Chapter 47

1.7K 75 101
                                        

Arken POV

"Okay! Get ready and do your warm up!" Biglang bungad ni Coach ng pumasok siya sa locker room. Pumalakpak ito kaya sumunod naman ang lahat. I sighed then put down my phone because I am really getting bored. Kanina pa dumaan ang alas cuatro ngunit hindi pa rin nagsisimula ang laro.

'Tss! Pinoy nga naman!'

Nakasuot na kami ng bodysuit sa ilalim ng varsity jacket namin para deretso hubad nalang mamaya. Ilang minuto nalang ay lalabas na kami upang pumunta sa pool area. Maging dito ay rinig na rinig na namin agad ang ingay na nagmumula sa mga audiece do'n.

"So, listen. This is our most awaited event." Simula ni Coach. "We've worked hard for this moment for months and I saw how everyone of you worked hard for this day. So whatever the result is, always remember that you are all a champion in our hearts! Good luck, Lions! Let our success roar for us! FIGHTING!" We stick each others hand out and shouted, 'ROAARRR!' together.

"This is it." Venice said and smiled.

"I'm hungry, tho." Trisha pouted.

"Tiisin mo muna. Di ka pa naman mamamatay. Mamaya kakain tayo ng marami. I'll finally gratify my stomach after a month of diet! Bwahahaha."

Coren walked and sit beside me. "Stay focus." She whispered.

"Hmm.."

"Heart strong."

"Tss. My heart is fine but my amygdala is not. Fuck this emotions that is only influenced by my brain."

"Yeah whatever, smartmouth." Umiling ito at tinapik ako sa balikat. Nilingon ko si Cyan na kanina pa nakatingin sa gawi ko. Tinaasan ko siya ng kilay at agad naman siyang ngumiti. Ngayon ko lang napansin na medyo may hawig pala sila ni Marcus.

'Fuck! Marcus na naman! Tang'ina! Pumasok na naman siya sa isip ko. Bwesit na utak 'to!'

"Okay, get ready. We will head out to the pool area now." Anunsyo ni Coach kaya lumabas na kami sa locker room. Papasok na sana ako sa pool area ng maalala kong nakalimutan ko pala ang cellphone ko na nasa upuan ko kanina. Tsk! Ito na talaga ang resulta sa pagiging lutang.

Kaya bumalik ako papunta sa locker room. Nahagip pa ng mata ko si Maureen na naka varsity jacket at bodysuit rin kasama ang mga teammates niya.

'Oh! So, she's also a swimmer. I didn't know that.'

Nakarating agad ako sa locker room at nagmamadaling kinuha ang cellphone sa silya na inuupuan ko kanina. Aalis na sana ako pero nakita ko ang text ni Kuya kaya napahinto ako.

From Spencer: We just landed from the Airport. We'll just eat our lunch then we will see you there in a bit.

Ps: It's so hot in here!

To Spencer: Take Care and protect, Dad. Message me if something happens.

Lumabas na agad ako sa locker pero may biglaang humarang sa akin na lalaki. He's wearing an all black suit matching with his dark glasses and black shoes. I looked at him from head to toe. 'Men in black?'

"What?" Mahinahon kong tanong.

"Our boss wants to talk to you, Miss."

"I can't do it now. Tell him to set an appointment beforehand." Tumawa ito sa sinabi ko.

"Hindi pinaghihintay si Boss ng kung sinu-sino lang. Sumama ka na sa akin kung ayaw mong masaktan." Banta nito pero hindi naman ito nakakatakot. Para pa ngang hindi siya sanay sa ginagawa.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon