Chapter 201_ Kasunduan

116 18 0
                                    

Halos isang oras din silang umaakyat ng huminto na rin ang Miko sa wakas. Nasa tapat sila ng malaki at patay na punong puno ng nyebe.

"Nandito na tayo." Humarap ito sa kaniya.

"Good," tumingin siya sa paligid. Nasa mataas na bahagi na nga sila ng bundok. May natatanaw siyang pampang sa di kalayuan at nakikita niya ang iba pang mga bundok doon. Nilalamig na rin siya ng sobra dahil malakas ang hangin doon. "Nasaan ang pari?" tanong niya sabay tingin sa Miko.

Ngumiti lang ito at sumungaw ang matalas na pangil nito.

Hindi nakaimik si Enjeru. Dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya at huli na para malaman niya kung ano ang nangyayari.

"Isa kang kitsune!" sigaw niya.

Kaya lang ito ang nagulat dahil sa tuwang nakikita sa mukha niya. "Ha?"

"Isa kang Alamid diba? Isa kang alamid." Masayang nasapo niya ang bibig sa tuwa. "Hay, salamat. Nakakita rin ako ng tulad mo."

Napuno ng gulat ang mukha ng babae.

Pero nabura ang ngiti ni Enjeru ng lumabas ang puting buntot ng babae sa likuran nito. Hanggang sa naging dalawa, nating tatlo, at marami pa.

Binilang niya ang buntot nito pero pito lang ang nabibilang niya.

"Isa kang kyuubi na may pitong buntot?" tanong niya.

"Hindi pa tumubo ang lahat ng buntot ko." sagot nito saka hinawakan ang ulo at tuluyan itong nag-bagong anyo.

"Ikaw!" sigaw niya ng makilala ito. "Ikaw yung lalaking nakasabay ko sa tren. Tama nga ako na isa kang Alamid."

Napangiti ang lalaki. Napakakinis ng mukha nito. Kulay ginto o dilaw ang mga mata. Sobrang puti ng buhok at nakasuot ito ng puting Happi, isa sa uri ng damit ng mga ito.

"Ako si Toshirou."

"Ako si Mika." Hindi na niya nagawang sabihin ang totoong pangalan dito.

"Mika. Nakakatuwa kang babae. Inaasahan kong matatakot ka at magtatakbo pero parang alam mo ang tungkol sa aming mga alamid."

"Ah," tumawa pa siya. "Nadidinig ko kasi ang tungkol sa inyo sa lolo ko. Dahil doon ay naging interesado akong alamin ang tungkol sa inyo. Isa ito sa dahilan kaya ang tungkol sa inyo ang project ko."

Pero tumitig lang ito sa kaniya.

Sana lang hindi ito marunong magbasa.

"Tika, ba't mo nga pala ako dinala dito."

"Kakainin sana kita."

Napatitig siya sa halimaw.

"Lalo na dahil mabango ang dugo mo."

"Kumakain kayo ng tao?"

"Kumakain ang kahit ng sinong halimaw ng tao."

"Ah, oo nga pala. Kakainin mo pa rin ba ako ngayon."

"Hindi na. Nawala na ako ng gana. Mas gusto kong kinakain ng takot ang mga biktima ko."

"Kung ganoon, ikaw yung magandang babaeng nakikita ng mga residente dito na naglalakad sa gabi." Tumango ito sa sinabi niya. "Ginagawa mo ba yun para maka-biktima?"

"Isa yun, pero wala kaming sinasaktan na kahit sino dito sa residenting ito. Nagkataon lang na ikaw lang ang nag-iisang bumisita."

"Dahil gusto ko. Maaari mo ba akong dalhin sa mundo mo?"

"Ha?" nagulat ito.

"Gusto kong makapunta sa mundo niyo. Gusto kong makita at mapag-aralan ang mundo niyo. Please."

Hindi agad ito nakapagsalita. "Ang wierd mo."

"Ganoon ko kagusto ang tungkol sa inyo. Gusto kong malaman at makita ang lahat. Ng sa ganoon ay kapani-paniwala ang isusulat ko sa project ko. Pwede ba? Maaari ba?"

"Ano naman ang makukuha ko kung sakaling pumayag ako?"

Nag-isip saglit si Enjeru. Wala naman siyang maibibigay na gugustuhin ng isang halimaw eh. Maliban sa isa. "Bibigyan kita ng dugo ko."

Natawa ito. "Kung gusto ko ang dugo mo, hindi ko na kailangan pang humingi. Kakagatin kita at sisipsipin ang dugo mo kung kinakailangan."

"Please naman." Bahagya siyang lumapit. "Kailangan na kailangan kong makapunta sa mundo niyo. Gagawin ko ang lahat. Please. Gustong-gusto kong makita ang mundo niyo. Ito ang pangarap ko. Ito ang buhay ko. Ito ang matagal ko ng gustong gawin bago ako mamatay. Kung gusto mo, pwede mo akong kainin pagkatapos."

Natigilan si Enjeru sa sariling sinabi.

Ba't ba niya sinabi yun?

Ganoon ba talaga siya ka-desperadang gawin yun para lang makita si Loo?

Oo naman.

Kung para kay Loo ay gagawin niya lahat. Isa pa, nandoon siya para tulungan at turuan ng leksyon si Loo ng sabay. Yun na lang ang nakikita niyang gustong gawin. Wala na siyang naiisip na ibang bagay na gagawin sa pagkakataong yun kundi ang maisakatuparan yun.

Pero hindi ba't kapag nagtagumpay siya ay hindi naman papayag si Loo na may mangyaring masama sa kaniya? Syempre hindi ito papayag na kainin siya kaya safe rin siya kahit papaano, diba?

Pero paano kapag nabigo siya? Siguro gagawa na lang siya ng ibang paraan para hindi siya nito tuluyang makain. Gusto pa rin naman niyang mabuhay kahit papaano noh?

Napatitig siya kay Toshirou na seryosong nakatitig lang sa kaniya. Para bang sinisiguro kung seryoso ba talaga siya.

"Okay. Pumapayag ako." hindi sumagot si Enjeru. "Pero kailangan mong maging isang alipin sa loob. Iyon lang ang pwedeng gawin ng isang tao maliban sa maging hapunan sa mundo namin. Sabihin mo lang sa akin kung kontento ka na at ako ang bahala sayo."

Wala ng atrasan yun.

"Okay." Tumango si Enjeru.



~~~~~~~~~~~~~

"Hindi ka man lang ba natatakot?" tanong ng isang Alamid kay Enjeru.

Umiling lang si Enjeru habang nakatitig sa Alamid na nag-aayos sa pinasuot sa kaniyang Yukata. Hindi naman kasi niya alam kung paano suutin yun kaya itong babae lang ang nag-ayos sa kaniya.

Dinala nga siya ni Toshirou doon at ibinigay sa mga tauhan na yun para ayusan at gawing alipin. Umalis na ang lalaki at maghihintay na lang daw ito. Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin pero bahala na.

"Maswerte ka at hindi ka kakainin ngayon dahil abala ang lahat." Paliwanag nito habang inaayusan siya. Puting alamid din ito bagamma't lima lang ang buntot nito.

Napansin din niya na iba-iba ang bilang ng buntot ng mga alamid na naroroon. Depende siguro yun kung kailan tutubuan ang mga ito. Mahirap nga siguro yun. So far ay wala pa siyang nakikitang alamid na siyam ang buntot.

"Mukhang maayos ka naman." Tumingala sa kaniya ang babae. "Hindi ka naman tulad ng iba na panay ang sigaw. Mukhang kalmado ka lang ah. Parang sanay ka na."

"Hindi naman sa ganoon. Siguro dahil hindi naman kayo nakakatakot?" tanong niya.

Natawa ito ng maiksi. "Kung gayon ay sa palasyo ka tutulong. Abala na rin sila doon at kailangan nila ng tulong ng kahit sino lalo pa at ikakasal na ang prinsesa."

"I see." Yun lang ang nasabi niya.

Dalawang lalaking alamid ang pumasok sa silid ng tawagin ito ng babae.

"Sumunod ka sa kanila at ihahatid ka na sa palasyo. Wag ka sanang tumakas. Mas dilikado kapag ginawa mo yun." bilin nito.

"Tayo na." Tawag ng lalaki sa kaniya.

====================

Next, Chapter 202_ Sa Lugar ng mga Alamid

Updates on 4/18

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon