Chapter 20

1.4K 58 8
                                    

Marcus POV

6:30 PM, 7:00 PM, 7:30 PM. Kanina pa ako nakangiting nag-antay kay Arken. May usapan kaming magdi-dinner mamaya. More like, ako lang ang nagsabing kakain kami kahit hindi sya pumayag. Mehehehe. Papayag yun! Sa gwapo kung 'to?

Naglalaro lang ako ng color switch sa cellphone ko habang inaantay na matapos yun sa meeting nya. Eh, wala eh. Nagpa-practice na ako sa boyfriend duties ko kahit hindi pa pumapayag. Hahahaha. I looked at the time and my brow creased when I saw that's it's already 8PM. Antagal naman nila? Sana bilisan nyang pumunta dito.

Tumingin ako sa paligid. May konting mga studyante pa naman dahil may kumukuhang nightclass.

Ilang sandali pa ay nagvibrate ang cellphone ko.

From Unknown Number: I'm at the car park.

Arken? Siya lang naman ang hinihintay ko kaya agad na nagpunta ako sa car park kung saan nakapwesto ang kotse niya. Nagtaka pa ako ng wala akong makita. Medyo madilim sa parte na'to dahil nasa sulok nag park si Arken. Walang mga kotseng nag park dito dahil na rin sa gabi na. Mukhang hindi si Arken ang text. Agad na naging alisto ako.

Naramdaman kong may papalo sa ulo ko kaya sinangga ko ito sa braso ko. Damn it! Ang sakit!

Baseballbat pa talaga ang ginamit. Kaso mukhang marami sila kaya may sumipa sa gilid ko. Naramdaman ko ring may sumuntok sa panga ko. Pinilit ko pa rin lumaban at napatumba ang ilan pero marami talaga sila at ako lang mag-isa.

Shit! Napaluhod ako dahil naramdaman ko ang pagpalo ng isa sa binti ko. Namanhid ang tuhod ko at hindi ko maigalaw ng maayos ang paa ko. Naramdaman ko na rin ang umaagos na dugo sa gilid ng mata ko.

Fuck! This is not what I expected to happen tonight!

Humihingal na pinilit kong tumayo.

"Ano?! Wala ka pala, eh? Ito ba ang sabi ni boss?" Narinig kong sabi ng isang lalaking hindi ko makita ang mukha dahil nakasuot ito ng itim na mask.

"Akala ko mahirap idispatcha ang isang 'to! Napakadali lang pala." Sinipa pa ako nito kaya napaluhod ako. Ugh!

"Pasensya na bata. Napagutusan lang kami. Bwahahahahaha!" Dagdag na sabi nito atsaka sumunod ang tawa nilang lahat. Namamahid at nanginginig ang mga tuhod ko dahil pinalo ako nila ng baseballbat na hawak-hawak nila.

"Mga duwag!" I spit the blood from my mouth. "Nagdala pa talaga kayo ng isang baranggay para itumba ako." Ngumisi pa ako.

"Ah, mayabang ka ha!" Sigaw ng isang malaking lalaki at sinipa ako sa tiyan. Napaubo ako at napaluhod ulit. Naramdaman kong pinagtutulungan nila akong lahat kaya wala akong nagawa kundi ang protektahan ang ulo at mukha ko habang panay na ang suntok at sipa nilang lahat sa katawan ko.

I hope Arken won't come here. Shit! She shouldn't be here! Baka madamay sya! Right now I am not afraid of my own safety but hers.

Shit! Sana matagalan sya dun...

"Matagal pa ba yan? Pakibilisan." Ngunit ganun nalang ang takot ko ng marinig ko ang boses nya. Shit! Not now, please!

Arken POV

"Matagal pa ba yan? Pakibilisan." Wika ko kaya napahinto sila sa sinabi ko.

"Miss. Wag ka nang makialam." Sabi ng isang lalaki at sinipa pa ulit si Marcus. Nakita kong napaigik ito.

"Subukan mong ulitin yan. Lulumpuhin kita."

"K-Ken, umalis ka na dito!" Nahihirapang saad ni Marcus habang pinipilit na makatayo.

"Are you okay?" Malumanay kong tanong. Ngumiti ito ng pilit at tumango. I extended my arm for him to come to me.

"Just go home." Pakiusap nito pero tumawa lang ang mga kalalakihan.

"Hanep! Ang drama nyo!" Ani ng isang malaking lalaki at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Ang ganda ng chicks mo, ah? Pwedeng tikman?"

"Gago! Wag nyo syang saktan!" Sigaw ni Marcus at akmang pupuntahan ako pero sinipa sya ng isang lalaki kaya bumagsak sya sa semento. Pilit itong gumapang sa kinaruruunan ko. "K-Ken, r-run. Please." Bulong nito.

"Oh? Tumakbo ka raw!" Tawanan ulit ang mga hunghang. "May shooting pala ditong pelikula, eh! Hindi tayo na inform! Maglalabas na ba kami ng panyo?" Panunuya nito. Hindi ko sila pinansin at tahimik na lumapit kay Marcus. Hinayaan lang naman nila ako habang tumatawa. Siguro ina-underestimate nila ako dahil babae ako. I cupped his face. Bugbog na bugbog ang mukha nito. My blood boiled. Kung hindi sana sa lintik na meeting na yun, edi sana hindi nangyari 'to. I somehow felt guilt and it's a foreign feeling to me.

"You can rest now. You're safe. I promise." Bulong ko at tiningnan ang putok na labi nito. Nangangati ang kamay ko.

"N-No. U-Umalis ka na." Pilit nito pero umiling ako at ngumiti. Tila natigilan sya sa ginawa ko. Namumungay ang mga mata nya. He's beaten really hard. Fuck them!

"Do you trust me?" Tanong ko. Hindi agad ito nakasagot kaya hinawi ko ang buhok nitong tumabing sa mga mata niya. "From this day forward, I promise that no one will ever lay a finger on your face." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun. Siguro nagi-guilty ako dahil sa nangyari.

"Y-Yeah.. I trust you."

"Now close your eyes and rest." Bulong ko and he did what I said. I stood up and silently walked to my car.

"Oh Miss? Saan ka pupunta? Tapos na drama nyo? Hindi pa kami tapos sayo." Narinig kong sabi ng isang lalaki pero di ko sya pinansin. Binuksan ko ang kotse ko at kinuha ang katana sa likod. Malakas na sinara ko ang trunk at hinugot ang katana sa lagayan. Nakita kong nanlaki ang mga mata ng kalalakihan. Maybe they are around 40? 50? Ganun sila kadami habang mag-isa lang si Marcus. Asan na ba ang guard dito? What kind of shitty security does this school have?

"You messed up with the wrong person." Malamig kong tugon.

"Oyy Miss. Hindi magandang laruan yan, ah!" Takot na sabi ng isang lalaki pero ngumsi lang ako. Ngisi ng isang demonyo.

Mabilis ang ginawa kong paghakbang at winasiwas sa isang lalaki na malapit sa akin ang katana. Putol ang ulo nito at braso. Nahingtatakutan naman silang tumingin sakin. Tatakbo sana ang isa pero agad ko syang binato ng shuriken.

"Not so fast!" Gigil na sabi ko at lumapit sa kanila at isa-isa silang pinatay. Hindi nila kayang lumapit sakin dahil sa haba ng katanang hawak ko kaya pabor sakin dahil hindi naman sila magaling makipaglaban kaya't parang puno ng saging ko lang silang pinapatay.

Nang matapos ako ay agad na tumawag ako sa butler ko.

"Clean my trash. I'm at the school car park. They're around 50 dead bodies. Now!" Ani ko at ini-off agad ang tawag. Tinawagan ko si Venice.

"Delete the CCTV Camera at the car park right now." Utos ko at agad na pinutol ang tawag. Wala akong oras para makipag kwentuhan ngayon.

I looked around. The place was a mess because dead bodies and blood are everywhere. Tiningnan ko ang suot ko. Dugo. Kulang nalang ay maligo ako ng dugo.

Tiningnan ko si Marcus na nakahiga sa semento. I sighed and shook my head.

What am I going to do with you, Marcus?

***

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon