Chapter 3

2.5K 145 154
                                    


"Students who are wearing red uniforms, anak sila ng mga gangsters, sila ang mga bullies at usually naghahanap ng away at mga gangsters din,"

"Yung naka suot ng gray naman, mga anak ng influencial businessmen dito sa bansa. In short, mga sobrang mayayaman o sosyal. Mga elite daw kung tawagin,"

"Yung uniforms naman natin na black blazer sabi dito, yun daw ay mga ordinary students lang at palaging na bu-bully sa school." Si Coren habang binabasa ang nasa isang blog ng Montreal Academy.

"Eh, yung uniform ng Supremo daw nila na black and gold?" Si Trisha habang kumakain ng pizza.

"Hmmm, wait..." Tumipa ulit ito sa keyboard. "Here. Ayun daw dito, Supremo is the feared and the most famous student in the academy. He's the number one bully in school. Lima lang sila na nagsusuot ng uniform na Black and Gold. He is the heir of the school daw and may hierarchy din pala dito," Tatango-tango si Coren habang bumabasa.

"Supremo is in the first rank. Yamagutchi is in the second rank, Tanako is in the 3rd rank, Kairo is in the 4th, Yuki is in the 5th rank, so silang lima ang nakasuot ng black and gold uniform kanina. At yung Daniel pala kanina is in the 6th rank, may picture sya dito. Naka red blazer sya, gangster din pala kaya malakas ang loob maging bully, so that explains earlier. Palagi rin niyang hinahamon ang Supremo dahil gusto nitong maging rank 1 kaya pala ganun ang mukha nya kanina." Mahabang sabi ni Coren.

"Tsss. Korni." Ani ko habang nakaupo sa couch sa sala suot-suot ang robe. Kakaligo ko lang dahil nanlalagkit na ako kanina sa juice na ibinuhos ng unggoy.

"Ano na naman yang rank-rank na yan? Paano ba sumali dyan?" Singit ni Venice.

"Hindi ko alam. Wala ng nakalagay dito." Sabi ni Coren at ipinakita ang end ng blog.

"Queen, what's your plan? That Supremo gave you a black card." Seryosong tanong ni Trisha.

Hindi agad ako umimik at tiningnan lang sila. They are waiting for my answer.

"Nothing." I smirked.

(Your doom is near) * flashback cafeteria moment.*

I dare him.

"Just let him try." Malamig kong tugon. "We came here to finish our studies and it's not like he can harm me anyway."

Napangisi naman silang tatlo at patango-tango.

"Nakaka-excite naman, Queen. Sa mga libro at pelikula sa pag-ibig na di-develop ang mga ganyang eksena.. Ayeeeeiii!" Kinikilig na ani Venice kaya binato sya ni Coren ng throw pillow.

"Aray ko Coren!" Reklamo nito.

"Ingay mo." Sagot ni Coren.

"Totoo naman kasi, eh!"

"Tsss. Enough you two." I stopped their bickering and ate my cookie. Nakita kong akmang kukuha si Trisha sa cookies ko kaya tiningnan ko sya ng masama at tinaasan ng kilay.

"A-Aah e... nag i-strecth lang ako ng braso Queen, oh. Exercise.. Teheee..." At inunat pa ang mga braso nya at sumimangot. They all knew that I don't like sharing them my baked cookies. For me, this is very personal.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon