Chapter 32

1.7K 67 9
                                        

Dedicated to
LUCXINERAIN


Arken POV

He's edgy, I can tell. He's like an open book to me that's why I know and I can feel it. Hindi nito kayang itago kahit anong ngiti pa ang gawin niya dahil sa pagiging observant ko. But I don't want to pry anymore. In time, sasabihin niya rin naman ng kusa kung anong problema niya kung gusto niya talagang malaman ko.

Hinatid niya ako sa classsroom ngayon kasi di kami classmate ngayong araw. Hawak-hawak pa niya ang kamay ko habang binabagtas namin ang daan ng hallway. Di ko nalang pinansin ang mga studyanteng kulang nalang talaga na ibandera nila ang paghanga kay Marcus.

"Do you have a training later, Babe?" Kaswal na tanong niya at tumango ako.

"Hm."

"I'll start training again later, too." Tinapunan ko siya ng tingin pagkatapos ay binaba ko ang aking paningin sa tuhod niya.

"All good now?" Tukoy ko sa tuhod niya.

"Yeah, finally!"

"Okay." Tipid kong sagot. Lumapit siya sa akin at hinapit ang bewang ko pagkatapos ay bumulong. "Sarap ng natikman ko kanina, eh. Nakakagamot." Malisyoso niyang ani. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko sa batok pero hindi ko ipinahalata.

"Tss."

"Tss ka din. Mamaya ka sa akin, Baby. Titikman ko ulit 'yang dila mo. Rawr! Bwahahaha!" He smugly said. Di na ako sumagot at hinayaan nalang ito. Awkward naman kasi. Anong isasagot ko?

'Sure?' 'Okay?' 'Ikaw na ang bahala?'

Tsk! Ang sagwa! Nag patay-malisya nalang ako kahit na sariwa pa sa utak ko kung ano ang pinag-gagawa namin ni Marcus kanina.

Shibal! Muntikan na talaga!

Gusto kong tampalin ang sarili ko. Napaka-ipokrita ko naman kung sasabihin kong hindi ko gusto at hindi ako nadala kanina.

Para nga akong kuting kung maka-ungol! Aish! Nakakahiya talaga!

"Uuuy! Ayos ah! May pahawak-hawak sa bewang! Enjoy naman ba, Supremo?" Pang-aasar ni Venice nang makita kaming dalawa sa tapat ng classroom. Andito din pala nakatambay ang Knights sa harap. Nagpalakpakan ang mga loko-loko naming kaibigan sa aming dalawa. Tuwang-tuwa sa nakikita.

"Ayy iba! Nawala na agad ang topak. Nakasama lang si Arken ang laki na ng ngiti sa labi." Panggagatong ni Kairo.

"Wala, eh. Under." Natatawang sagot ni Marcus.

"Asus! Di pa nga mag jowa under na agad." Trisha said.

"So, ano na? What's the progress? Kayo na ba?" Ngisi ni Tanako. Di kami nagsalita ni Marcus.

"Wusho! Kunwari ayaw magsalita!" Singit ni Gutch.

"Naku! Naku! Nakoww! Iyang mga tinginan nyong dalawa, oh?! Napaghahalataan! Silence means yes!" Yuki grinned and tapped Marcus' shoulder.

"Lowkey chismoso talaga ang mga lalaki kumpara sa aming mga babae." Sabi ni Coren habang hawak-hawak ang libro nya.

"Research ang tawag dyan, Dude. Nagdi-data gathering kami." Sagot ni Tanako kay Coren.

"Palusot."

"Tsss." Tanging sinabi ko. Ba't big deal sa kanila? Di ko nga iniisip yan. Nakita naming papalapit na ang prof namin sa Machine Drawing kaya sumenyas nalang kami na papasok na kami sa classroom at tumango naman agad sila at nagpaalam.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon