Chapter 34

1.3K 49 18
                                    

Dedicated to
giNeerFiasco

Arken POV

"Coffee?" Alok ni Coren at umupo sa dining table dala-dala ang kanyang anime mug. Umiling ako at tumunganga. "Woke up at the wrong side of the bed?" Tanong niya ulit kaya tumango ako. Inaantok pa talaga ako at sobrang wala ako sa mood.

"Good morning!" Masiglang bati ni Venice na sinundan naman ni Trisha na tumatakbo ng mabilis habang pababa ng hagdan. The comforting silence was ruined automatically because of their nonstop bickering.

"Give it back!" Sigaw ni Trisha ngunit sadyang alaskador si Venice.

"Akin na'to. Andami mo ng ganito."

"Venice, isa!"

"Bleeeeh!" Nag asaran at habulan pa sila hanggang sa nag sparring na talaga silang dalawa nang tuluyan sa harapan namin ni Coren habang kumakain. Hinayaan ko sila sa kalokohan nila. Masakit ang ulo ko kaya ayoko nang dagdagan pa. Kanya-kanya silang sipa at salag.

Katulad ko ay walang reaksyon din si Coren. Nasanay na rin sa ganitong eksena nilang dalawa tuwing umaga. Wala kaming pakialam kung nagkakasakitan na ang mga ito. Tss, ginusto nila yan, eh.

"Shit Venice! Akin na yan sabi!" Napipikon na si Trisha pero ngumisi lang si Venice. "Ayaw mo talagang ibigay, ha!!!"

Sumugod si Trisha at hinablot ang mahabang buhok ni Venice atsaka sinipa ito sa tagiliran pero hindi naman nagpahuli si Venice dahil hinawakan nya sa siko si Trisha at sinikmuraan. Walang nagpa-awat sa kanila at sige pa rin sila sa ginagawa. Kasehodang magkaduguan na sa mukha.

Nabasag ang mamahaling antigong vase nang dahil sa sipa ni Venice kaya agad na napatingin sila sa akin na sakto namang lumipad ang dalawang table knife sa gawi nila. Agad naman nilang nailagang dalawa at masamang tumingin sa isa't-isa.

"Trisha, will pay for that!"

"Si Venice ang magbabayad!"

Sabay pa na sigaw nilang dalawa. I heard Coren chuckled. Grabe! Parang 2 years old talaga sila dalawa! Ang sarap kumuha ng sinturon at isa-isahin sila ng palo!

"I don't care if you will kill each other but don't ruin anything here in the house." Tinaasan ko sila ng kilay at sinuri ng tingin ang nabasag na kawawang antigong vase na galing pang France. Napahawak ako sa sentido dahil sa sakit ng ulo. Nagsasagutan na naman sila ulit gamit ang lengguahe namin.

(A/N: Diretso translation nalang agad kasi tinatamad ako mag Korean. Hahahaha. Imagine-nin niyo nalang, total dyan naman kayo magaling. Ahahaha)

"Ano na naman kasi yang pinag aagawan ninyo?" Coren asked beside me.

"Yung Graf von Faber-Castell ko kinuha na naman ni Venice!" Reklamo ni Trisha.

"Na naman? Pang-ilang beses na ba yan, Venice?" Coren asked. Para itong isang kapitana sa baranggay.

"Ang damot! Marami pa naman siyang lapis sa drawer niya!"

"Gaga ka! Mangunguha kana nga lang ng lapis yung pinakamahal pa!" Bulyaw ni Trisha.

"Malamang! Anong akala mo sa akin, cheap?"

"Ikaw na nga itong nangunguha ng walang paalam, ikaw pa ang mapagmataas!"

"Hoy! Nagpaalam ako! Wala ka nga lang doon!"

"Nagpaalam mo mukha mo!"

"Napakadamot mo!"

"Ikaw naman buraot!"

"Enough." Singit ko sa bulyawan nila dahil naririndi na ako sa boses nilang naghihiyawan.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon