"Beautiful isn't it?" tanong ni Richard kay Enjeru.
Hindi na naalis ang kunot ng noo ni Enjeru sa nakita. Kahit nga sina Haldo at Erena ay hindi na rin mapanatili ang walang emosyon na anyo.
Sino naman ang matutuwa sa nakikita nila?
Pumasok sila sa gusaling punong-puno ng kulungan. Iba-iba ang laki ng mga kulungan at lahat ng mga yun ay may lamang iba't-ibang uri ng mga halimaw.
Ang nakakalungkot pa ay dahil nakatulala ang mga halimaw doon. Walang maingay, walang nagsisigaw. Permenti lang na nakatayo ang mga ito habang nakatulala sa kawalan.
May ilang mga halimaw na natutulog na at may ilang halimaw na nakaupo.
Ang nakakagulat pa ay dahil halos lahat ng mga halimaw na naroroon ay mga halimaw sa Vermillion Academy. Ang ilan sa mga ito ay suot-suot pa ang uniporme ng akademya.
Naglakad si Enjeru palapit sa isa sa kulungan na naroroon. Mabuti na lang siguro at may suot siyang salamin dahil hindi makikita ng mga ito ang maluha-luha niyang mga mata.
Lalong-lalo na dahil kilala niya ang halimaw na nasa kulungan doon.
"Cookie," mahinang bulong niya. Nakaupo ito sa sulok. Nakatulala sa kawalan. Wala siyang makitang emosyon sa mga mata nito. Suot pa nito ang uniporme ng Vermillion Academy.
"What happened to them?" tanong niya habang nakatitig pa rin sa kaibigan.
"Gas. We gas them para kalmado sila."
Tumalikod si Enjeru at tiningnan ang matanda. May hindi maipaliwanag na tuwa at pananabik sa mga mata nito habang tinitingnan ang mga halimaw. Wala namang ekspresyon si Jimmy pero halatang proud ito.
Napansin niya si Erena na nagngingitngit na sa galit.
Si Haldo naman ay kalmado lang pero kitang-kita na rin niya ang ugat sa bandang ulo nito. Nagtitimpi din ito ngayon.
"Ibibinta mo ba sila sa Auction?" tanong niya. Muli niyang hinarap si Cookie. Sinadya niyang hampasin ang rehas na lumikha ng malakas na ingay pero hindi man lang ito pumitlag.
"Don't do that." Awat ni Jimmy sa kaniya. "Kapag nagising sila, siguradong hindi ka matutuwang makita ang bagsik nila."
Inalis ang salamin at nakipagtitigan kay Jimmy. "I'm looking forward for it." Sabay hampas ulit ng rehas.
Umalingawngaw ang napakalakas na ingay ng rehas sa kabuuan ng gusali.
Hindi kumibo si Jimmy pero hindi nito ikinatuwa ang ginawa niya.
Inirapan lang niya ito bago ulit sinuot ang salamin. Hinarap niya si Cookie pero nagulat siya dahil nakatayo na ito sa harap niya. Tanging rehas lang ang pagitan nila.
Tinitigan niya ang mukha ng kaibigan at kahit ito ay nakatitig sa kaniya. Ang kaibahan lang talaga ay wala siyang makitang kaluluwa sa mga mata nito. Blangko ang titig nito at marahil hindi siya nito nakikilala.
"Did you torture them too?" tanong niya habang nakatitig pa rin kay Cookie.
"Not all of them." Naglakad si Richard at tumabi sa kaniya. "This guy is obedient. Nagwala lang siguro nong kunin namin ang kasama niyang Tigre na babae."
"Kasintahan niya." Wika ni Jimmy.
"Ah yes. Yung kasintahan niya. We had to make him calm. He's strong as hell."
"At nasaan ang kasintahan niya ngayon?"
"Nasa Red District. She's a pretty little half-furry. Anyway, come. I have plenty of things to show you."
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasía(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...