"Marami daw uri ng mga Alamid. Isa na doon ang pula. Ba't walang pula dito? Nakatira ba sila sa ibang bayan? Wala bang nakatirang pula dito kahit ni isa?"
Pinagmasdan lang ni Enjeru ang lalaki. Ayaw niyang ialis ang tingin dito para mabantayan ang kilos nito.
"Alam mo kasi, hindi namin pinag-uusapan yan dito. Hindi maganda ang nangyari sa mga pulang Alamid kaya,"
"Oh, pasensiya na. Naiintindihan ko." aniya na lang.
"Sensitive kasi ang paksa tungkol sa kanila lalo na dahil may involve na mga tao,"
Hindi sumagot si Enjeru. Hindi na nito kailangang sabihin. Alam na rin naman niya. Sensitive nga siguro yun dahil mga tao ang umubos sa mga pulang Alamid.
Gusto sana niyang magkwento ito. Na sasabihin nitong nangyari ang lahat ng yun dahil may isang taksil. At kung nasaan ang taksil na yun, saka niya malalaman kung nasaan si Loo.
"May pulang Alamid ba dito?" tanong niya.
Napatitig ito sa kaniya. "Gusto mo talagang malaman ang lahat noh?"
"Yung tanong na yun na lang." giit niya. Gustong-gusto niyang malaman na hindi sayang ang pagpunta niya doon.
Tumango ito. "Meron."
"Anong pangalan?"
"Kilala mo ba siya?" natatawang tanong nito.
"Baka." Nginitian niya ito.
"Ru ang ang pangalan niya."
"Ru?" naulit ni Enjeru.
Napatingin siya sa malayo. "Ru, Loo, Ru, Loo." Paulit-ulit niyang bulong sa sarili. Baka nga ang alamid na yun ay si Loo. Katulad lang din marahil ni Civ na may ibang version ng pangalan sa Hapon. Tinatawag kasi iton Shibu ni Shiro.
At baka nga ang Ru na yun ay si Loo. Ito lang din naman ang nag-iisang pulang alamid na natira eh kaya malaki ang tyansa.
Pero pwede rin namang may iba pang pulang alamid ang nabuhay diba?
Magkaganoon man, mas malaki pa rin ang percentage na ang pulang Alamid na yun ay si Loo.
Natawa siya sa sarili dahil kahit papaano, hindi nasayang ang hirap niyang hanapin ito. Ang gagawin na lang niya ay ang makita ito sa personal at siguruing ito nga talaga si Loo.
Kapag nasiguro na niya, saka na niya gagawin ang plano.
"Bumalik na siguro tayo. Matulog ka na rin, Mika." Agaw pansin ni Toshirou sa kaniya.
"Okay," masayang tumayo na lang si Enjeru.
Kontento na siya sa pag-uusap na yun dahil may nalaman rin siya.
~~~~~~
Nasundan na lang ng tingin ni Toshirou si Enjeru habang papunta ito sa gusali ng mga ito habang siya naman ay sa ibang gusali din.
Ng mawala na ito sa paningin niya ay saka siya bumuntong-hinga.
"Ba't gising ka pa?" seryoso niyang tanong sa isang aninong nakakubli sa palikong daan. Para bang nahinto ito sa paglalakad ng makita sila ni Mika.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan, kamahalan?" balik tanong ng seryoso at malamig nitong boses.
"Hindi ako makatulog. Ikaw din diba?"
"Sino yung babae?"
"Siya ang bagong Alipin."
Tiningnan ni Toshirou ang bisita na lumabas na sa dilim at tumingin sa kaniya.
"Nakikipagmabutihan ka sa isang Alipin, kamahalan?" patuloy nito.
"Hindi yun tulad ng iniisip mo."
"Pero interesado ka sa kaniya dahil sa dugo niya?"
"Siguro," nasagot ni Toshirou. Tumingin siya sa malayo. Hindi naman talaga siya desperadong matikman ang dugo nito eh. Si Mika naman ang nag-offer sa sariling nitong kainin niya. Sinong halimaw naman siya para hindi kuning pagkakataon yun.
Isa pa, hindi araw-araw na may taong hindi takot sa mga halimaw.
"Nakakatuwa kasing tao si Mika." Sagot lang niya.
"Mika?" naulit nito. Para pa itong matatawa pero nagpigil. "Yun ba ang pangalan niya?"
"Oo," takang napatingi si Toshirou dito dahil nagpipigil itong matawa. "May nakakatawa ba? Kilala mo ba siya?"
"Siguro." Sagot nito. "Hindi ako sigurado. Pamilyar kasi siya pero baka hindi siya yun."
"Kaibigan mo? Wag mong sabihing interesado ka sa kaniya dahil rin sa dugo niya? Wag mong kalimutan na ikakasal ka na sa kapatid ko."
Hindi ito sumagot. Para bang nag-iisip. "Nagawa ko na ang ipinataw na parusa sa akin ng ama mong Hari, Toshirou. Hindi ko maintinidihan kumbakit kailangan ko pang magpakasal sa kapatid mo."
"Hindi ba't ipinangako mong babawi ka sa mga kalahi mo? Ito ang paraan para makabawi ka."
"Ang magpadami ng lahi? Hindi ba natin pwedeng hintayin kung kailan gugusthin yun?"
"Kailan mo ba gusto? Isa pa, hindi mo ba gusto ang kapatid ko? Gustong-gusto ka niya. At sigurado akong magugustuhan mo rin siya kapag may pagkakataon." Tumayo na si Toshirou. "Wag mo ka sanang gumawa ng hindi maganda, Ru."
Hindi sumagot ang pulang Alamid.
"Baka naman interesado ka sa tao at magkagusto ka sa kaniya?"
Natawa ito ng maiksi. "Dapat itanong mo yan sa sarili mo, Kamahalan. Magandang gabi." Saka ito nagpaalam at naglakad na palayo.
Nasundan lang ng tingin ni Toshirou ang lalaki hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Hiwaga pa rin talaga ang katauhan nito sa kaniya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sinasabi kung saan ito nagtago pagkatapos ng nangyaring trahedya sa pamilya nito. Kung paano ito nabuhay at kumbakit ngayon lang ulit ito nagpakita.
Pero hindi nga naman niya ito masisisi kung hindi agad ito nagpakita. Bata pa lang ito ng mangyari ang bangungut na yun dito. Ngayon lang siguro ito naglakas ng loob na harapin ang lahat.
Pero bakit ngayon lang? Ano ang nagtulak dito para harapin ang lahat ng yun?
Sinubukan na niyang alamin yun pero hanggang ngayon ay bigo pa rin siya. Hindi pa rin ito bumibigay na para bang wala itong tiwala sa kanila.
=======================
Next, Chapter 206_Sulat mula sa pasaway
Updates on 5/1
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...