Marcus POV
"Dude, have you heard the news?" Agad kong tinignan si Yuki. Tahimik kaming nagpapahinga sa HQ dahil kakagaling lang namin sa training namin ng soccer.
"What?"
"Oscar Lligo, Victor Mondragon and Antonio Rafil are now dead. Haven't you heard that? Sikat itong balita sa black society." Seryoso nitong sabi.
"Oh tapos?" Balewala kong sagot. Hindi ko naman sila kilala. Anong pake ko dun?
"Hindi mo kasi naiintindihan, Dude. They are one of the members of the rank 2 Mafia in Korea."
"Okay? Tapos?" Wala pa rin akong ma gets. Hindi naman kami part ng black society. So, anong meron?
"Ayun nga, natagpuan silang patay kagabi. At mga Dude, sobrang brutal ng pagkamatay. Si Llido pinutulan ng leeg at wakwak ang tiyan. Si Mondragon, gutay-gutay ang katawan, pati ulo hindi pinatawad may saksak, atsaka si Rafil, Dude! Kinuha ang mata, pati mga kuku! Pinutol ang mga daliri at ginitilan ang leeg! Atsaka---"
"Tama na Yuki! Ano ba yan! Dinescribed mo pa talagang gago ka! Ayoko ng marinig yan!" Putol ni Tanako. Napalunok ako sa narinig. Si Kairo nanlaki ang mga mata at natigilan dahil kumakain ito.
"Eh kasi.."
"Ano ba talaga kasi ang gusto mong sabihin? Deretchohin mo nalang kasi." Inis na sabi ni Yamagutchi. Isa din tong pikon eh.
"Uheerm, ganito kasi yun Dude, nandito kasi ang Queen's Assassins. Diba kilala nyo na sila?"
Tumango kaming lahat. Tama. Nalaman namin ang tungkol sa Queen's Assassins ng minsan kaming pumunta sa Korea. Minsan na rin namin silang nakitang lumaban. Halos mapanga-nga kami ng makita kung gaano sila kabilis kumilos. Kung mabilis kami mas doble sila sa galaw at kilos. Nakakamangha. Nakakatakot. Nakakanindig balahibo.
Yun nga lang, lahat sila ay naka maskara. Pati na rin yung tinatawag nila na Queen. Pero hindi ko pa nakita kung paano lumaban ang Queen nila. Tanging mga assassins lang niya ang nakita namin. Nasa likod lang sya at naka upo habang nakatingin sa kuko nito. Nang malaman namin na grupo pala yun ng mga mafia, dun din umusbong ang kagustuhan naming lima na maging kabilang sa kanila.
"Nasabi natin noon diba na gusto nating maging parte tayo ng isang Mafia, kaya eto na ang pagkakataon natin. Sila ang gagawin nating tulay para maging kasapi tayo sa pinaka-kinakatakutang Mafia sa buong mundo."
"Eh, ano naman ngayon ang koneksyon sa Queen's Assassins at pagkamatay nina Mondragon at iba pa?" Kunot noo kong tanong.
"Ang Queen's Assassins ang pumatay, Dude. Bawat isa sa kanila ay may kanya kanyang marka na nagpapahiwatig kung sino ang pumatay. May kani-kanilang marka sila sa mukha na may markang numero, 2,3 at 4." Agad na nabuhay muli ang interes ko. Magiging masaya to.
"So ibig mong sabihin nandito ang Queen's Assassins sa pilipinas?" Pagkaklaro ni Yamagutchi. Seryoso itong nag-iisip.
"Malamang! Kaya nga namatay sila diba?" Pamimilosopo ni Yuke. "At kakausapin natin sila para kumbinsihin sila na maging kabilang tayo sa kanila. We could be their apprentice!" Masayang sabi nito.
"Tanga! Suicide mission? Parang magpapatiwakal na tayo sa gagawin natin! Mag bigti nalang kaya tayo kung ganun? Mas madali yun. Paano tayo makakasiguro na hindi tayo papatayin ng mga yan? Baka nga wala paman tayong ginagawa para lumapit patay na tayo." Ani Kairo.
"Hindi yan, bro. Ganito kasi. May sabi-sabil kasi na pupunta ang Queen's Assassins sa Blaze Kyoto. Kaya dun, kakausapin natin sila." Panghihikayat ni Yuke. Napaisip ako. Hindi naman masama kung susubukan namin.
BINABASA MO ANG
THE QUEEN (Season 1: Completed)
AksiyonMiguel Marcus Montreal thought that it was a hate at first sight. Hindi niya kasi matanggap na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma niya. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin kaya para sa kanya ay nasagasaan ng dalaga ang ego niya bil...