Chapter 61

1.9K 96 61
                                    

Marcus POV

"You stole my brain." She whispered. Does she means to say that she keeps on thinking of me lately? Because I am, too.

Well, I don't know what she really means but I just stayed silent. Gusto ko munang namnamin ang oras na ganito lang kaming dalawa.

Walang gulo.

Walang away.

Walang sumbatan.

I felt her warm body close to mine and her hair smells nice. We can do this all night and I won't even dare to complain!

I can't help it any longer so I kissed her forehead and hugged her back so tight. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"I missed you, Baby." I said in a whisper tone. "So damn much." Hindi siya umimik at nanatili pa ring nakayakap sa akin. Akmang kakalas ako sa kaniya para makita ko ang mukha niya pero pinigilan niya ako.

"2 more minutes, please."

"Babe, your arm." Paalala ko dito dahil naalala kong may sugat pala ito. Ngunit hindi pa rin ito umimik kaya hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin dahil gusto ko rin namang ikulong siya sa mga bisig ko. Matagal ko na din namang gustong gawin ito sa kanya.

Tahimik ang paligid at tanging kulisap lang sa paligid ang naririnig ko. Hindi gaanong maliwanag dito sa kinatatayuan namin dahil maraming puno sa bandang 'to at tinatakpan nito ang sinag ng ilaw na galing sa may poste.

"You cut your hair." She said while still hugging me.

"Hindi pa kasi tayo bati."

"Hmm. What's the connection?"

"Wala akong ibang mapagdisketahan, Babe." Himutok ko.

"Tss."

"Na miss kong marinig 'yan." I whispered and she looked at me this time.

"Ba't hindi ka pa pumapasok?"

"Why? You missed me?" Intensyon ko lang sanang mag-biro pero wala itong ipinakitang reaksyon kaya hindi ko matantiya kung alam niya bang joke 'yun o hindi. Wala pa naman itong ka-joke joke sa katawan.

"C-Can we talk about us now, Babe?" Nabubulol kong tanong.

"We're already talking."

"Handa ka na bang makinig sa akin ngayon?"

"Sasagot ba ako kung hindi ko ginagamit ang tainga ko ngayon?"

"Babe, naman." Reklamo ko dahil namimilosopo na naman ito. "Are you not mad anymore?" I asked but she didn't answer me. Ibinaling niya ang tingin sa motor kong nakaparada at lumapit do'n.

"Nice ride." Hinawakan niya ang manibela.

"Joy ride?" Aya ko. She looked at me and studied my face. "B-But if you don't want to, hindi kita pipilitin." Agad na bawi ko dahil baka magsungit na naman ito.

"Okay." Tipid nitong sagot na nagpagulo sa isipan ko.

"Okay what? Okay na joy ride or okay na hindi ako mamilit?" Nagugulahan kong tanong.

"Choose your okay." She smirked and instantly, my smile widened. Agad na nilapitan ko siya at pinisil ang pisngi niya. Shit! Nanggigigil talaga ako dito.

"Arrggh! Why are you so damn cute whenever you get bossy at me?"

"Tss." Mahinang singhal nito. Hinubad ko ang suot kong jacket at ipinasuot ito sa kanya maging ang spare helmet ko. Nakatitig lang siya sa buong mukha ko at pinisil ko ang tungki ng ilong niya pagkatapos. Ganito pala kasaya sa feeling kapag nakabati mo na ang girlfriend mo. Matagal din kaming hindi nag usap and believe me, it was so hard!

THE QUEEN (Season 1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon