Chapter 56

2K 104 160
                                        

Marcus POV

I scanned the area to find where they are. Bright different colored lights filled the whole club. I smelled alcohols, cigarette smoke and different scents everywhere. When I looked up, una kong nakita si Kairo at Yuki na tumatawa sa 2nd floor. Malapit lang kasi sa railings 'yung table na inuukopa nila kaya kitang-kita agad sila dito sa kinatatayuan ko.

"They're at the second floor." Bulong ko kay Graham dahil masyadong maingay dito. Palinga-linga pa ito sa paligid at parang pinapamilyar ang lugar. Well, he's new here. What do I expect?

"Uh, okay." He shortly answered.

Masyadong malakas ang tunog ng sound system at techno club mix music ng DJ habang naghihiyawan ang mga tao sabay indak doon sa gitna ng dancefloor. Sabayan pa ng iba't-ibang makukulay na ilaw na nakakaduling sa mata.

Nauna akong pumasok sa masikip na daan habang sinusundan naman ako ni Graham sa likod. The club is fully packed, weekend kasi at dito pumupunta ang mga party goers dahil sikat ang lugar na ito. Hindi ko na pinansin ang mga babaeng nagtangkang agawin ang atensyon ko at dumiretso na kagad na pumanhik sa taas. Nakita ko kung paano kumunot kaagad ang noo ni Yuki nang makita ako.

"Dude!" Yuki called out. Kumaway pa ito para lumapit ako sa gawi nila. Tsk! As if may pupuntahan akong iba aside sa kanila.

"Tol, andito ka na pala!" Tanako said then stood up and offered his hand for our bro-handshake.

"Hindi. Nag kage bunshin technique ako. Yung totoong Marcus nando'n pa rin sa Mansion." Pambabara ko dahil obvious naman ang sinasabi niya.

"Luh! Init ng ulo." Tawa niya at hinawakan ang noo ko. "Tsss! Ang init nga. Hahaha!" Umakto siyang napaso nang hawakan niya ako.

"Loko."

"Wow! Bagong buhok, ah! New hair, new me din ba?" Puna ni Kairo.

"Moving on?" Yuki laughed.

"Gago!" Singhal ko at umupo sa bakanteng double couch.

"Aba, abaa!! Mukhang mainit talaga ang ulo ng ating mahal na Supremo." Gutch beamed widely.

"'Wag mong sabihing hindi ka na naman nakakain ng maayos?! Wait, huhulaan ko, sinira na naman ni Don Miguel ang dinner niyo, noh?" Kairo laughed.

"Psh! Edi hindi ko na sasabihin! 'Wag nga kayong tumawa." Sinipa ko ng marahan ang mesa. "Mas nababa-badtrip akong lalo, eh." Napatingin ako kay Graham na nakatayo pa pala sa gilid ko. Hahaha! Nakalimutan ko!

"Ayy, mga Tol! Si Graham nga pala!"

"Yow! Kairo." Unang nagpakilala si Kai hanggang nagsunod-sunod na silang apat.

"I'm Graham. Graham Tuazon. Nice to meet all of you." Anito.

"Please have a seat, Dude." Singit ni Tanako at umupo nga si Graham sa parehong inuupuan ko.

"They're my best pals." Wika ko. "Mga desente 'yan. Mukha nga lang hindi." Graham chuckled at my joke.

"So, how are you related to Marcus? Ngayon lang kita nakita, ah." Gutch asked. Ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kanina kaya nagulat sila.

"Deeeymn! For real?!" Kai asked. "Pati kotse?!"

"Yep. Kaya nga ako nakita ni Graham na naglalakad sa labas ng Subdivision kanina. Wala pa namang taxi ang gumagala do'n."

"Oh tapos? Anong sabi ni Tita?" Yuki asked.

"As much as Mom wants me to stay but I declined. I don't wanna be tied-up anymore. Papanindigan ko talaga 'to kahit gumapang pa ako."

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon