain ko ang cookies na baon ko. 

"Audition daw." Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya. Kinuha ko ang imax ko at pinasak ang headset sa tenga. I hate noises. Parami ng parami ang mga studyante sa loob ng gym. Naramdaman kong kinalabit ako ni Nina kaya tiningnan ko ito at hinubad ang isang headset sa tenga.

"Ken? Punta muna ako sa harap, ha? Tinatawag kasi ako ng trainer namin eh." Bahagya akong tumango dito at umalis naman agad ito pagkatapos nyang magpaalam sa aming apat. Mas lumakas ang ingay kaya napatingin ako sa entrance. Nakita kong papasok si Supremo kasama ang four knights. Tss. Korni talaga.

Para namang may Santo Niño na dumaan kung makapag tili. Parang katapusan na talaga ng mundo. Mas nilakasan ko pa ang volume ng music. Kingkong of the world. Tss.

Venice nudged me slightly kaya tumingin ako dito. May nginuso sya kaya napatingin ako sa direksyon na tinuro nya. Nakita kong lumapit si Stacy kay Supremo at parang sawa kung makalingkis. Etong Supremo naman, gwapong gwapo sa sarili.

'Eh gwapo naman talaga sya diba?'  Salungat ng bahagi ng isip ko.

Di nalang ako nag react at naglaro nalang ng Need for Speed. Mataas na ang excitement sa bawat drift na ginagawa ko dahil malapit na akong ma champion ng may biglang nag text kaya nabangga tuloy ang kotse na nilalaro ko. Bwiset na notification! Natalo tuloy. Babu!

1 message received from
My Supremo 😍❤️ 

Nakakagigil! Hinanap ko ang unggoy na Supremo na yun at nakita kong nasa kabilang bench pala ito at kaharap pa talaga sa inuupoan ko habang katabi ang mukhang palaka na si Stacy. Nakangisi itong nakatingin sa akin pero bored ko lang syang tiningnan. Binasa ko ang ang text nya. Siguraduhin nya lang na importante tong text nya dahil inistorbo nya ang laro ko.

From My Supremo 😍❤️ : Entertain me later, slave 😏

Gago? Ano na namang trip nya? Mukha ba akong entertainer? Ni replayan ko nalang sya.

To My Supremo 😍❤️ : ULOL!

From My Supremo 😍❤️: 😁😁😁

Asar na asar parin ako dahil natalo ako sa laro pero hindi ko yun ipinakita at itinago nalang ang cellphone ko. Baka mag saya pa ito kung makita nyang nagtagumpay sya sa pang-iinis sa akin. Useless lang ding makigpag text sa childish na ungas na ito. Nakita ko si Nina kasama ang mga cheering squad na nag fo-formation na. Mag p-perform ata sila ngayon kaya ipinasok ko ang imax ko sa bag at kinuha ang headset sa tenga ko.

"First time kong makita si Nina sumayaw." Excited na sabi ni Trisha. Nag cheer si Venice at tinawag ang pangalan ni Nina at tumingin si Nina sa amin at itinaas ang kamay nito para kumaway sa amin. Isinilid ni Coren ang libro nya sa bag at ibinigay sa akin ang popcorn pero tumanggi lang ako.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon