Chapter 18

1.4K 62 7
                                    

Marcus POV

Nagpabango pa ako at tiningnan ang itsura ko sa salamin. Bwahahaha! Gwapong-gwapo pa rin. Napatingin ako sa sugat sa may gilid ng labi ko. Aish! Bahala na. Basta pogi pa rin ako.

Patakbo at maingat akong bumaba. Nang makarating na ako sa labas ay medyo binagalan ko na ang paghakbang para hindi masyadong halata na nasasabik at nagmamadali akong makita sya. Nakita ako ng guard sa gate at tumango ako bago ako lumabas.

Nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko ng makita ko si Arken na nakaupo sa hood ng kotse nya. Tahimik lang ito at maingat na tinititigan ang kabuohan ko. Medyo na awkward naman ako sa presensya nya. Ang ganda-ganda nya talaga! Nakasuot sya ng itim na pantalon, puting addidas shoes, itim na panloob at leather jacket. Ang astig nya sa paningin ko. Samantalang ako ay nakapantulog lang.

"O-Oh? Anong tinitingin-tingin mo dyan?!" Sita kunwari ko para matabunan ang kaba sa dibdib ko. "Anong oras na? Inistiborbo mo pa ang tulog ko." Hindi sya nagsalita. Patuloy lang sya sa pagtitig sa mukha ko habang ang mga kamay nito ay nasa loob ng jacket niya.

"What happened to your lips?" Tanong niya at bahagyang itinabingi ang ulo at parang pinag-aaralan ang mukha ko. Agad na nahawakan ko naman ang labi ko. Napaaway kasi kami sa grupo nila Daniel kahapon sa Andromeda.

"Wala. Nabunggo lang sa doorknob."

"Tss. Lampa."

"Abat!" Magsasalita pa sana ako ng matigil ako dahil lumapit sya sakin at hinawakan ang pisngi at labi ko. "H-Hoy!" Nauutal kong saway.

"Did you wait for me?" Malumanay nyang tanong habang ang mga mata pa rin nito ay nasa labi ko. I gulped.

Lubdub.. Lubdub.. Lubdub...

"A-Ah.. H-Hindi, ah!"

"Tss." Sagot nito at pinitik ang noo ko.

"Hey!" Reklamo ko at hinimas ang noo ko.

"Pumasok ka na."

"T-Teka! Where have you been?" Pigil ko. Yun na yun? Papapasukin na nya ako agad? Nag effort pa naman akong bumaba at tumakbo.

"Home. It was urgent."

"So? Hindi mo magawang mag text???!" Naasar na naman ulit ako. "Ginawa mo akong tanga! Alam mo bang nag antay ako ng ilang oras?!"

"I thought you didn't wait?"

Ngumuso ako. "Hindi nga. Asa ka." Nakita kong kinuha nya ang cellphone nya at umiling.

"Tsk. Tsk. 115 texts, 63 missed calls." Sabi niya kaya namula ako at tumagilid. Humarap sya akin. "I just arrived from the airport.."

"H-Hindi ka pa nakauwi?"

"Hmmm.. I'm tired."

"Ano bang ginawa mo?" Tinaasan ko sya ng kilay pero umiling lang sya. She's full of mystery! Nakakaasar!

"You still don't have a car?" Tanong nya kaya agad akong umiling. Hindi na nag-isip. "Okay, I'll pick you up later." At saka tumalikod na ulit ito sakin.

"Arken, wait!"

"Hmmm?"

"Don't ever disappear like that again!" Ngumuso ako at nanlaki ang mata ko ng makitang tumawa ito. Like wtf?! Tumawa talaga ito! Legittttt!

"Noted. Anything else?" At humikab ito.

"Wala na. Bakit ka nga pala pumunta dito? You look tired. Sana umuwi ka nalang agad.."

"We're neighbors."

"Oh tapos?! Pinababa mo pa ako?"

"I just want to see you..."

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon