Chapter 60

1.4K 84 101
                                    

Arken POV

Tahimik akong naglalakad patungong 5th floor habang patuloy pa rin na bumabagabag sa isipan ko ang sitwasyon ni Marcus ngayon. There is something in me that's really want to help him out. However, there is also a part of me that doesn't. Ang gulo! And it's confusing the hell out of me.

Napakunot ang noo ko nang makasalubong ko sina Venice sa may lobby kaya agad na huminto ako para mag-antay nalang sa kanila dito. Tumaas ang kaliwang kilay ko nang makita ang uniform nila, lalong-lalo na sa namumulang mukha ni Coren.

'Were they bullied while I was away? Oh, boy! I can tell that she's really pissed.'

"Hey girls! Wait for me! Are you all going home na?" Nina asked while she's keeping up with their steps because they are walking too fast.

"What happened?" Tanong ko ng makalapit sila. Kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang ni Coren.

"Nagsisimula na naman ang apat na itlog." Maiksing sagot ni Venice na agad kong naintindihan. Tiningnan ko ang suot nilang apat. Parts of their uniform are covered with stains.

"Can we talk later na, Ken. I just really want to have a shower right now." Maarteng reklamo ni Trisha. Tiningnan ko naman si Coren na tahimik na nagngingitngit sa galit. Tumango nalang ako agad at tiningnan si Nina na nakatingin lang pala sa aming apat.

"We're going home." I said.

"W-Wait! W-What? Maiiwan a-ako dito?"

"Hmm. Bahala kang umuwi kung ayaw mong mag-isa dito." Tumalikod na ako pero pinigilan niya ako.

"K-Ken... wait..." I looked at her but she didn't say anything. Tinitigan ko ang mukha niyang parang nag aalangan sa sasabihin niya.

"What?"

"N-Nothing." Iling nito at binitawan nalang ang kamay ko ng dahan dahan. She looked so bothered. Napansin ko ang pilit na ngiting ibinigay niya. "Alright. I'll go home nalang din. Anyway, isang class lang naman ang i-skip natin."

"Suit yourself." Wala ako sa mood ngayon. Marami akong iniisip at sumasakit na ang ulo ko.

Tumalikod na ako at hindi na nagsalita pang muli. Pumunta ako sa car park at sa kotse nalang ako ni Coren sumakay dahil parehong maiingay ang dalawa. Gusto ko ng katahimikan ngayon araw na'to.

Tahimik lang din itong nagda-drive kaya mas nakapag-isip ako. Hindi ko pa rin maiwaglit sa isipan ko ang nakita ko kanina. Damn! Inuokupa lahat ni Marcus ngayon ang isip ko. Nagtatalo ang isipan ko kung ano ang gagawin ko.

'Dapat ko ba siyang tulungan?

Pero parang wala ng silbi ang mga sakripisyo niya kung tutulungan ko lang siya. May gusto siyang patunayan sa Lolo niya.

Fuck! Mataas pa naman ang pride at prinsipyo no'n. Siguradong hindi nito tatanggapin kapag nalaman niyang  may ginawa ako para sa kanya.'

"You're right." Coren said minutes later. Napalingon ako dito sapagkat nabigla ako nang magsalita ito dahil sa lalim ng iniisip ko. "They're now suspecting us."

"And?"

"They're trying to ask more questions about us."

"Tsss."

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon