Chapter 26

1.3K 64 3
                                    

Arken POV

"10 laps freestyle, 10 laps butterfly, 10 laps backstroke and 10 laps breaststroke!" Narinig kong utos ni coach kaya nag ready kami sa diving area. Mga pi-pitong oras na rin kaming nagti-training. Today is Saturday at walang schedule ng klase kaya puspusan ang training namin sa buong araw.

"1,2,3, prrrt!" Pito ni coach kaya kanya kanya kaming dive sa pool. Mabilis akong lumangoy at nagbilang kung pang-ilan na ang laps na nagawa ko. Masaya ako sa tubig. Bata palang ako, dagat na at pool ang isa sa nagpapawala ng stress ko after physical ang combat trainings. I feel so weightless, feeling ko napakagaan ko kapag nasa tubig ako. Kabaliktaran kapag nasa lupa ako dahil nararamdaman ko ang bigat ng responsibilidad at expectation ng pamilya ko.

I flipped and did my last lap faster hanggang sa nag tap ako sa pool side. Kinuha ko ang gogles at mahinang huminga. Tiningnan ko ang time ko sa board; 7 minutes and 36 seconds.

Napalingon ako sa kabilang side ng may bagong nag tap. Si Cyan. Hinubad nya ang gogles at tumingin sa board; 8 minutes and 27 seconds. Lumingon sya sakin at umiling.

"Damn! You swim really fast for a girl, huh?!" Compliment nito. Hindi ako nagsalita at umahon sa tubig. Natapos din ang lahat kaya binigyan muna kami ni Coach ng 1 hour break dahil kulang nalang ay mangulubot na ang balat namin. Sinuot ko ang roba ko at kinuha ang cellphone.

From Kingkong: Good morning, Freak!

From Kingkong: Eat your lunch, baby :*

From Kingkong: Are you at school?

Almost 1 hour ago na ang last text nito. Hindi ko sya ni replyan. Aaminin ko, nasaktan talaga ako nung hindi niya tinanggap ang binigay ko. In our culture, not accepting gifts is a form of a big insult and a rejection to us.

For us, the more expensive your gift is to someone, it means that, that person means a lot to you. It is one way of branding him as my own but damn! Rejection really sucks. Rejection just slapped me right in my face.

Well, wala naman syang alam dun pero para sa akin, masakit talaga. I was low key expressing my feelings for him. I know I am not expressive, sinabi ko na yan. But hindi ako manhid sa sarili kong nararamdaman. I like him although I don't know if he really likes me back for real. And although that I am hurt, I still played it cool when he's around. Bitter naman ako kung hindi ko na sya papansinin.

Siniko ako ni Trisha kaya napatingin ako dito. "Oh?"

"Nakatulala ka na naman. Ano ba yang iniisip mo at ilang araw ka ng ganyan?"

"Nothing. I'm just tired." Rason ko.

"Psh!" Lumapit sya sakin at bumulong. "Tell me, is that something to do with Marcus?"

"What are you talking about?"

"Tsk! Deny pa more! I am not blind, Ken and I am not also naive. May misunderstanding kayong dalawa, noh?" She wiggled her brows. Buti nalang at malayo si Coren at Venice samin.

"Dami mong alam." Wala naman kaming dalawa. May kami ba?

"Ayeeeh! You're not like that! As in ever! You never cared! You were never bothered just for somebody and I can see that you're slowly changing. Nahahalata ko sa mga mata mo lalong lalo na pag andyan sya."

"Tsss. Shut up."

"Hi." Napalingon kami ni Trisha ng may magsalita. It's Cyan again. He offered me a bottle of gatorade. Tiningnan ko lang ito.

"Ang daya! Andito ako, oh! Wala bang para sa akin?" Nakangising tanong ni Trisha. Napakamot nalang ng ulo si Cyan.

"Uh, bibili nalang ako ng bago. Isa lang kasi nabili ko kanina, eh." Anito.

"I don't drink that. Bigay mo nalang kay Trisha." Saad ko at umupo sa bench para maglaro ng need for speed. Ininom ko muna ang mineral water ko.

"Oyy! Salamat ha?" Narinig kong sabi ni Trisha at umalis pagkatapos kunin sa kamay ni Cyan ang gatorade. Natatawa namang umupo si Cyan sa tabi ko. Tsk! Feeling close talaga.

"Wala ka bang gagawin mamaya?" Tanong nito. Duh? Alangan namang patay ako para walang gagawin mamaya? Malamang meron. Bobo! Hindi ako nagsalita.

"Ilang weeks na yan, ah?" Tawa nito. "Still not in the mood to talk?"

"It actually depends on the people who I am talking to."

"Damn! You're really something!" Palatak nito. "Mas na cha-challenge tuloy ako." Tawa na naman nito.

"I'm not interested."

"Well, I don't care." He answered. I sighed. Pinabayaan ko nalang sya sa ginagawa niya. Pagkatapos ng isang oras na pahinga ay tinawag na naman kami ni Coach para mag training ulit.

5:30 nang matapos kami. Agad na pumunta kami ng shower room at naligo.

"Saan tayo magdi-dinner?" Tanong ni Venice.

"Nag text si Nina. Libre daw nya." Trish said kaya napahiyaw naman si Venice dahil sa salitang libre. I wore a denim skirt and navy blue top atsaka puting nike shoes. I blowdried my hair and applied some blush and liptint on my face then I'm done.

From Kingkong: Text me please :(

I turned my phone off then packed my things in my bag. Nang makita kong wala na akong mga gamit ay lumabas na ako para sa bench nalang mag antay sa kanila pero pag labas ko ay agad kong nakita si Marcus habang nagsi-cellphone. Lumingon sya ng maramdaman nyang may lumabas sa pinto.

"Hey!" He greeted and put his phone on his pocket. I composed myself and nod slightly.

"Hi."

He walked towards me and grabbed by duffel bag. I smelled his manly scent. Napakagwapo nya sa suot nya. Surprisingly para kaming nag-usap sa susuotin namin ngayon dahil matching kami. Naka polo shirt sya na kulay navy blue, naka denim pants at puting sapatos din.

"Sabay na tayo mamaya?" Anito. Huh? Saan?

"Where?"

"Oh? You didn't know? Nag-ayang mag dinner si Nina." Sagot nito. Napatango nalang ako. I thought kami lang ang inaya niya. Pati pala ito. Lumabas na sina Coren at Venice sa dressing room at sinundan naman ni Trisha.

They eyed us suspiciously. Ngumisi naman si Trisha.

"Wow! Naka couple outfit hindi naman couple." Pang-aasar ni Venice.

"Tsss." Nauna na akong naglakad at naramdaman ko namang sumunod agad sila. Huminto ako maya-maya at pinauna na sina Trisha sakin. Alam na nila yan pero tiningnan pa rin nila ako ng nakaka asar. Pulutan na naman ako ng mga 'to.

Marcus chuckled at my side. Tiningnan ko lang sya at tinaasan ng kilay. "What?"

"You're cute." Ngisi nito. Hinawakan nya ako sa kamay kaya natigilan ako. He intertwined our hands together and looked at me with a smug smile. Narinig ko naman ang pagsinghap ng ibang tao na nakapaligid samin. "Let's go." He tugged my hand and winked at me.

I don't know if he's still doing this because of his grandpa but I'll just go with the flow. Madilim na nang makarating kami sa carpark.

"Convoy?' I asked but he just ashook his head.

"Nagpahatid lang ako dito sa driver namin kanina. I know you're here," Ngumisi ito. "Makikisakay nalang ako sayo. Alam ko na namang mabait ka at hindi mo ako iiwan dito." Pang-uuto pa nito.

"Tss."

Sumakay na kami ng kotse at ini-on ko ang ignition. Pinainit ko pa muna ang makina at binuksan ang aircon. Nakita kong ini-on niya ang car stereo kaya hinayaan ko sya.

I fetched my phone. Iti-text ko na sana si Venice kung saan kami magdi-dinner pero na una na pala nitong itext ako kung saan kaya ini-off ko ulit ang phone ko.

"Seatbel.."

He kissed me. I was caught off guard. My eyes widened and my heartbeated fast like I am in some marathon.

He's kissing me!

And then suddenly I found myself responding to his lips willingly..

Like my life depends on him..

Damn! I'm kissing him!

***

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon