Chapter 42

1.7K 60 60
                                        

Arken POV

"Bat di nalang megaphone ibinigay niyo dun?" Tanong ko kay Marcus habang nakatingin ako kay Tanako na hawak-hawak yung mic habang may soundbox pang dala-dala.

"Yan ang tinatawag na effort, Baby." Ngisi niya.

"Tss. Uto-uto din yang kaibigan mo. Nagpapaniwala sa inyo." Komento ko kaya natawa siya.

"Hayaan mo na 'yan. Lumalovelife 'yan, eh. Ako nalang atupagin mo."

"Tss.." Pinitik ko ang noo niya.

"Let's go to my car, Babe. Gumawa nalang tayo ng milagro dun." Pinagalaw niya pa yung dalawang kilay niya habang malaki ang ngisi na nakatingin sakin.

"Atupagin mo yang Lolo mo." Tipid na wika ko kaya agad na napalingon siya sa gawi ng Lolo niya.

"He's staring at us." Titig na titig ang Lolo niya sa amin, lalong lalo na sa akin. He sighed.

"I'm sorry again for what happened the other night. Don't mind him, Baby. I'm sorry in advance kung ano pa man ang sasabihin ni Lolo sayo. I swear, I'll protect you from him."

"No need. I can perfectly handle him myself."

"Sus! Hambog mo talaga." Ingos niya.

"Gusto mo naman."

"Sobra!" Ngisi niya kaya di nalang ako umimik pa. "Lolo really wants to push the wedding, tho." I heard him said. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko kaya sobrang dikit na namin. Parang di niya talaga alam ang salitang personal space, to think na public area 'to.

"So?"

"Anong, so?" Kunot noo niyang tanong. "Gusto mo bang makasal ako dun sa babaeng tuko na yun?"

"Why not? She's pretty."

"Pretty, my ass. You're not her so it's a no."

"So you want to marry me instead?" I asked. Natigilan siya sa biglaang tanong ko kaya napangisi ako.

"I..mean.."

"Shhh. No need to answer that." Agap ko because I was just joking. He sighed again then kissed my temples. He didn't say anything after that.

Tahimik na nanunuod nalang ako ng cheerdance. Ang ingay sa loob kaya gusto ko sanang umalis. Gusto kong maghanap ng tahimik na lugar o umuwi nalang para matulog.

Ang ingay ni Marcus sa tabi ko habang tumatawa tapos magchi-cheer pa. May napapansin din akong mga babae na pilit na nagpapapansin at kinukuha ang atensyon niya sa gawi namin but Marcus is oblivious to his surroundings. Yung kaliwang kamay niya ay nanatiling nakahawak sa bewang ko hanggang sa natapos ang CDC. Panaka nakang nagnanakaw naman ito ng halik sa sentido at pisngi ko.

Mas umingay pang lalo ngayon dahil announcement na kung sino ang magwawagi kaya tiniis ko nalang.

"Wala na. Montreal na 'yan! Maliwanag pa sa sikat ng araw!!!" Sigaw ni Yamagutchi.

"Montreaaaaal!" Sigaw ni Kairo at Yuki. Pumadyak ulit si Marcus. Grabe ang intense ng mga tao dito habang kami ni Coren ay chill lang. Siniko ako ni Coren.

"I'm hungry." Anito kaya napatingin ako sa relo. Ala una na pala.

"Hmm same, after this we'll eat." Tumango naman siya sa sinabi ko.

"And the champion issss...." Tss. Antagal! Maypa drum roll pa. "Montreal Academyyyy!!" Anunsyo ng Emcee kaya halos gumuho yung grandstand kakapadyak ng mga tao.

"Ayus! May 10 points na agad tayo. Buena mano!" Palakpak ni Kairo.

"Will you watch our game later, Baby?" Kalabit ni Marcus sakin.

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon