Naiwan sa loob ng silid sina Loo at Civ. Nadidinig nila ang mga yabag ng papalayong lakad ng mga ito hanggang sa tuluyan ng nawala.
Napahiga na lang sa futon si Loo.
"Inaasahan kong pupunta sila dito pero hindi ko inaasahang ang ganitong pangyayari." Wika ni Civ sa kaibigan.
"Ang mahalaga ay alam nating may ginagawa sila."
"Wala ba tayong gagawin? Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa." Hinawakan niya ang collar sa leeg. Sinubukan niya yung sirain pero wala siyang magawa. Tiningnan niya si Loo na nakahiga lang at nakatitig sa kisame. Malalim din ang iniisip nito.
Kinuha niya ang panyo na nakasuksuk sa yukata at inabot sa kaibigan.
Takang tiningnan ni Loo ang panyo. "Bakit?"
"Lipstick." Tinuro niya ang labi.
"Ah, right." Kinuha nito ang panyo saka pinunasan ang labi. "Hindi ko inaasahan ang ayos ni Enjeru." Tinitigan nito ang panyo ng may marka ng pulang lipstick.
"Kailangan siguro ng spoild na imahe para mas kapani-paniwala. Isa pa, kung hindi siguro dahil sa dugo niya, hindi ko pa makikilala na si Enjeru yun. Nong pumasok sila sa silid, alam mo na agad na naroroon siya. Mas malakas pa dahil nasugatan ang kamay niya."
Sinulyapan ni Loo ang kaibigan. Inabot niya ang panyo dito. "Ikaw naman." Tinuro niya ang pisngi nito na may marka rin ng lipstick mula sa paghalik ni Enjeru.
Naiintindihan niya kung hinalikan ni Enjeru si Civ. Hindi naman niya kailangang magselos doon. Nadinig din naman niya ang ibinulong nito kay Civ.
Kinuha nito ang panyo saka pinunasan ang pisngi.
"Kung wala ka siguro dito, baka sinubukan ko ang napag-aralan natin mula sa kanila."
Nasamid si Civ sa sinabi ng kaibigan. Di makapaniwalang tiningnan lang niya ito. "Seryoso ka?"
Nahihiyang nasapo nito ang labi saka nag-iwas ng tingin. Bahagya pa itong pinamulahan. "Nakakaakit kasi siya ngayon."
Natawa lang siya ng maiksi. "Save it for the honeymoon." Binato niya ang panyo dito.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng nagpapalakad sa gusaling yun. Kahit ito ay nakasuot rin ng costume.
"Naka-reserba kayo ng ilang araw. Maghintay muna kayo dito bago kayo sunduin ng mga tauhan." Sabay sara ng pinto.
Parehong napangiti lang sila sa sinabi nito. Wala rin silang planong hawakan ang ibang tao maliban sa mga babaeng mahal nila.
Masakit man pero wala silang magagawa kung hindi ang maghintay.
~~~~~~
Deretsong naupo sa loob ng upuan si Enjeru katabi ni Richard. Naupo naman sa front sit si Jimmy.
"I'm sorry, Miss Friar. Hindi ko alam na hindi pa pala handa ang mga bagong halimaw ngayong araw." Tila nahihiyang wika ni Richard sa kaniya habang patuloy na sa pag-andar ang sasakyan.
"It's okay, Mister Richard. I can wait. The longer I wait, the sweeter it will be when the time comes." Sagot lang niya dito habang nakangiti. Kumuha siya ng red lispstick sa dalang handbag at ipinahig ulit yun sa labi niya pagkatapos mabura.
"I hear you reserved all the new ones?"
"I'm quite greedy. Gusto ko ako ang mauna sa mga bagong laruan."
"You don't have a particular type of monsters?"
"As you can see, I'm more into the furries and half-furries. But I don't mind other types of monsters as well, as long as I'm the first."
Hindi makawala sa paningin ni Enjeru ang pagsulyap sa kaniya ni Jimmy mula sa rearview mirror. May pagdududa pa rin siyang nakikita sa mga mata nito.
Nakasunod naman sa ibang sasakyan sina Erena at Haldo kabilang ang ilang tauhan ng mga ito. Naghahanap pa ng pagkakataon si Haldo. Hindi pa ito pwedeng gumawa ng kakaiba dahil baka mabuking sila. Lalong-lalo na dahil nakamasid lang sa kaniya si Jimmy.
"Anyway, Mister Jimmy. Did you do a background check on me already? Masyado yatang mabilis." Agaw pansin ni Enjeru sa lalaki saka niya ito tiningnan sa salamin. Nagtama ang mga mata nila.
"All I did is to find out if you are legit."
"And did you?"
"Kahit papaano ay nalaman kong may mga apo si Eugene Friar. At ikaw ang panganay sa kanila. Pero walang larawan akong nakita sa mga apo niya. Who's to say kung ikaw nga ba talaga ang Enjeru na yun."
Natawa lang ng malutong si Enjeru sa sinabi nito pero sa totoo lang ay nag-ngingitngit siya sa inis. Kahit siguro anong background check ang gawin nito at ilang mga ebidensiya ang makita nito ay hindi pa rin ito maniniwala.
"Private sa personal na buhay niya si Lolo. Even though he is wealthy and famous in his trade, he still keeps a secret life."
"With your current lifestyle, how can you remain private?"
"Hindi ba ako pwedeng maging pribado sa buhay ko? Kailangan ko bang maging popular bimbo just to make you believe me. Unbelievable." Sinulyapan niya si Richard sa tabi. "Ganito ba kayo dito? Kailangan muna ng masinsinang interview para lang magtiwala?"
"Please understand, Miss Friar. With the work we do here, kailangan naming maging mag-ingat."
Umirap lang kunwari si Enjeru.
"Anyway, we will be bringing you to our workshop. It's where we study monsters before selling them to the highest bidder." Pag—iiba nito ng paksa.
Ang lugar kung saan pag-eeksperimentuhan ang mga halimaw ba?
"At saan niyo naman kinukulong ang mga halimaw niyo?"
"In a special room."
"Pwede ko bang makita? May mga interesting kinds of monsters ba akong makikitang naroroon?"
"Sa katunayan ay meron nga, in the recent hunting we did, may mga nakakamanghang mga halimaw kaming nahuli. And believe me, hindi ka maniniwala kapag nakita mo."
Hunting. Yun ang tawag nito sa ginawang panghuhuli sa mga halimaw.
Alam na rin niya kung sino-sinong mga halimaw ang tinutukoy nito. Marahil ang mga popular na halimaw na kilala lamang as fiction monsters.
"I'm looking forward to see it." Sagot lang niya dito.
"I would like you to also meet the person who introduce me to the place kung saan maraming iba't-ibang uri ng mga halimaw kaming nakita."
"Sure."
Pasimpleng tumingin sa ibang dereksyon si Enjeru. Nag-aalala siya dahil baka makilala siya ni Migule, siguro hindi siya kundi ang pangalan niya. At baka nga sina Marga at Rita ang makakilala sa kaniya.
Anyway, pinaghandaan na nila yun. Alam na niya kung ano ang gagawin niya.
===================================
Next, Chapter 299 _ Potential Buyer
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasia(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...