Arken POV
"What are the five equation of motion, Miss Kang?"
"In circumstances of constant acceleration, these simpler equations of motion are usually referred to as the SUVAT equations, arising from the definitions of kinematic quantities. Displacement (s), initial velocity (u), final velocity (v), acceleration (a), and time (t)." Bored kong sagot.
"Take your seat." Ani ng Prof kaya tumalima ako. Sinipa ni Kingkong ang upuan ko kaya napalingon ako.
"Oh?"
"May cookies ka pa dyan? I'm hungry." Bulong nya. Napalingon ako kina Venice. Nakikinig sila sa Prof dahil medyo tagilid yung result nila sa quiz noong nakaraang linggo.
"Freak, I'm hungry." Ulit nito habang nakanguso. Nakita ko kasi silang naglalaro kanina ng soccer sa field. Baka kaya gutom ito ngayon. Pasimple kong binuksan ang bag at patagong ibinigay kay Marcus ang maliit na jar.
"Thanks!" He whispered. Napailing nalang ako. This past few days medyo nagla-lie low na sya sa pagiging demonyo sa buhay ko. Nakakausap ko na sya ng medyo matino-tino pero mas lamang talaga yung mga oras na nakakabwesit sya.
Natapos ang klase kaya free hour namin. Nakagawian na nilang tumambay sa caf tuwing walang lecture at nagtutulakan kung sino ang taya sa snacks. Tahimik lang akong naglalaro ng fruit ninja ng kalabitin ako ni Venice.
"Ken, naguguluhan ako sa part na'to. Can you please explain it further? Di ko talaga ma gets si Ma'am kanina." Tiningnan ko ang notebook nito sadali tapos nilagay ang phone ko sa bulsa. Thermodynamics.
Kinuha ko ang ballpen at calculator nya tapos nagsimulang mag explain sa kanya isa-isa. Napansin kong silang lahat sa table namin ay nakikinig at tinitingnan kung paano ko sinagutan ang equation at formula.
"Ang hirap." Reklamo ni Trisha.
"Saang part pa kayo hind naka catch up?" Tanong ko kaya isa-isa silang nagsabi. Walang reklamong tinuruan ko sila.
"Practice lang. In no time, gamay nyo na yan." Wika ko at binitawan ang ballpen. Napalingon ako kay Marcus. Kanina pa sya walang imik pero alam kong nakikinig sya kasi nakatingin lang sya kanina pa.
"Oh? Ikaw? Do you have any confusions?"
"Oo, ikaw." Sagot nito habang nakatitig sa mukha ko.
"Tss." Kinuha ko ang cellphone at naglaro na naman.
"Sana all matalino." Sabi ni Kairo habang nakatingin sa notebook nya at iniintindi ang itinuro ko.
"Next time, PAG-IBIG talaga ang isasagot ko sa quiz at exams. Dahil wala namang mali sa pagmamahal." Pagda-drama ni Tanako.
"God is the answer too, Dude." Pagsakay ni Yuki sa biro ng kaibigan.
"Sinong manlilibre ngayon?" Tanong ni Trisha pagkuway.
"Uuy, tapos na ako." Sabi ni Gutch at ngumisi.
"Kuripot mo. Bbq lang ay juice yung binili mo, eh!" Kanchaw ni Kairo.
"Pasalamat ka nga ni libre ka, eh! Walang utang na loob."
"Geh, libre ko." Sabi ni Marcus sa tabi ko. Tumingin sya sa akin.
"Anong sayo?"
"Alam na nila yan." Sagot ko habang patuloy lang sa paglalaro.
"Tsk! Mas gwapo pa ba yang cellphone mo kumpara sakin? Ba't ayaw mo akong tingnan?" Narinig kong bulong nya kaya inihinto ko ang laro at tiningnan sya. Nakanguso ito habang nakatingin sa gilid. Naglaro ako ulit at hindi nalang nagsalita. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ni Kingkong.
BINABASA MO ANG
THE QUEEN (Season 1: Completed)
AksiMiguel Marcus Montreal thought that it was a hate at first sight. Hindi niya kasi matanggap na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma niya. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin kaya para sa kanya ay nasagasaan ng dalaga ang ego niya bil...
