Arken POV
Tahimik akong nakaupo sa bench habang naglalaro ng Guild's Glory ng bahagyang sikuhin ako ni Trisha.
"What?"
"Ken, may baon kang biscuit? Can I have some? Jeeebal?" Nagpapaawang ngumuso ito.
"You're hungry again?!" Manghang tanong ni Venice.
"Oo, eh. Kulang pa 'yung kinain ko kanina."
"Andwae! Eh, ikaw na nga yung last na natapos kumain kanina! Aigooo!" Bulas ni Venice.
"Vince, mabilis nga ang metabolism ko. Parang 'di ka na nasanay."
"Ang sabihin mo, masiba ka lang talaga." Sabat ni Coren.
"Oo nga. Baka ma impatso ka niyan. Sige ka." Sang-ayon ni Venice.
"Tsk! Hindi ako kuripot katulad mo Coren kaya kakain ako ng kain. Kayo rin naman, ah?! Malakas din naman kayong kumain, mas nga lang ako!" Nakangusong sagot ni Trisha. "Samahan niyo na akong bumili, please. 'Di ko kabisado ang pasikot-sikot dito, eh. Sige na."
"Pasama ka kay Gutch." Nakangising wika ni Vince.
"Gaga! Kita mong nagwa-warm up na sila!"
"So, kung walang ginagawa si Gutch ngayon, magpapasama ka talaga?"
"Automatic na yun girl, duh! Kayo lang ba ang marunong kumiringkeng dito? 'Di ako magpapahuli, oy!" Dumila ito.
"What a word, Trisha!" Napailing si Coren habang ako naman ay tumingin sa field. Nagwawarm-up na sila para sa first game nila. Hindi pa naman oras ng laro pero halos mapuno na ang grandstand sa dami ng tao.
Malapit lang kami sa bench nila Marcus kasi dito nila kami pinaupo. Wala pa din sila Mrs. Montreal dahil may kakausapin daw silang may-ari ng ibang school na kasama sa interschool. Nakita kong lumingon si Marcus sa gawi ko at nag finger heart pa bago kumindat. Napalabi nalang ako sa isip dahil sa ka-abnoyan niya. Bakla talaga.
Tumayo ako kaya napalingon si Coren sa akin na katabi ko.
"Where are you going?"
"I'm thirsty." Tipid kong sagot.
"Me too, I'll come with you."
"Wow! Madaya ka Coren! Kanina pa ako nangungulit dito na samahan niyo ako pero isang tayo lang ni Arken sasama ka na kaagad? Wow! Ang unfair!" Sarkastikong anas ni Trisha.
"You talk to much, Trisha. Just stand up if you want to come with us." Lumingon naman ito kay Venice. "Are you coming?"
"Nah, I'll just stay here. Bantayan ko nalang itong upuan natin."
"Okay. You want some snacks, too?"
"Hmm.. Chips nalang tapos kayo na ang bahala sa soda. Thanks!" Tumango si Coren at nilingon ako.
"Let's go?" I nodded.
"Favoritism." Akusa ni Trisha at itinuro pa si Coren.
"So? Your favorite is Venice, Trisha."
"Coz we're the same, Coren. Maingay kaming pareho." Rason ni Trisha kaya napailing ako sa argumento nilang dalawa. Walang sense.
"And what are we arguing here exactly? Ken and I are the same, too."
"Oo. Mga weirdo kayo."
"Are you coming or not? If not, move. Don't block my way." Sumabat na ako sa usapan dahil tinatamad na akong mag antay.
"Sabi ko nga sasama ako." Nakangusong bulong ni Trisha tapos sinamaan ng tingin si Coren.
"What?!" Nababanas na tanong ni Coren pero hindi na ako nag abalang hintayin silang dalawa na magtalo at umalis na doon sa pwesto ko at sinundan naman nila ako agad.
![](https://img.wattpad.com/cover/123344612-288-k917271.jpg)
BINABASA MO ANG
THE QUEEN (Season 1: Completed)
AksiMiguel Marcus Montreal thought that it was a hate at first sight. Hindi niya kasi matanggap na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma niya. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin kaya para sa kanya ay nasagasaan ng dalaga ang ego niya bil...