Chapter 45

1.4K 63 69
                                    

Arken POV

"Nervous?" Coren asked but I shook my head.

"Excited?"

"Nah.. Neither."

"Then what's with the face?" Takang tanong nito.

"Sleepy."

"Okay. Coffee?" Umiling ako at naghikab. It's still 6 in the morning. Napuyat ako sa pag gawa ng plates kagabi. Agad kong tinapos ang isang plate na nasimulan ko na noong Tuesday pa. Pagkarating ko sa bahay ay 'yon kaagad ang inatupag ko. Multitasking is the key, you know.

Mabuti nalang at grade conscious din si Marcus kaya parehas kaming nagdesisyon na umuwi agad dahil sa tambak na school requirements. Hindi man lang namin na feel ang kasiyahan ng Interschool dahil sa killjoy naming professor.

"What time will they arrive later?" She's asking about Dad and Spencer. I shrugged my shoulders.

"Are you ready for the competition?"

"Sort of. You?"

"Kinda."

"Cool." Sagot ko. Ganito kami mag-usap kaya palaging nawiwirduhan sina Venice at Trisha sa aming dalawa dahil para daw kaming naglalaro ng pinoy henyo. Pareho kasi kaming tamad magsalita. Simpleng tango lang at kibot ng bibig ay alam na namin kaagad kung ano 'yon.

"So what's the real score now?" Napataas ang kilay ko dahil nagiging lowkey chismosa na ito. Nahawaan na siguro ni Yuki.

"100."

"Nice!"

"Hmm." Tumayo ako at nag signal ako dito na mag sha-shower muna ako. Saktong pagkatapos kong maligo ay tumunog ang cellphone at gustong makipag facetime ni Marcus.

["Good morning, my beautiful Baby!"] He said using his bedroom voice. Mukhang kakagising niya lang. Ang gwapo pa rin talaga ng unggoy kahit bagong gising.

"Morning."

["Babeee!"] Reklamo niya kaya napangisi ako.

"Good morning!"

["I wanna hear you say Baby."]

"Dami mong arte, Marcus."

["May I remind you about my rules?"]

"Tss..."

[Say it, Babe. I'm waiting."]

"Good morning, Baby. Happy now?"

["Aahh! Music to my ears. I miss you, Baby."]

"Tss. Parang tanga." Ilang oras nga lang kaming di nagkita ang daming arte.

["Wag kang mambasag ng trip, pwede?"] Hindi ako umimik dahil busy ako. ["Katatapos mo lang maligo, Babe? Pa amoy nga? Oooh, wait! You're still wearing your robe. Hmm.. Tempting!"] Ngisi niya at bumaling ng higa sa kanan.

"Get up and take a shower. When is your next game?" Tanong ko habang namimili ng maisusuot sa walk-in closet.

["Hmm, later at 10 AM. I'll fetch you there, okay? Lets use my car."] He said and I hummed in response. ["You, Baby? Anong oras ng game mo mamaya?"]

"4 PM."

["Great! May 2nd game daw kami mamayang 1pm. Makakahabol pa ako sa game mo, Babe. I'll cheer for you later! Go for gold!"]

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon