Chapter 39

1.3K 56 19
                                    

Coren POV

"Gusto mo?" Alok nito sa junkfood na kinakain. Napalingon ako kay Yuki na katabi ko. Umiling ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng manga.

"What's the title of that?"

"No longer human." Tipid kong sagot.

"Maganda?" Aniya kaya napalingon ako ulit dito. Hindi ako makapagconcentrate sa pagbabasa dahil ang ingay niya. Tumango nalang ako.

"Okay naman."

"Do you really always read manga?"

"Hmm.. most of the time, yes."

"Why?"

"Habit." I sighed.

"Ang sipag mong magbasa, noh? Samantalang ako, first page palang inaantok na agad."

"Hmm." Tipid kong sagot.

"Pang-ilang story mo na yan for this week?" Ulit nito. Gusto kong itirik ang aking mata at patigilin siya dahil nagbabasa ako pero pinigilan ko ang sarili.

"I don't know. I don't count."

"Hindi ba sumasakit 'yang mata mo?"

Sinara ko nalang ang binabasa ko at isinilid sa bag dahil useless lang ang pagbabasa ko kung wala rin lang naman akong naiintindihan. Mukhang hindi siya titigil sa pangungulit sa akin ngayon.

"I'm wearing lenses."

"What are your other hobbies aside from reading?" Curious niyang tanong. Napaisip ako.

'Hmm, ano nga ba?' Aside sa maglaro ng mga samurai at matatalas na kutsilyo, ano pa nga ba?

"Collecting books and anime stuffs, I think?"

"Aside from the obvious. I mean, I noticed that you like animes and mangas so much." Pangungulit nito. Tinitigan ko ang mukha niya. Gwapo si Yuki. Singkit ang mga mata, matangos ang ilong at may manipis na labi. Kaya lang, magkaiba talaga kaming dalawa ng ugali. Kung ano ang ikinatahimik ko, siya naman ang ikinaingay niya.

"I like sharp things." Sagot ko na ikinakunot noo niya.

"Huh? What do you mean by sharp things?"

"Knives, blades, cutter and the likes."

"Whoah! Really? Why?!" Gulat na tanong niya kaya nagkibitbalikat ako.

"'Cause I'm weird?" Natawa siya sa sagot ko.

"Do you like flowers?" Umiling ako.

"Not a fan."

"Eh si Arken? Ano yung mga gusto niya?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

"Why the sudden interest about her?"

"Luh? Nagsiselos ka?" Gulat na tanong niya pagkuwan ay ngumisi siya na kulang na lang na umabot hanggang tainga niya ang lapad.

"Nakapasok na ba ako diyan?" Ginamit niya pa ang nguso niya para tukuyin ang puso ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Are you really interested about asking what I like or you're just using me to know what she likes?" Prangka kong tanong kaya napakamot siya sa batok.

"Slight." Hilaw na ngisi niya. "But what I confessed to you about last week is true, I really like you, Coren. Really! Pero kasi yun kasi, oh." Ngumuso siya sa direksyon ni Marcus na nakapikit lang habang nakasandal sa bintana ng bus.

"Tsk! Problematic kasi yan."

"She loves baked cookies." Ani ko.

"Really?!" Kulang nalang na magpasabog ako ng confetti dahil sa tuwa nito. He's really a real friend. I can tell. Tumango ako.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon