Chapter 197_ Planado

155 18 3
                                    


Pagkababa sa New Chitosi Airport ng Hokkaido ni Enjeru ay deretso agad siya sa sasakyan ng tren para makapunta sa Sapporo, paputang Furano. Wala na siyang kailangan pa kaya dumiritso na siya doon papunta sa lugar na sadya niya.

Nakasuot na siya ng panlamig dahil tama ang babaeng malamig pa nga doon. Hindi na gaanong makapal ang nyebe sa lugar na yun pero siguro kapag nagpunta na siya sa mas hilaga ay malamig na.

Kaya lang four pa ng hapon ang byahe kaya kailangan ng maghintay na kaunti. Aabot din ng apat na oras ang byahe niya para marating ang sadyang lugar.

Gabi na siyang makakarating doon. Saka naman siya sasakay ng bus papunta sa sadyang rural na lugar. Wala na siyang pakialam. Alam naman niya kung saan siya pupunta eh. Tinanong niya ang expert sa bansang yun.

Sino pa nga ba ang isang halimaw na kilala niyang matagal na naninirahan sa lugar na yun?

Si Shiro.

"Hello?" masayang sagot ni Shiro pagkatapos na ibigay sa kaniya ni Philipe ang phone at umalis na ito.

"Hello, Shiro. Ikaw lang ba mag-isa diyan?"

"No, kasama ko mga kaklase ko."

"Pwede bang lumayo ka muna sa kanila. Mahalaga lang itong itatanong ko."

Na ginawa din naman ng pusa. "May itatanong ka raw sabi ni Sir Philipe."

"Meron. Tungkol sa tahanan ng mga Alamid." Seryosong sagot niya.

"Aling Alamid? Marami sila."

"Marami?"

"Specifically, tatlong Alamid. Puti, Itim, Pula. Parang manok lang noh?" tumawa pa itong ng malutong.

"Pula." Sagot niya. "Saan banda ng hapon ang lagusan papunta sa tahanan nila?"

"Yan, ang hindi ko alam. Hindi mo ba alam na naubos na ang mga pulang Alamid? Si Loo na lang yata ang natira eh. Wait, tungkol ito kay Loo kaya ka nagtanong noh? Pupuntahan mo siya?"

Matagal na hindi sumagot si Enjeru. "Yeah. Pero wag mong sabihin sa iba."

Tumawa ito ng maiksi. "Okay, kung tungkol kay Loo. HIndi ka na makakapunta sa bayan nila. Sarado na ang lagusan papunta doon. Kung gusto mo, dumaan ka sa lagusan ng mga puting Alamid. Who knows, baka naroon rin si Loo."

"Bakit?"

"Ang mga puting Alamid ang pinakamataas sa tatlong Alamid. Puting Alamid rin ang Hari ng lahat ng Alamid, kaya, alam mo na."

"Saan ko naman matatagpuan yun?"

"Papasok ka sa lagusan? Ng ikaw lang mag-isa? Hindi ka ba naalangan na isa kang tao, Enjeru?"

"Naalangan pero,"

"Well, hindi na naman bago sa kanila ang mga tao kaya baka makakapasok ka rin. May kung anong seremunyas kasi silang ginagawa doon na iwan ko."

"Ako na ang bahala kung paano ako makakapasok. Sabihin mo sa akin kung saan ang lugar na yun at kung paano pumunta doon."

Sinabi lang nito kung saan at siya na ang nag-research kung paano pupunta sa lugar na yun. Ibinilin din niya kay Shiro na wag sabihin sa iba na yun ang tinanong niya. Ayaw na niyang may gawin pa ang mga ito.

Plano niya yun at siya na ang bahala doon. Sa kanila ni Loo ang bagay na yun.

Hindi ito mag-iingay kapalit daw ng maraming chocolate pag-balik niya. Ang hilig talaga nito sa matatamis.

Ng makasakay na ng tren ay naupo siya bakanting upuan sa gilid ng bintana.

Inayos niya ang bag sa itaas at naupo ng maayos.

Itinago niya ang ulo suot-suot ang makapal na jacket niyang may hood.

Malamig pa rin ang paligid. Hindi na naman bago sa kaniya ang snow dahil malamig din naman ang England.

Kinuha na lang niya ang maliit na pocket book para at least ay may mapaglilibangan siya.

Inayos na din niya ang earphone at ang phone. Malayo ang byahe kaya kailangan niyang libangin ang sarili niya. Ayaw niyang matulog dahil baka mawalan siya ng kontrol sa kung nasaan siya. Mas maigi na yung sigurado.

Aabot pa ng ilang araw bago matuklasan ng Lolo niya na wala na siya sa Paris. Ang bilin niya dito ay may sinasalihan siyang club kaya hindi siya makakauwi sa bakasyon. Abala rin naman ito sa trabaho nito.

Hindi rin naman alam ni Shiro na ngayon ang alis niya dahil nagtanong na siya dito nong isang buwan pa. Sana lang wala itong sabihin sa kapatid nito.

Sana rin hindi maisipan nina Civ na sumunod. Ayaw niyang naroon ang mga ito at baka magulo ang plano niya.

Nagpadala na siya ng sulat kay Gera para alam nitong may plano siya. Sinadya niya ang sulat na naka-set sa certain date pagkatapos ng alis niya. Para naman kapag naisipan nitong sumundo ay naroon na siya sa lugar na yun.

Mas maigi na rin yun na may magpaliwanag sa lolo nila kapag nalaman nitong wala siya.

Di kalaunan ay nagsimula ng bumyahe ang bullet train. Ang bilis ng takbo pero hindi niya nararamdaman ang paggalaw ng tren. Kaya nakaka-basa siya ng maayos.

Isang oras at kalahati ay nakarating agad siya sa Sapporo. Doon ay bumaba siya ng train paputang Furano naman. Walang straight na train papunta sa lugar na yun galing sa airport.

Ganong pwesto pa rin siya naupo lalo na at mas mahabang byahe yun kesa sa kanina. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid.

Napansin niyang may tumabi sa kaniya pero hidi niya ito pinansin. Ang ikinaiinis lang siguro niya ay dahil kahit ang daming bakanting upuan sa paligid ay naupo talaga ito sa tabi niya.

Sana lang hindi ito manyakis.

Di na lang niya ito pinansin at binasa na lang ulit ang maliit na pocket book na nabili niya sa Tokyo.


====================

Next, Chapter 198_ Katabing Lalaki

Updates on 4/4

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon