Chapter 15

1.4K 65 7
                                    

Arken POV

"Girls, gusto raw kayong makausap ng Trainer namin." Ani Nina ng nakangiti ng malaki.

"Huhulaan ko.. About yun dun sa Cheering Squad, noh?" Sagot ni Venice at tumango naman ito.

"We are really not interested, Nin. Alam mo naman kung ano ang totoong nangyari, diba? Kagagawan yun ng demonyong Supremo na yun." Naiinis na turan ni Trisha.

"Pero sayang naman ang talent nyo, girls. We can use that as our advantage. Sigurado akong malakas ang potential na mananalo tayo ulit ngayong taon dahil madadagdagan na ng apat na magagaling na gymnasts ang team. Naku! Ang gagaling pa naman ng ipinakita nyong stunts nung nakaraang araw! Excited na tuloy ako sa bagong routine na gagawin." She beamed widely. Tsss..

"I hate to break it with you but I am not interested. I came here just to finish my studies and not to join any competitions. Added burden na nga sakin yun swimming competition na sasalihan ko sa interschool tapos dadagdagan pa." Hindi ko na napigilang magsalita. Nakita kong umawang ang labi ni Nina. Siguro ay nagulat sya dahil ngayon lang ako nagsalita ng hindi iisa o dalawang sentences ang haba.

"Ken.."

"Just tell them it's a no, Nina." Agap ni Coren kaya napatango nalang ito. Naagaw ang attention namin ng makarinig kami ng mga tilian at sigawan. Mukhang alam ko na kung bakit. Napailing nalang ako at nag kunwaring natutulog. Umub-ob ako sa armchair.

Naramdaman kong umupo na si Marcus sa tabi ko dahil umaalingasaw na naman ang pabango niya.

"Good morning, Baby." Bulong nya sa tenga ko. Naramdaman ko agad ang pagtaas ng balahibo ko sa batok. Hindi ko sya pinansin hanggang sa narinig ko nalang na pumasok na ang prof namin sa Arts.

Tamad na umupo ako at hindi na nilingon si Marcus. Nao-awkward ako dahil titig na titig sya sakin.

"Good morning!" Bati ng prof.

"Good morning, sir." Korus ng lahat. Ngumiti ito. Habang nag didiscuss ang prof parati naman akong kinakalabit ni Marcus. Di ko pa rin sya pinansin. Akala nya nakalimutan ko ang ginawa nya kahapon? Manigas sya.

"Woy, Babe." Bulong nito.

"Class dismiss. Next week, we will have an activity. Group yourselves into two." Bilin ng prof namin at lumabas na ng room. Tumayo ako pero pinigilan nya ako.

"San ka pupunta?" Tanong niya. I sighed and looked at him. Ngumisi agad sya ng mag tama ang mga mata namin. Itinabingi ko ang ulo ko at tinitigan ang mukha niya. Hinawakan ko ang pisngi nya na ikinagulat nya.

"A-Arken.."

Pintik ko ka agad ang noo nya at umalis bigla. Nanggigigil ako. Habang naglalakad ako ay naramdaman kong papalapit sya sakin.

"Hoy.." Hinarap ko sya. Mabuti nalang at walang tao sa paligid dahil may klase.

"I am too lazy to play games with you, Marcus. I told you already to stop this nonsense. Everything that you're doing is too immature." Umalis agad ako at hindi na sya pinansin. Sakto naman na nag bell na kaya nagsilabasan na ang mga studyante sa kani-kanilang classroom.

"Arkeeeeen!" Ngumiwi ako ng marinig ang tili ni Nina. Lumapit sya sakin at kulang nalang na maglambitin sa braso ko. Kita kong nakangisi si Trish at Venice sa akin habang tumango naman si Coren pagkatapos maupo sa pwesto namin sa canteen.

"Oh?"

"Mamaya na ang Acquaintance Parteeeeeeeeyyy!!!" Excited pa nitong ani. I sighed.

"Oh, tapos?"

"Punta ka ha? Di ba? Di baaaa???" Pangungulit pa rin nito. Tumango nalang ako. Mamaya rin kasi ang meet up namin kasama ang swimmer's club.

"Great! I'm so excited!"

"Ang hirap magig irreg. Akala ko kokonti nalang ang subject natin." Simangot ni Trisha. I agree. Marami kasing subjects na hindi na credit kaya parang back to basic kami.

"True." Sumimangot si Venice.

"Hindi pa tayo kakain?" Coren asked when she stood up. "Ken, ikaw? Ano gusto mo?" Umiling ako at kinuha ang cookies sa bag ko.

"Ay wait. I'll come with you, girl. May bibilhin din ako." Sabat ni Nina.

"Sus! If I know, nagpapansin lang yan sa crush niyang Team Captain sa Basketball Team. Wag kami, Nin." Trisha teased. Nakita kong namula ang pisngi ni Nina.

"Ssshhh... Baka marinig nya, Trish."

"Hahaha. You look cute! Sige na baka maagawan ka pa. Ang mundo ay parang Quiapo. Maraming snatcher!" Tawa nito at umalis na nga sila ni Coren.

"So, pupunta ka talaga mamaya, Ken?" Venice asked and I simply nod.

"May date ka mamaya?" Anito at umiling ako.

"Kaming apat may date na. The Knights asked as already. Si Kingkong ba?" Trisha inquired.

"I can go without a date." I said unbothered while I saw the five knights went inside the caf. Marami na namang tumitili. The fuck?! Hindi pa sila sanay? They went straight to our table and I saw Marcus sit beside me. Kinalabit nya ako.

"Hi, girls!" Sabay sabi ng Knights.

"Oooy.." Bati ni Venice.

"Nasaan si Coren?" Tanong ni Yuki.

"Nandun umu-order kasama si Nina."

"Freak." Mahinang bulong ni Marcus. Di ko sya pinansin. Kinalabit nya ako ulit ng hindi ko sya pinanein. "Woy.. Arken."

"Hmmm?"

"Acquaintance later, okay? Be my date."

"Ayoko. Di ako pupunta."

"Tsk! Kill joy. I'll wait for you later. Fetch me at my house." Ngumisi siya. Baliktad ata?

"Bakla."

"Anong sabi mo?!" This time bahagya ng tumaas ang boses niya.

"Hoy, hoy! Anong binubulong-bulong nyo dyan ha?" Venice teased.

"How to assassinate you."

"Ay grabe sya sa akin, oh. Baka ano na yan, ha?" Hindi pa rin ito humihinto sa pang-aasar at nag apir pa silang dalawa ni Trisha. Dumating na din sila Coren at Nina habang dala-dala ang pagkain namin.

"Buti nalang at dalawang Set D ang binili namin. Kasya naman pala sating lahat ito, eh." Nina smiled and placed the tray at the center table. Marcus extended his right hand to get some cookies from my own jar. Kita kong nanlaki ang mata ni Venice at akmang pipigilan ito pero huli na ang lahat dahil nakagat na ni Marcus ang cookies.

"Shit! What did you do?!" Napataas ang boses ni Trisha at nakita kong tinakpan ni Venice ang lagayan ng cookies.

"W-Why? What did I do?!"

"Ken doesn't like to share her baked cookies to anyone." Coren informed them.

"Huh? Binibigyan nya naman ako, ah?"

"Whaaattt?!" OA na reaksyon ng tatlo. Pareho silang tumingin sakin na may halong pagtataka.

"Tss." Tanging nasabi ko at kinuha ang cellphone ko dahil may nag text.

"Hmm... Ikaw baby, ah. May pagnanasa ka na sakin, noh?" Marcus teased. Di ko sya pinansin. I sighed and collected my things.

"Oh? San ka pupunta?" Pinigilan nya ako kaya napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Narinig ko na naman ang panunukso ng mga kaibigan namin.

"Aheerm.. parang may something, ah? Ayeeeh! Kayo ha?" Tanako wiggled his brows.

"Be ready at 6. I'll fetch you." Tanging nasabi ko at iniwan ko na sya.

"Ayooooowwwwn oh!" Napuno na naman ng tuksuhan ang table. Napailing nalang ako at nagpatuloy na umalis ng school.

***

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon