Chapter 229_ Desperadong Pamamaraan

98 12 2
                                    

"Dahil gusto kong bumawi sa maling nasabi ko."

Napatitig si Loo kay Toshirou pagkatapos sabihin yun. "Kung ganoon, tutulungan mo ako sa gagawin ko?"

Bahagyang nagtaka si Toshirou. "Wala akong gagawin, pero kung ano ang gagawin mo, susuportahan kita. Ikaw lang ang dapat gumawa ng paraan para makuha ang loob niya."

Hindi sumagot sa kaniya ang pulang Alamid. Nakatitig lang ito ng mataman sa kaniya. Para bang sinisiguro nito kung tapat siya sa sinasabi niya.

Bagamma't bahagya siyang namangha dahil may nakikita siyang determinasyon sa anyo nito. Kung tutuusin ay hindi naman ito nawalan ng pag-asa kaya ito tahimik eh. Tahimik lang ito dahil nag-iisip ito ng paraan para makuha ulit ang loob ni Enjeru.

Hindi na rin pala niya kailangang sabihin na ito na naman ang kumilos dahil alam ni Loo ang gagawin nito.

Naniniwala na sana si Enjeru. Kaya lang ng malamang ikakasal na si Loo ay nabura ang lahat.

"May plano ka noh?" tanong niya sa pulang Alamid.

Tumango si Loo. "Si Enjeru ang pakakasalan ko."

Napanganga siya sa gulat. Matagal bago siya nakapagsalita. "Sigurado ka ba?" Hindi niya inaasahang yun ang gagawin nito.

"Toshirou ito lang ang naiisip kong paraan. Iyon lang ang bagay na makakapagbigay ng panatag kay Enjeru. Para maniwala siya sa akin. Nagalit lang siya ng malamang ikakasal na ako sa iba. Pero paano kung patunayan ko ang lahat ng yun kapag siya ang pinakasalan ko."

"Sabagay, magandang plano yan. Pero paano mo kakausapin si Ama at si Shirayuki sa bagay na yan?"

"Akong bahala."

Napatitig lang si Toshirou. Bahagya lang siyang napatango dahil determinado si Loo. Hindi niya ito magagawang tulungan pero aalalayan niya ito. Para makabawi siya sa ginawa niya.

Talagang gagawin nito ang lahat para sa babaeng mahal nito.

~~~~~~

Hindi na napigil ni Enjeru ang maiyak sa lahat ng nangyayari. Akala niya iiyak siya sa sobrang lungkot ng araw na yun pero bakit iba? Bakit ang saya-saya niya?

Natatakot na naman siyang maging masaya dahil baka masaktan ulit siya eh.

"Enjeru," tawag nito dahil hindi pa rin siya nagsalita. Pinunasan nito ang luha niya. "Ayaw mo ba?"

Para bang ganoon kadali lang siyang bibigay. Hindi nga siya nagkakamali na kahit may gawin lang kaunti si Loo ay bibigay at bibigay agad siya.

Gusto rin naman niyang makita kung ano pa ang gagawin nito.

"Enjeru?" tawag nito.

Nakatitig lang siya dito. Panay tulo ng luha niya hanggang sa unti-unting nabura ang maiksing ngiti at pag-asa sa mga mata nito ng dahan-dahan siyang umatras.

Kahit nga sina Gera at ang iba ay naalis din ang ngiti at napuno ng pag-alala ang mga mukha.

Wala siyang sinabi. Nakatitig lang siya ng mataman dito pero marahil sa pag-atras niya ay alam na nito ang sagot niya.

Kitang-kita niya ang magkahalong takot, pag-aalala, at hinanakit sa mukha ni Loo. Puno ng pag-sisisi at ang hindi maipaliwanag na lungkot.

Hanggang doon na lang ba ito? Dahil lang umayaw siya ay aayaw din ito? Hindi ba talaga nito magawang humabol sa kaniya kahit sa huling pagkakataon lang? Gusto din naman niyang makitang siya na naman ang hinahabol nito.

Hinintay niyang may gagawin ito pero nakatulala lang ito at nakatitig sa kaniya.

Tatalikod na sana siya sa pag-aakalang wala itong gagawin pero mabilis itong nakalapit sa kaniya at hinawakan ang mga braso niya.

"Enjeru, pakiusap." Bulong nito habang nakatitig sa kaniya. "Pinapangako ko, ito na ang huli. Ito na ang huling iiyak ka dahil sa akin. Hindi ko kaya. Wag mong gawin sa akin ito, pakiusap."

Unti-unting binabaha ang mga mata nito ng luha.

Iyon marahil ang pinakaunang beses na nakita niyang lumuluha si Loo. Iyon marahil ang unang beses na nakita niya ang halo-halong emosyon sa anyo nito.

Napangiti lang siya. "Sinusubukan lang kita, Loo." Natatawang sagot niya dito kaya natigilan ito. "Sino naman ang aayaw sa lahat ng ito? Kasalan na eh."

May hindi maipaliwanag na gulat sa mukha nito. Hanggang sa para itong nabunutan ng tinik at natawa na lang ng maiksi sa sinabi niya. "Pasaway ka talaga." Hinalikan siya nito sa noo saka siya niyakap ng mahigpit.

Ramdam niya ang parehong takot at pagmamahal sa mga yakap nito. Sapat na sa kaniya yun.

"Ano ba kayong dalawa? Ituloy na ang kasal." Sigaw ni Vam. "Ang dami niyo pang ginagawa eh."

"Wala ng atrasan ito Loo." Wika ni Enjeru dito ng lumayo na ito. "Kapag pinakasalan mo ako, hindi ka na makakawala."

"Diba sinabi ko sayo, mapapasaakin ka rin." Ngumiti pa ito ng nangungutya. "Wala ng atrasan ito. Kapag umatras ka pa uli, kakaladkarin kita papuntang altar."

Napatawa lang siya habang pinupunasan ang mga luhang tuloy-tuloy lang sa pag-agos. Dahil yun sa sobrang saya na hindi niya kayang ipaliwanag. At least hindi na sa lungkot diba?

Hinawakan nito ang kamay niya saka sila sabay na naglakad sa tulay papunta sa Gazeebo kung saan naghihintay ang mga close na bisita.

Pumapalakpak ang mga ito habang naglalakad sila ng sabay. Hindi naman matigil ang pagtulo ng luha ni Enjeru habang naglalakad.

Natawa lang ng mahina si Loo dahil panay pa rin ang pag-iyak ni Enjeru. Kahit nga nong makaluhod na sila ng magkaharap sa gitna ay panay pa rin ang pagtulo ng luha nito.

Inabutan niya ito ng panyo na agad naman nitong tinanggap. Iyon na lang ang naisip niyang paraan para mapaniwala ito. Inayos niya ang lahat.

Nilingon niya ang Hari kasama ang mga anak nito. Tumatango lang ang Hari sa kaniya. May saya naman sa mga mukha nina Shirayuki at Toshirou.

~~~~~~~~

Napatayo sa sobrang gulat ang Hari ng mga Alamid pagkatapos sabihin ni Loo ang bagay na yun.

Nanatili namang naka-dogeza si Loo. Inaasahan na niyang magagalit ang Hari sa sinabi niya. Wala namang kibo ang prinsesa na naroroon rin sa pagkakataong yun.

"May mahal po akong iba, kaya patawarin niyo ako kung hindi ko magawa ito." tumayo siya at tiningnan ang mga ito. "Shirayuki, patawarin mo ako."

Hindi sumagot ang prinsesa.

"Isang tao ba?" tanong ng Hari.

"Si Mika po, kamahalan."

Nagulat ang mag-ama.

"O mas kilala ko bilang si Enjeru. Siya ang babaeng nakasama at nakilala ko sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng mahal ko at siya lang ang babaeng pakakasalan ko."

===========

Next, Chapter 230_Iisang Puso

updates on 7/25

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon