Chapter 283 _ Kahinaan

63 5 2
                                    



Hindi na magawang magsalita ni Anna. Kahit nalilito siya sa lahat ng yun ay hindi naman niya maiwasang wag mamangha sa mga nasaksihan at natuklasan.

Una sa lahat, mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamilya ni Gera sa mga halimaw. Hindi niya alam na pag-aari pala ng mga ito ang kilalang Friar Trading. Kilala nila ang kompanyang yun dahil isa yun sa pinaka-lumang trading company ng mundo.

Nakakamangha rin na may kilala itong isang high ranking na halimaw. Isang halimaw na malaki ang ginagampanang obligasyon para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga halimaw habang naroroon sa mundo nilang mga tao.

Ito kaya ang may gawa kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuklasan ng papa niya ang tungkol sa mga halimaw?

"Kailangan muna natin itong pag-isipan." Ang wika na rin ni Akito sa wakas habang nakatingin kay Enjeru na determinado ang anyo.

Pasimple lang na napangiti si Akito dahil huli niyang nakita yun ay mula kay Benjamin. Kahit papaano ay nakilala niya ang mga anak ni Eugene. Kilala niya ang lahat ng angkan nito bago pa ito.

"She's married." Mabilis na pumagitan si Haldo sa paningin niya ng mapansin ang titig niya kay Enjeru.

Naikunot lang niya ang noo niya dahil nakasimangot na ang butler sa kaniya habang may nagbabantang titig.

"Masyado ka ng matanda para sa kaniya." Dugtong nito.

"Hindi yun tulad ng iniisip mo." Sagot niya. "Naiisip ko lang si Benjamin sa kaniya."

"Nakilala mo si papa?"

Tumango siya. "Nakilala ko ang lahat ng mga ninuno mo. Anyway," napailing na lang siya para ayusin ang sitwasyon dahil sa pambabara ni Haldo. "Ang tinutukoy ko, hindi agad-agad na magagawa ang planong ito. It will take time."

"I will take it." Mabilis na sagot ng babae.

"Hindi ba't dilikado yun?" tanong ni Erena kay Akito. "Habang tumatagal na wala tayong ginagawa, baka kung ano na ang ginawa nila sa mga halimaw." Puno ng pag-alala ang boses nito.

"Totoo yun. Pero sigurado akong hindi agad-agad sila kikilos. Maraming mga bagong halimaw silang nahuli galing sa akademya at hindi nila palalampasin yun para hindi mapag-aralan ang mga ito."

"Paano ang mga halimaw na kilala na nila? Yung mga halimaw na hindi na nakakamangha para sa kanila?" tanong naman ni Eugene.

Hindi agad nakasagot si Akito. Kahit ito ay may pag-alala sa anyo nito. "Sa katunayan ay nag-aalala ako para diyan."

Walang nakapagsalita.

"Hindi na nila kailangan pang pag-aralan ang mga halimaw na alam na nila. Tatlo lang ang mangyayari. Una, ibibinta sila sa Auction isa-isa at dadalhin sa kung saang lugar. Doon itatakda ang magiging kapalaran nila. Pangalawa, pwede silang ikulong para gawing aliwan. At ang pangatlo," huminto ito saglit. "Magiging delicacy sila ng lahat ng bisitang pupunta doon sa Black Market. Kapag nangyari yun, wala na tayong pagkakataong matulungan pa sila."

"H-hindi pwede!" mabilis na palag ni Erena saka napatayo. "Hindi pwedeng mangyari yun. Kailangan natin silang pigilan agad. Dapat lahat ng halimaw ay maligtas."

"Imposible yang hinihingi mo, little girl." Tinitigan ng mataman ni Haldo ang bampira. "Himala ang hinihingi mo at hindi ko kayang ibigay yun."

Nanghihinang naupo na lang si Erena. Nagsisimula itong maluha. Marahil dahil pakiramdam nito ay wala itong magawang tulong kahit pa isa na itong bampira.

"Ang magagawa na lang natin ay iligtas ang kailangan nating iligtas. Kapag nagtagumpay tayo, hindi lang ang Black Market ang mawawala kundi pati na rin ang kalakalan ng mga halimaw sa iba't-ibang bahagi ng mundo."

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon