Chapter 258_Pagdalaw

42 5 0
                                    


Ngiti lang ang nagawa ni Gera habang nadidinig niya ang masayang pagkanta ni Anna habang sumasabay sa tugtug. Nakatuon lang ang paningin niya sa kalsada habang minamaneho ang narentahang sasakyan.

Maaga pa lang ay umalis na agad sila ni Anna dahil tatlong oras ang byahe nila bago tuluyang makarating sa Vermillion Academy. Ang tanging alam nito ay pupunta sila doon para maghanap ng mga halimaw. Wala itong ideya kung ano ang makikita doon.

Isa pa, kung hindi lang niya alam na paaralan ng mga halimaw yun. Hindi naman siya papayag na aalis sila ng walang armas para lang manghuli ng halimaw.

Sinong matino ang gagawa non?

"By the way, hindi ko alam na marunong ka palang magmaneho, Gera." Baling nito sa kaniya.

"Maaga pa lang ay tinuturuan na kaming magmaneho."

"May sarili kang sasakyan?"

Umiling siya. "Wala. Ang pinsan ko meron, yun ang madalas na ginagamit ko kapag..." huminto siya. Sasabihin sana niyang ginagamit niya yun kapag pumupunta siya sa Vermillion Academy. "Kapag umaalis ako." Dugtong na lang niya.

Tumango ito. "Ako kasi hindi natuturuan ni Papa. Busy kasi siya sa ginagawa niya. Malabo na ring maturuan pa niya ako kung sa kalsada kami pupulutin."

Bahagyang sinulyapan ni Gera ang babae. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana at may malungkot na anyo.

"Pero kapag nagtagumpay tayo, siguradong matutulungan ko si Papa."

"Magagawa mo yan." Aniya na lang. Tutulungan din naman niya ito sa abot ng makakaya niya.

Natawagan na niya si Erena na pupunta siya sa araw na yun. Sinabi na rin niyang may kasama siya. Kahit ito ay nagulat pero agad namang kumalma ng malamang may permiso siya kay Philipe. Isa pa, madali lang namang burahin ang ala-ala nito.

"Bakit nga ba hindi tayo gabi pumunta doon? Baka mahuli tayo ng may-ari." Baling nito sa kaniya.

"Wag kang mag-alala. Imposible naman sigurong nakabantay doon ang may-ari araw-araw diba?"

"Sabagay."

Ilang oras din silang bumyahe hanggang sa marating niya ang palikong kalsada ng Vermillion Academy. May nakalagay na no tresspassing sa gilid non pero wala namang harang.

Kaya marahil kahit sino ay nakakapasok doon. Pero hindi naman ibig sabihin ay natutuntun ng mga ito ang Vermillion Academy.

Iniliko niya ang sasakyan at sumalubong agad sa kanila ang masukal na daan. Hindi na siya natatakot sa lugar na yun. Nasanay na siya kung tutuusin.

Isa pa, hindi na rin siya naliligaw sa lugar na yun. More like, nililigaw ng lugar na yun. Kilala na siya ng kagubatan kaya madali niyang natuntun ang gate ng paaralan.

Nadinig pa niya ang pagkamangha ni Anna ng matanaw na nila ang gate. Pinarke niya ang sasakyan sa gilid at lumabas na sila.

Dere-deretso lang ang paglalakad ni Gera habang nakasunod naman si Anna. Walang pagdalawang isip na binuksan niya mismo ang gate.

"T-Tika, hindi ka man lang ba mag-iingat dahil baka naririto ang may-ari?" gulat na pigil nito sa kaniya.

"Wag kang mag-aalala." Aniya lang saka siya naglakad papasok. Huminto siya dahil hindi agad sumunod si Anna. Alanganing nagpatingin-tingin pa ito sa paligid. "Hali ka na."

"Okay, okay." Saka agad itong dumikit sa kaniya. Humawak pa sa braso niya. "Ang ganda ng lugar na ito." Sambit nito. "Tamang-tama lang na tirhan ng mga halimaw. Sana makakita tayo kahit isa."

"Hindi ka ba natatakot na baka sugurin tayo at kainin?" nakangiting tanong niya.

"I'm sure madadaan sila sa matinong usapan."

Hindi siya sumagot habang tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

Hindi pa rin talaga kumukupas ang Vermillion Academy, nakakatakot at napaka-eerie ng lugar. Parang huminto ang oras kapag nasa lugar na yun siya. Mahamog pa sa oras na yun dahil maaaga pa.

Habang lumalapit sila ay unti-unti namang lumilinaw ang malaking gusali ng Vermillion Academy. Inikot muna nila ang fountain na nasa gitna non bago nila natanaw ang entrance.

"Wait," mabilis siyang pinigilan ni Anna dahilan para mapahinto silang dalawa.

"Bakit?"

"M-may mga tao." Tinuro nito ang bulto ng tatlong taong nakatayo sa di kalayuan.

Natawa lang siya ng malutong. "Wag kang mag-alala." Hinila niya ito.

"No, Gera. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos."

"Akala ko ba gusto mong makakita ng mga halimaw?"

"Hindi mga halimaw yan."

"Hayst." Inikot na lang niya ang itim na mata. Inalis niya ang kamay nito sa braso niya saka siya naglakad palapit.

"Gera, wag." Tawag nito pero mahina lang. Hindi ito kumilos.

Nilingon muna ni Gera ang babae na nakatayo lang habang punong-puno ng pangamba ang mukha. Natawa na lang siya bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Tuluyan na niyang nakita ang tatlong bulto na nakatayo.

"Ate." masayang salubong sa kaniya ni Erena.

"Hi," bati niya agad dito. Kasama nito sina Vam at Civ. Si Civ agad ang nilapitan niya at binigyan ito ng mahigpit na yakap. Binigyan siya nito ng matamis na halik sa pisngi.

"Nasan ang kasama mo? Sabi mo may kasama ka?" tanong ni Vam sa kaniya. Ni hindi na ito nagtanong kumbakit nagdala siya, alam na rin naman nito eh.

Nasundan nilang tatlo ng tingin ang babaeng naiwan sa likuran at natawa sila ng maiksi dahil gusto na yatang sumayad ng panga nito sa sahig.

Ang laki ng pagkakanganga habang nanlalaki ang mga mata.

"Siya si Anna." Pakilala ni Gera habang nakangiti.

"Hi," masayang bati agad ni Erena na ang bilis nakalapit sa babae.

Namangha si Gera dahil nagagawa na ni Erena yun.

Mas lalong namangha si Anna at hindi nakapagsalita.

"Hali ka, ipapakilala kita sa iba." Hinawakan ni Erena ang kamay ng babae at muli itong nagulat dahil sa malamig niyang kamay. Marahan niya itong iginiya palapit sa iba. "Ako pala si Erena, ito sina Civ at Vam."

"Hi, nice to meet you." Masiglang bati ni Vam dito.

"Uh..ah.." parang gusto nitong magsalita pero walang lumalabas na boses nito kaya tinawanan lang nila ito.

"Welcome to Vermillion Academy." Bati pa ng bampira.

"Huh?"

Parang nadinig nila ang pag-crack na diwa nito sa tanong na yun.


=======================

Next, Chapter 259_ Lover's Quarrel


Sorry for the late upload.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon