Chapter 282 _ Planong Pagligtas

27 5 1
                                    



Inilapag ni Haldo isa-isa ang tsaa na ginawa niya para sa mga bisita na ngayon ay nasa sala na. Sinadya ni Eugene na doon sa mansyon pag-usapan ang lahat ng yun.

Tahimik lang na nakaupo ang mga ito habang hinihintay na may magsalita.

Tumingin sa kaniya si Akito ng ilapag niya ang tsaa sa tapat nito.

"Ganyan pa rin ang gamit mong itsura hanggang ngayon?" tanong nito.

Pinandilatan niya ito sa inis.

Bahagya pa itong nagtaka hanggang sa madinig na nagsalita si Erena.

"Gamit na itsura?" takang tanong nito.

"Mawalang galang na," agaw pansin lang ni Enjeru. "Pero sino ka?" sinulyapan nito si Akito.

Tiningnan lang ni Haldo si Akito saka na siya umalis doon at tumayo na lang sa gilid ni Eugene.

"Isa ako sa halimaw na nangangalaga sa kaligtasan ng mga halimaw dito sa mundo ng mga tao." Deretsong sagot ni Akito.

"May nabanggit kayong ahensiya?" patuloy ng babae.

"Yes, isa yung ahensiya para sa ganong trabaho. Kami ang nangangalaga at nagbabantay sa mga halimaw na naririto sa mundo ng mga tao. Kami ang tumutulong sa kanila kapag nadidikobre sila. Kami ang gumagawa ng paraan para makalimutan ng mga tao ang tungkol sa kanila. Samakatuwid, kami ang nasa likod ng pagiging haka-haka ng mga halimaw sa mundo ng mga tao. Pinapangalagaan namin ang tungkol sa mga halimaw mula sa kanila." Mahabang salaysay nito.

Nagkatinginan lang sina Enjeru at Erena, parehong may lito sa mga anyo. Si Anna naman ay tahimik pero halatang namamangha ito sa mga nadidinig.

"Lolo, matagal mo ng alam to?" tanong ni Enjeru sa matanda.

"Marami pa kayong kailangang malaman sa totoo lang." Simpleng sagot lang nito.

"May kinalaman ba ito sa Final Exam ng mga halimaw bago makapag-tapos sa Vermillion Academy?" tanong ni Erena.

"Nakakapag-tapos ang mga halimaw doon? Akala ko basta-basta na lang silang umaalis." Nasambit ni Enjeru.

"Mahirap ipaliwanag, sasabihin ko rin balang araw." Maagap na sagot ni Eugene. "Ang mahalaga ngayon ay kung ano ang gagawin natin sa nangyari." Binalingan ni Eugene si Akito.

Permenti lang itong nakaupo habang humihigop ng tsaa. "Ang tungkol sa mga sindikato?"

Sabay-sabay silang tumango.

"Sa kantunayan, may binabantayan kaming sindikato. Hanggang ngayon ay gumagawa pa rin kami ng paraan kung paano sila mahuhuli lahat. Dumating sa punto na humingi ako ng tulong sayo, Eugene." Hinarap ni Akito ang matanda.

Naikunot ni Eugene ang noo. "Sa akin? Wala akong natanggap."

"Dahil hindi sinabi sayo ni Haldo. Sumulat ako sayo."

Tiningala ni Eugene si Haldo. Pasimpleng nag-iwas ng tingin si Haldo.

"Masyado ka ng matanda para doon Eugene. Inaalala ko lang ang kalagayan mo." Katwiran ng butler.

"At ito ang nangyari. Siguro kung hinayaan mong tumulong si Eugene, baka hindi ito nangyari sa Vermillion Academy." Si Akito ang sumagot.

"Una sa lahat, hindi naman ito mangyayari kung nagagawa mo lang ang trabaho mo ng hindi na humihingi ng tulong mula kay Eugene." Kontra ni Haldo dito.

"Ikaw sana ang hingan ko ng tulong, pero pumayag ka ba? Hindi."

"Matagal ko na ring sinabi sayo na ni minsan, hinding-hindi na kita tutulungan."

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon