Chapter 36

1.7K 63 41
                                        

Dedicated to
gryss4nn

Venice POV

Napansin naming tatlo na may kakaiba kay Queen ngayon. Para siyang nagyeyelo sa lamig kung makitungo. Hindi man lang makausap ng maayos. Kung tahimik sya noon, mas naging tahimik pa talaga siya ng sobra ngayon. Kapag nagtatanong kami, hindi talaga siya sumasagot. Malayo palang nakakatakot na siyang kalabitin baka anytime masigawan niya kami kapag napuno na siya. Iba pa naman talaga ito kapag napuno.

"Psstt hoy!" Tawag ko kay Trisha. Lumapit naman siya agad. "Ramdam mo rin ba?" Tumango agad ito at tumingin kay Arken na kanina pa tumatakbo sa oval.

"Oo, eh. Ano kaya ang nangyari dyan?"

"Baka nalaman na niya?" Napalingon kami kay Coren nang sumabat ito.

"Malabo yun. Di naman yun nagso-social media." Wika ni Trisha.

"Tsk.. May alam ba kayong nangyaring kakaiba kahapon?" Umupo ako sa grandstand at ipinahinga ang binting kanina pa nangangawit sa pagtakbo.

"Wala, eh. Nanuod lang ako ng mukbang videos kagabi pag uwi natin. Di na ako lumabas ng kuwarto." Trisha said. Tumingin kami kay Coren. She shrugged her shoulders.

"I don't know anything. Nagbabasa ako ng webtoon last night."

"Tsk! Wala din akong alam, eh. Nakatulog ako agad sa sobrang pagod. Di na nga ako nakapag dinner." Inilagay ko ang kamay sa baba habang nag-iisip. 'Hmm, ano kaya ang nangyari dyan?'

"Ewan ko kay Arken. Hindi naman niya sinasabi mga problema niya. Palagi nalang sinasarili." Napailing si Trisha at uminom ng tubig. Tumunganga kami at tiningnan nalang itong tumatakbo. Parang walang kapaguran. Kanina pa siya dyan, eh. Natapos nalang kami pero siya, ayaw pa ring tumigil.

"Anyways, na confirm ko na pala kung sino yung babae sa Academy Page." Pagbabalita ko sa kanilang tatlo.

"Oh? Sino yun?/ Who was that?" - Sabay na tanong ni Coren at Trisha.

"Grace Carticiano."

"So is it true? Fiancée niya talaga yun?" Umupo si Trisha sa tabi ko para maki-chismis at tumango naman agad ako. "Sa Southlane Academy nag-aaral. Tourism student."

"Paktay na!" Bulas nito at umiling. "Mukhang tinamaan pa naman si Ken dun sa prinsesang bakla nya." Nguso nito kay Arken na patuloy pa rin sa pagtakbo. Hanep! Siniseryoso talaga ang training palagi! Tsk! Sobrang competitive talaga.

"Ngayon lang 'yan tinablan ni kupido. Kaya kahit 'di niya sabihin, alam na natin sa mga kilos at galaw niya. Tss, siya pa." Komento ko.

Nakita namin si Queen na papalapit na sa gawi namin kaya tumahimik na kami. Naglalakad na sya ngayon pero parang may iniisip.

"You done?" Coren asked her. Hindi ito tumango pero umupo sya sa bench habang umiinom ng tubig. Siniko ako ni Trisha at may ininguso kaya tiningnan ko ang direksyon na itinuro niya.

Ang buong soccer team. Nagja-jogging sila at nakita ko si Supremo na tumatakbo. Kumaway ang Knights kaya tumango ako.

"Naku! Naku! Ang aga-aga, humaharot!" Tudyo ko kay Trisha pero nginisihan lang niya ako at nagpa cute kay Yamagutchi.

"Look at Supremo's face." Sabi ni Coren kaya't agad na napalingon kami ni Trisha.

"Anong nangyari diyan?" Nagtatakang nilingon ko si Trisha at Coren. May pasa kasi ang mukha ni Marcus at parang isa lang kami ng naisip dahil nagkatinginan agad kaming tatlo.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon