Chapter 12

1.5K 68 12
                                    


"Damn it!"

"Tol! Tama na. Kanina pa tayo dito." Ani Tanako na pilit kinukuha ang beer sa kamay ko.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Bastard."

"Now you know her feelings nung sunugin mo ang Veneno nya. Quits lang kayo tol kung tutuusin. McLaren mo laban sa Veneno nya. Sinunog mo rin kaya yung kotse nya, remember? And take note pare, ang mahal mahal nun." Nakangising sabi ni Kairo.

Binato ko sya ng ashtray na nakapatong sa lamesa. Umilag naman agad ito. "Hey. Chill bro. Tigilan mo nalang kasi si Arken. Tanggapin mo nalang kasi na may isang taong hindi tinatablan ng pananakot mo."

"Fuvk! No one! As in no one has ever done this to me before! Ngayon lang! I swear. Gaganti ako."

"Edi nakahanap ka na rin ng katapat mo. Babae pa rin si Arken, brod. Girls have their own ways on getting their revenge. Hindi lalaki si Arken na okay lang kung suntukin mo bigla." Sabat ni Yuki. Hindi nalang ako umimik. Sumasakit ang ulo ko sa inis sa freak na yun.

"Ewan ko sayo, dude. I thought you planned on making her fall in love with you eh paano mangyayari yan kung pinagtitripan mo sya palagi?" Sabi ni Gutch. I just held a deep breath. Isa pa yan. Ang hirap hirap gawin lalong-lalo na kung umu-usbong ang inis ko twing nakikita ko sya. "Atsaka akala ko ceasefire na kayo? Ilang araw mo ng tinigilan yun. Bakit bumalik ka na naman?"

"Hindi ko mapigilan. Naasar talaga ako sa kanya."

"Wushu! Ang sabihin mo, nagpapapansin ka lang dahil hindi ka pinapansin." Ngisi ni Yuki at nagkanchawan sila kaya tinunga ko ang beer.

"Gago!"

"Pero maiba ako mga tol. I really can't believe on what we saw earlier. Shit! Mga gymnastics ba silang apat? Grabe halos malaglag ang panga nating lahat kanina! Nakakamangha!" Si Kairo.

Napaisip naman ako. Arken is full of surprises. Lahat nalang ng ginagawa ko balewala sa kanya. Akala ko talaga kanina aalis sya sa gym pero damn! Naisahan na naman nya ako. She's like a gun. Dangerous when triggered.

So fcking mysterious.

"Sinabi mo pa tol! Kahit nga si Coren my labs hindi ko in-expect na gagawin yun eh." Ani Yuki na naka dekwatro ng upo.

"They are really interesting." Gutch.

"Yeah and sexy too. Lalo na si Arken, pare! Ang legs sobrang puti at kinis pa!" Sinamaan ko ng tingin si Kairo. "What? Selos ka?" Nakangisi nitong sabi. Tumawa naman ang tatlo sa akin kaya umasim na naman ang mukha ko.

"Bwiset!" Inis akong tumayo at na unang lumabas ng Andromeda. Nag-iinit ang ulo ko. Kanina pa nila ako hindi tinitigilan. Badtrip!

"Pikon talaga." Narinig kong sabi ni Yuke.

"Dude, sa akin ka nalang sumabay. On the way lang naman bahay nyo sa amin." Ani Gutch sakin ng makarating kami ng parking lot kaya tumango nalang ako. Damn! Makikisakay pa ako neto. Hinawakan ko ang batok ko sa inis. Patay ako kay Mommy sa kotse ko.

"Tingnan nyo nga naman. Ang limang ungas." Napalingon kami sa nagsalita.

Napataas ang kilay ko ng makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses.

"Marcus." Nakangising sabi nito.

"Wala ako sa mood makipag-laro ngayon, Daniel. Wag mo akong bwisetin." Ani ko dito na nakapamulsa. Nakita kong sumenyas sya sa likod nya at lumabas ang mga kasamahan nito.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon