Chapter 17

1.3K 59 15
                                    

Marcus POV

Isa. Dalawa. Tatlong araw na hindi ko sya nakita. Asan na ba kasi yun? Fuck! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ko ba sya hinahanap?

Humahangos na pinunasan ko ang mukha ko at uminom ng tubig. "Nice game, Cap!" Tinapik ni Gutch ang balikat ko habang umiinom din ito ng tubig. Kasalukayan kaming nagti-training ng soccer para sa Interschool.

"Whoo! Kapagod! Saan kayo after dito?" Kairo asked while taking his shirt off. Napailing nalang ako at tumikhim. Inuman na naman to for sure.

"Andromeda?" Yaya ni Tanako at nag agree na naman sila. Nagtanong pa. Pshh!

"Tol, inaya kong mag date si Venice." Kairo grinned. Nakipag-apir pa ito sa tropa habang nagsha-shower.

"Naks! Ang bilis, ah! Speed! Kami naman ni Trish, nag coffee kahapon." Tawa ni Gutch.

"Sus! Textmate na nga yata si Coren at Yuki, eh." Sabat ni Tanako.

"Eh, ikaw? Torpe! Tang'na naman, Tol! Ba't napipipi ka twing nandyan si Nina?" Umandar na naman. Ayan na naman sa pagiging alaskador si Yuki.

"Ang ganda, eh! HAHAHAHA. Hindi nag fa-function braincells ko. Tsaka, balita ko may crush daw yun na varsity ng basketball."

"Sus! Wala ka pala, eh!" Kanchaw ng tropa. Ngumisi naman silang lahat at napatingin sakin. Bwiset!

"Oh? Kinigina! Anong tingin yan!?" Bulyaw ko.

"Sus! Masyadong defensive, Tol! Wag pahalata! Wala pa nga kaming sinasabi, eh. Advance masyadong mag-isip! Wusho!" Tumatawang saad ni Kairo.

"Whoooah! Ang hirap talagang ma Ghost!" Pagpaparinig ni Yuki.

"Oo, lalo na kapag isa pang pang-aasar mo patay ka na." Bira ko kaya tumawa ang tropa dahil na pikon na naman ako. Hindi nila ako tinantanan pagkatapos akong ma ditch ni Arken sa Acquaintance.

Pagkatapos naming maligo ay nag ayos na ulit kami para tumambay sa Andromeda. Well, wala eh. Inom is life kapag barkada ang kasama.

Kinabukasan, hindi ko pa rin sya nakita. Tiningnan ko ang cellphone ko. Tadtad ko na ang inbox nya ng texts ko pero wala paring reply. Hindi ko naman mapigilan ang daliri ko. Para talagang may sarili itong buhay na kusang nagti-text.

"Tol, si Arken, oh." Wika ni Yuki kaya agad akong napalingon sa paligid. Putcha!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Hayyuuup sa facial reaction, bro!" Nag-apir si Yuki at Tanako. Mga peste!

"May plano ka pa talagang paibigin sya sa lagay na yan, ha? Mukhang nagbaback-fire, pre." Kanchaw ni Kairo habang ginagalaw-galaw ang kilay. "Wag kang mag-alala, tol. Wala ring balita sila Venice kung saan si Arken. Pero babalik rin yun. Sigurado." Hindi ako umimik at tumayo nalang. Binato ko ng throwpillow si Yuki.

"Tangina, tol! Ano na naman nagawa ko?!" Sigaw nito kaya tumawa ako at umalis na ng HQ. Nag antay ako sa elevator habang nakatingin sa cellphone ko.

'Iti-text ko kaya sya?'

Putcha! Nakakabading! Nag text nalang ako.

To Freak: Where are you? I miss you.

Hahaha. Ano ba'tong tinatype ko? Idi-delete ko na sana kaso na send bigla. Nanlaki ang mata ko! Nagpanic ako!

Putcha naman, oh!!! @#$_(&)!!!!

Agad agad akong nag text para makabawi sa kahihiyan!

To Freak: Fuck. Wrong send!

To Freak: Wag ka assuming hoy!

To Freak: Hindi para sayo ang text na yan.

To Freak: San ka na pala?

Siguro naman hindi na obvious na para talaga sa kanya yung message. Hindi naman siguro tunog defensive, noh? Aiisssh! Bahala na.

Nakasalubong ko ang mga barkada ni Freak. Kaya napahinto ako. "Di parin ba umuuwi?" Umiling sila kaya napatango nalang ako. Nag text ako kay Gutch na uuwi na ako. Medyo masama ang pakiramdam ko, eh. Naulanan kasi ako kahapon sa training.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong natulog. Ewan ko ba, wala akong gana. Ginising ako ni Mommy para kumain kaya agad na bumaba ako.

"How's school, Marcus?" Dad asked.

"School is school, Dad."

"Your abuelo is going home. You know what it means, right?" Anito kaya natigilan ako. I sighed. "Pagbigyan mo nalang ang Lolo mo."

"Hmmm.." Tipid kong sagot nalang at kunwari ay nakikinig ako pero ang totoo nyan ay lumilipad na ang diwa ko. Lutang ang utak ko.

"What do you think, Marcus?" Napakurap ako ng tawagin ako ni Dad.

"Ahh.. it's good, Dad. Go ahead." Sabi ko nalang kahit wala akong masyadong maunawaan. Napabutong hininga ito.

"Marcus, just try it. Malay mo, magustuhan mo sya. Your Mom and I are also a product of an arranged marriage but look at us now. We're happy, contented and in love." Nakangiting sabi nito.

"Okay, Dad. No problem." Tango ko at minadali ang pagkain. Nag excuse agad ako at pumanhik na sa kwarto ko. Agad akong naligo, nag toothbrush, nag skincare tsaka lumabas ng CR.

To Freak: Umuwi ka na ba?

Ano ba ang nangyayari sakin? Ba't ang tamlay-tamlay ko?! Bwesit!

Humiga ako at pumikit. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng may nag vibrate sa dibdib ko. Psh! Nakatulog pala ako habang hawak-hawak ko pa ang cellphone ko. Humikab pa ako at inaantok na sinagot ang tawag.

"Hello." Walang sumagot kaya napadilat ako. Tiningnan ko ang caller kaya nanlaki ang mata ko ng makitang si freak pala yun! Shit!

Agad na napaupo ako sa kama at tiningnan ang oras. 2:12 AM?!!!

"HELLO!" Inulit ko. This time bahagyang may diin at malakas ang pagkakasabi ko. Bwiset! Wag naman sana nyang maramdaman na nai-excite ako ngayon. Putcha! Mga kabaklaan mo Marcus!

"Freak! Hoy!" Narinig ko ang buntong hininga nito.

["I'm outside. Can you come over?"]

And for the first time in four days, ngayon lang ako ngumiti ng hindi pilit.

***

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon