Chapter 55

1.8K 76 188
                                    

Marcus POV

*tititit... titititit.... titititit... tititit...

'Fuck! Training!'

Naalimpungatan ako bigla nang marinig ko ang malakas na tunog galing sa alarmclock. Muntik na akong bumangon agad pero naalala kong natapos na pala ang interschool kahapon.

'Ugh! Fuck that alarm!'

Pikit matang pinatay ko ito pero na bwesit ako nang hindi ko agad ito makapa sa ibabaw ng side table.

'Stupid alarm!'

Binuksan ko ang isang mata pero hindi ko nakita ang alarmclock do'n. Tamad na gumulong ako at pinakiramdaman muna kung nasaang banda ito tumutunog.

'Damn it!'

Patamad na bumangon ako habang yakap-yakap pa rin ang comforter dahil sa lamig na nanggagaling sa aircon. Nilingon ko pa ang paligid habang humihikab.

'Saan ko ba itinapon ang bwesit na alarm clock na 'yun?'

*tititit... titititit.... titititit... tititit...

'Tang'ina naman talaga, oh!'

Padarag na tumayo ako pero bigla akong natapilok nang may naapakan akong anumang bagay. Ilang mura pa ang naiusal ko dahil sa pagkabigla habang malakas na napasalampak ako sa sahig.

Double kill! Masakit sa pwet, masakit pa sa buko-bukong!

'Ouch! Damn! Shit! Fuck! Fuck!'

Habang namimilipit ako sa sakit ay napalingon ako sa may ilalim ng kama. Doon ko pa nakita ang bwesit na alarmclock na walang humpay sa kakatunog.

'Badtrip! Andyan ka lang palang bwesit ka!'

Padarag ko itong dinampot at nanggigigil na pinatay ang tunog. Hindi ko pala ito na i-set kagabi dahil pagkatapos kong mag shower ay dumiretso agad akong humilata at natulog. Walang-wala talaga ako sa mood kagabi. Well, kahit naman ngayon ay wala pa rin. Sino ba naman ang hindi maba-badtrip pagkatapos ng nangyari kahapon.

Sinapo ko ang ulo at napailing. Parang ayoko munang lumabas ng condo ngayong araw. Iniisip ko pa ngang aalis ako mamaya ay tinatamad na ako. Mas gusto ko lang na tumunganga dito buong araw pero for sure! Uulanin na naman ako ng pangungulit nina Kairo habang paulit-ulit na tatawaging kill joy.

Tskk! Matik na yan! Alam ko na agad ang isip nila dahil advance thinking ang tawag diyan. I heaved a sigh then looked at the time on the alarmclock.

'5:00 A.M.'

Damn! Ang aga pa. Wala naman akong gagawin. Nakatunganga lang ako ilang minuto na ang nagdaan habang nakatingin sa puting dingding, ngunit wala naman talaga do'n ang isip ko.

Para akong may iniisip pero ang totoo niyan ay blanko talaga ako ngayon. Yung tipong, marami kang iniisip pero dahil sa dami nila, hindi ka na makapag focus kung alin do'n ang iisipin mo. Ganito kagulo ang isip ko ngayon. Lutang na lutang. Sabog braincells!

Iniisip ko palang 'yung mga nangyari kahapon ay sumasakit na ang ulo ko. Yung kina Tito Seb na Lolo pala ni Arken, 'yung si Spencer na kapatid pala niya at si Mr. Steven na ama nila. Tapos 'yung nangyaring eksena kahapon nina Mr. Paler at Mr. Gonzales ay nakakagulat. Hindi ko lubos maisip na si Mr. Steven pala ang may gawa ng pagkaka bankrupt nila. At ang mas nakakagulat pa ay 'yung nalaman namin na pera pala talaga ni Arken ang totoong nag invest ng malaking halaga sa Academy. Lahat ng 'yon ay nakakalula na mai-digest agad-agad. We were shocked as fuck! Lolo even jolted in fear!

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon