Umalingawngaw ang nasasaktang sigaw ng isang halimaw sa loob ng silid. Kahit saradong-sarado yun ay dinig na dinig pa rin ang sigaw nito.
Simpleng nakatayo lang si Miguel sa malaking bintana na may salamin habang ini-inspeksyon ng mga eksperto ni Richard ang halimaw. Kung ano-anong aparato ang nakatusok dito.
Nasa tabi naman niya si Jimmy na permenting nakatitig sa nangyayari. Walang kaemo-emosyon ang anyo nito. Blangko ang ekspresyon at wala ni maliit na awa man lang sa mga mata nito.
Halatang sanay na sanay na ito sa ganong tagpo. At sigurado ring mas malala pa doon ang nakita nito.
Nagtaas ng drill ang isa sa doktor doon at agad na itinapat sa kung saang bahagi ng halimaw. Hindi na nila nakita kung saan dahil sa mga nakapaligid na doktor bagamma't nadidinig nila ang malakas na sigaw nito.
Isa yun sa pamamamaraan para masuri ang mga halimaw. Maraming uri ang mga ito kaya kahit mamatay ang halimaw na yun, may isa pa naman katulad nito.
Ang iniingatan lang ng sobra ng mga ito ay ang mga halimaw na iilan lang mas lalong-lalo na kung nag-iisa lang.
"Hindi ka ba naaawa, Mister Jimmy?" natanong ni Miguel sa lalaki.
"Hindi. Naaawa ka ba?"
Hindi nakasagot si Miguel. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa puntong yun. Kung tutuusin ay mga halimaw pa rin naman ang mga yun.
"Wala na akong awa sa mga tulad nila, Sir Miguel." Sambit nito. "Kaya sila tinawag na mga halimaw ay dahil yun ang nababagay na itawag sa kanila. Wala silang ibang alam kundi ang pumatay at kumain."
Tiningala ni Miguel ang lalaking yun. Sa pagkakataong yun ay may nakikita siyang inis sa mga mata nito habang nakatitig sa nangyayari. At sa bawat sigaw ng halimaw ay may umuukit na maliit na ngiti sa labi nito.
"Naging biktima ka ba ng mga halimaw?"
Sumulyap ito sa kaniya. Halatang hindi inaasahan ang tanong niya. Maya-maya ay umiwas ito ng tanong at tumango. "Lahat ng mga tauhang nakikita mo dito ay mga biktima ng halimaw, Sir Miguel. Kaya hindi ka makakakita ng taong may awa sa mga halimaw dito."
Hindi nakasagot siya sumagot. Tumingin lang siya sa ilang mga tauhan sa paligid. May mga unipormadong lalaki na nagbabantay at ilang mga tao naman na nakasuot ng lab gown at abala sa ginagawa.
Isang napakalaking pasilidad ang lugar na yun kaya wala siyang ibang makikita doon maliban sa mga taong may suot na uniporme.
"Kahit ikaw ay isang biktima rin nila, kung tutuusin."
"Hindi ako biktima ng mga halimaw."
"Pero hindi ba't dahil sa pagiging mailap nila ay kaya nagagawa mo ang bagay na ito? Ano ang nagtulak sayo para gawin ito, hindi ba dahil na rin sa mga halimaw?"
"At sa mga tao." Dugtong niya. "Buong buhay ko ay pinag-tawanan nila ako dahil sa mga studies ko. At gusto kong patunayan sa lahat na tama ako sa teorya ko. Kapag nangyari yun, makikilala ako ng buong mundo at ire-respeto nila ako."
Napangiti lang si Jimmy. "Sapat na yun. Kapag natuklasan ng lahat ng tao ang tungkol sa mga halimaw, hindi na tatawaging Black Market ang lugar na ito."
"Yun ba ang gusto ni Mister Richard?"
"Gusto niyang makilala bilang pinaka-unang tao na kayang humuli ng mga halimaw. Siya lang ang nag-iisang tao na kayang gawin yun. Ang dami niyang nadevelop na mga teknolohiya para labanan ang mga halimaw. Kaya kailangang-kailangan din niyang suriin ang iba't-ibang uri ng mga halimaw para maka-develop ng iba pang mga teknolohiya na pwedeng ibinta. O maka-develop ng mga gamot mula sa mga halimaw."
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasía(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...