Dedicated to:
gryss4nn AkosiParrotski
Marcus POV
"Lalim ng iniisip mo, ah?" Puna ni Gutch. Na ghost ka na naman ba?
"Tss... Gago."
"Andun sina Arken sa Caf. Tara puntahan natin. Nandun din sila Nina, eh." Sabat ni Tanako pero tumihaya ako sa couch.
"Kayo nalang. Wala ako sa mood."
"Wooy, LQ na naman ba kayo ni Idol?" Kairo asked but I didn't answered. Nagtakip ako ng throwpillow sa mukha.
"Bahala kayo sa buhay nyo."
"Ayy! Grabe sya. Tampurorot?" Di ako umimik.
"Wala sa mood. Tara na nga at baka tayo na naman ang pagbuntungan ng topak nyan." Narinig ko si Gutch pero hinayaan ko sila. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Daddy.
'Your Grandpa will come home on Thursday before the Interschool. Expect to meet your potential wife on that day...'
'Your Grandpa will come home on Thursday before the Interschool. Expect to meet your potential wife on that day...'
'Your Grandpa will come home on Thursday before the Interschool. Expect to meet your potential wife on that day...'
Napaupo ako at sinipa ng bahagya ang mesa. Bwesit! Why does they always have to meddle with my life?!
"Oh? Ba't ganyan ang mukha mo?" Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Yuki na nakatayo habang nakataas ang kilay. Nakabalik na pala siya galing SSC meeting. Di ako umimik kaya pumasok siya at umupo sa single couch. "Huhulaan ko, babae?"
"Mukha mo."
"Gwapo." Ngisi niya.
"Kapal ng apog mo. Mas gwapo ako sayo." Sumandal ako sa upuan at hinilot ang sentido.
"Sa mata ng Mommy ko, mas gwapo ako."
"Not until I sit beside you, Dude."
"Hangin talaga ng bwesit. Oo na sige na. Mas gwapo ka na. Special child!" Sinipa nya ang bahagya ang tuhod ko. "Magaling na ba 'to?"
"Tang'ina! Sipain ko din kaya yang tuhod mo? Tingnan natin kung malakas pa ba akong sumipa." Pabalang kong sagot.
"Tsk, ang init ng ulo masyado! Gustong manaket. Bwahahaha. Ano ba yang pinagpuputok ng butsi mo dyan at highblood ka na naman?" Tanong nito habang nakadekwatro ang hita.
"Lolo happened. Happy days are over. He'll come back this week and what's worst about that is I have to mentally prepare myself for that day. I might be able to meet my potential wife one of these days. Dude! Ayoko sa arranged marriage!" Walang gana kong tugon.
"Luh? Paano si Arken nyan?" Tanong nito kaya natahimik ako. Naisip ko na rin yan kanina pa, pero kasi naging totohanan na para sa akin ang lahat sa amin. Hindi ko pa sya pwedeng iharap kay Lolo ngayon nang basta-basta nalang. I admit, my plan before was to only use her against my Grandpa. Gusto kong inisin si Lolo para tigilan nya ang kakareto sa akin kung kani-kanino at pag-initan nya si Arken. Hitting two birds with one stone was my original plan, but that was before.
At oo na. Aaminin ko, nag backfire lahat ng plano ko sa akin. Kinain ko lahat ng sinabi ko. Feeling ko nga sobrang nabusog ako kaya sumakit yung ulo ko. Walang konek diba? Tss, ganyan din yung isip ko ngayon. Malabo.
But everything changed now. I want to protect her. Ayokong galawin ng iba ni dulo ng daliri ni Arken o makarinig lang ito ng masasakit na salita galing kay Lolo.
BINABASA MO ANG
THE QUEEN (Season 1: Completed)
AçãoMiguel Marcus Montreal thought that it was a hate at first sight. Hindi niya kasi matanggap na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma niya. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin kaya para sa kanya ay nasagasaan ng dalaga ang ego niya bil...
