Chapter 5

1.5K 96 49
                                    

Marcus POV

"Bro, parang hindi naman effective dun kay Arken ang ginagawa mo." Ani Kairo. Nandito kami ngayon sa head quarters at naglalaro ng dart.

"Arken?" Kunot-noong tanong ko. Sino naman yan?

"Yung babaeng iniinis mo na for a month. Narinig ko kasi ang pangalan nya dun sa kaklase niya. Grabe! hindi parin sumusuko. Ni hindi ko nga nakitang nainis yun o nagalit sa pinaggagagawa mo." Ani Yuki..

Hmmm, Arken pala ang pangalan nun? Akala ko 1 day or 2 days lang yun pero aabot pa talaga ng isang buwan. Hindi naman ako ganito mambully. Mild na nga lang ito dahil na rin sa pinagsasabihan ako ni Dad.

Napipikon ako dahil hindi ko man lang sya makitaan ng kahit konting takot man lang. Hindi rin nag-iiba ang ekspresyon sa mga mata o mukha nya. Yan ang mas nakaka-asar! Yung todo effort ka ng mang-inis, ginawa mo na ang lahat pero sa huli, ikaw pa rin ang pikon. Tsaka parang may something weird sa kanya. Hindi ko mapangalanan. Iba talaga ang freak na yun, eh. She's a mystery. Di ko parin makalimutan yung paglapag nya sa 3rd floor. Weird yun, eh! Kaya lang walang naniniwala sakin. Baka daw inaantok daw ako. Psh!

"Tol, may nakita ka bang information sa Arken na yun?" Tukoy ko kang Tanako.

"Wala namang kakaiba, tol. Atsaka, hindi naman pala sila scholar dito. May kaya din ang pamilya nila at business." Sagot nito kaya napailing ako. Kaya naman pala balewala lang sa kanya yung ginawa ko sa bike nya. Nagulat nga ako sa kotse ng hambog kanina. Tsk! Pasikat! Akala nya siguro madadala nya ako sa kotse nya. Akala mo kung sino.

Nakakabanas talaga yung mukha nya at yung tingin nya ng nakakainsulto.

Iiyak din yan at kapag nangyari yan, tatawanan ko sya mga bente. Bwahahahaha!

"Ano, dude? Suko ka na?" Nang aasar na tanong ni Gutch.

"Hell, no! Anong suko? Eh, nag uumpisa pa nga lang ako, eh." Chill kung sagot.

"Eh ano yung narinig kong bulong-bulongan sa Montreal na tinulungan mo daw siya or rather sila ng mga kaibigan nya kina Stacy?" Tudyo ni Tanako at umupo sa kaharap nyang couch.

"Anong tinulungan ka dyan? It's a misunderstanding. Walang pwedeng gumalaw sa biktima ko. Ako lang." Palusot ko.

"Ganun ba dude? First time ko atang narinig yan, ah." Kantchaw ni Yamagutchi. "Tsaka, akala ko ba tapos ka na dyan sa kalokohan mo? Diba napagusapan nyo na ni Tito na hihinto ka na sa pambubully mo?"

"Bat ba parating ako nalang ang nakikita nyo? Iuntog ko kaya kayo isa-isa?!" Asar na sigaw ko. "I don't like her, okay! Naiinis ako sa mukha nya."

"Oy, may sinabi ba kaming gusto mo sya, Marcus?" Nakangising tanong ni Kairo. "Ang isda nga naman. Agad na nahuhuli sa sariling bibig." Humagalpak sila ng tawa kaya agad ko silang binato ng dart at isa-isa silang umilag. I smirked.

"Chill, dude! Ang init naman ng ulo masyado. Hindi ka naman mabiro." Kinakabahang sabi ni Yuki.

"One more word about her and I'll aim this to your throat." Pinal na sabi ko at agad silang tumango at hindi nag salita.

Fuck! I'll make her stay in Montreal a living hell. Napangisi ako habang may brilliant idea na naman akong naisip. I'm a freaking Genius!

'Good bye, Veneno Roadster!' I smirked at that thought. Tingnan lang natin kung makikita ko pa ang nakaka-asar mong mukha na walang ka ri-reaksyon, freak.

Arken POV

I'm shaking because of anger. All I can see is red. Nakatayo kami ilang metro ang layo sa kotse kong umaapoy. Naiwan si Nina sa registration dahil sya nalang daw ang susulat ng pangalan namin sa club. Kaya andito kami ngayon sa likod ng Academy. Nag-effort talaga siyang i-tow ang sasakyan ko papunta dito at pasabugin. Andaming studyante dito at panay lang ang kuha ng video. What kind of shitty security does this Academy has? Bakit walang sanctions sa pinag-gagagawa nila? How disappointing!

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon