"Hindi!" malakas na sigaw niya na agad napatayo. Tiningnan niya si Loo pero may nangungutya itong tingin sa kaniya. "Hindi na ito maganda, ginoo. Aalis na ako."
"Saglit lang." mabilis nitong napigil ang kamay niya. "Ba't ka ba aatras? Natatakot ka ba, Enjeru?"
"Sa uulitin, ginoo. Hindi ako si Enjeru. Ako si Mika. Ilang ulit ko bang kailangang sabihin sayo yun? Ba't hindi mo maintindihan na ako si Mika?"
"Hindi ako titigil hangga't hindi ka umaamin, Enjeru. Gagawa at gagawa ako ng paraan para lang bumigay ka. Alam ko naman na kaya mo ito ginagawa dahil galit ka sa akin." bumalik na sa normal ang boses nito. "Bakit di natin pag-usapan ng maayos ito? Hayaan mo akong magpaliwanag kumbakit ko nagawa yun. Pakiusap, tigilan na natin to?" ngayon ay nakikiusap na ito.
Napatitig lang si Enjeru sa lalaki. Nakahawak pa rin ito sa braso niya para pigilan siyang makaalis.
Para siyang madadala sa titig na binibigay nito sa kaniya. Para ngang gusto na rin niyang tumigil at makipag-usap ng maayos pero hindi pwede. Kailangan niyang tapusin yun.
"Pasensiya na po, ginoo." Nagbago ang ekspresyon nito. "Hindi ako si Enjeru." Nagpumilit siyang kumawala dito pero ang higpit ng hawak nito sa kaniya. "Kaya pakiusap, pakawalan niyo na ako. Marami pa akong gagawin."
"Hindi ka talaga aamin noh?"
"Hindi ako si Enjeru." Matigas na sagot niya dito.
Ganoon na lang ang sigaw ni Enjeru ng hilahin siya nito at niyakap ang katawan niya. Nagsisigaw na pumalag siya at sinusuntok ito. Mabilis siya nitong itinumba at agad na pinigilan ang dalawang kamay niya.
"Anong ginagawa mo? Manyakis! Sabi ko na eh! Manyakis ka!" nagsisigaw na siya para makawala dito pero iniipit nito ang mga kamay niya sa sahig.
Binundol na naman ng sobrang kilig ang dibdib ni Enjeru ng makita ang mataman na titig sa kaniya ni Loo. Natatakot siya dahil seryoso ito.
"Gagawin ko ang matagal ng gusto ni Enjeru."
Ang kapal din nitong sabihin na yun ang matagal na niyang gustong gawin kasama ito.
Well, totoo naman.
Pero paano ba nito alam? Ganoon ba talaga kadumi ng kilos niya? Ng isip niya para basang-basa nito?
"A-anong gagawin mo?" pinanlakihan siya ng mga mata. Kinakabahan siya sa sobrang kilig. Hindi takot. Kilig.
Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa itsura nila? Ang tagal na niyang pangarap na gawin nito sa kaniya yun noh?
Isa pa, ang kisig-kisig nitong pagmasdan ngayon. Nararamdaman din niya sa kabilang pisngi ang malamig at malambot nitong buhok na amoy bulaklak. Lintik, dinaig pa ang babae eh.
Ang seksy din nito. Gustong niyang mapakagat-labi sa sobrang yummy nito pero pinigil niya.
Hindi naman parusa sa pagsira ng damit yun eh. Reward.
Binigyan siya nito ng maiksing ngiti. "Hulaan mo." Nagsimula itong dumukwang palapit sa kaniya.
Napatitig si Enjeru sa labi nito. Ayun na naman ang tukso eh. Ilang beses ba niyang kailangang tanggihan ang magandang bagay na yun?
Pero hindi siya pwedeng pumayag. Hindi pwedeng siya na lang palagi eh.
Paano naman niya maiiwasan yun kung nakahawak ito sa dalawang kamay niya? Sinubukan niyang kumawala pero natawa lang ito sa ginawa niya.
Talagang hinahamon siya nito eh.
"Sorry po," aniya. Bahagya itong natigilan kasunod ng pagtuhod niya sa pagitan ng mga hita nito.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...