Chapter 243_Ang Tapat na Butler

75 8 8
                                    


"Good Morning, Ginoong Eugene. Ginoong Haldo"

"Good Morning, po sir."

Tango lang ang naging sagot ni Eugene sa mga bumabating empleyado ng kompanya niya. Nakasunod lang sa kaniya si Haldo dala-dala ang maleta niya.

Dere-deretso siyang naglakad papunta sa elevator. Kahit ang mga empleyado na lumabas mula doon ay bumabati sa kaniya.

Pumasok na siya doon at tumayo. Si Haldo na ang kusang pumindot sa pinakamataas na floor ng Friar Trading Company Inc.

Malaking kompanya yun. Sa buong mundo ang operasyon non at marahil kahit sa ibang mundo. Halos sampung libo ang trabahante nila hindi lang sa kompanyang yun kundi pati na rin sa ibang branch ng mundo. Isa ang Friar Trading Company Inc. sa pinakamalaking kompanya. Hindi dahil matagal na yung nasa larangan ng industriya kung hindi dahil sa kompanyang rin yun umaasa ang mga halimaw sa ibang mundo.

Si Eugene lang din marahil ang kaisa-isang tao na nakikipagkalakalan sa mga halimaw. Siya ang nagsisilbing tulay ng kalakalan ng mga halimaw at mga tao.

Walang kaalam-alam ang mga tao, ang ilan sa mga produktong gamit nila ay gawa ng mga halimaw.

Hindi naman dahil nagtatago ang mga halimaw sa mga tao, ay wala ng kinalaman ang mga halimaw sa mga tao. Kung tutuusin, ang mga tao lang talaga ang walang alam kung paano kumikilos ang mga halimaw sa mundo nila.

Si Eugene ang isa sa dahilan kaya nakakakilos ang mga halimaw sa mundo ng mga tao ng hindi nalalaman ng mga ito. Kung hindi dahil sa malaking kontribusyon ni Eugene sa mga halimaw, marahil hindi mangyayari ang lahat ng yun at hindi uunlad ang mundo ng mga halimaw, at mundo nila.

Nagulat si Haldo ng bigla na lang umubo ng malakas si Eugene. Kaagad niyang binuksan ang maleta at inabot ang tubig dito.

Kaagad naman yung kinuha ni Eugene at ininom.

Alalang pinagmasdan lang ni Haldo ang matanda na kalmado na ulit.

"Eugene, bakit hindi ka muna magpahinga ngayong araw. Nong isang linggo ka pa nakapagpahinga ng maayos." Aniya sa matanda.

Mas lalo siyang nag-aalala lalo na kapag binubuhos nito ang buong lakas at oras nito sa pagta-trabaho. Minsan dahil sa pagiging abala ay hindi na ito nakakatulog ng maayos.

Ayos lang nong bata-bata pa ito pero habang tumatagal ay nahihirapan na ito lalo na dahil tumatanda na ito. Dapat ay retiro na ito ngayon at ang anak sana nitong si Benjamin ang humahalili nito ngayon.

Kaya lang dahil sa trahedya ay ito pa rin hanggang ngayon ang namamahala sa kompanya nito. Hindi naman kasi nito pwedeng ipagkatiwala sa kung sinong tao lang ang kompanyang yun lalo na dahil sa masilan at sinsitibong pakikipagkalakalan non. Lalo na ang tungkol sa pakikipagpakalakan sa mga halimaw.

Ngiti lang ang naging tugon ni Eugene ng maging kaswal ang pakikipagusap nito sa kaniya. Magalang itong magsalita sa kaniya kapag may ibang tao pero kapag silang dalawa lang ay para lang silang magkaibigan. May dahilan kumbakit ganoon ang turingan nila sa isa't-isa.

"Wag kang mag-alala, Haldo. Ayos lang ako." Sagot ni Eugene saka umayos ng tayo. Inabot nito sa kaniya ang tubig na agad naman niyang kinuha. "Magpapahinga lang ako kunti mamaya."

Pinagmasdan lang ni Haldo ang matanda bago siya tumingin sa labas. Kitang-kita niya ang kabuuan ng England mula sa elevator na gawa sa salamin.

"Hindi kaya, panahon na para i-train mo si Enjeru na humalili sayo?"

"Nag-aaral pa si Enjeru. Hangga't maaari, gusto ko muna na tapusin niya ang pag-aaral niya. Dalawang taon na lang at matatapos na siya. Sa susunod na taon ay makakapagsimula na siya ng internship niya. Sa taon na yun, saka ko siya iti-train sa mga gagawin dito sa kompanya." Sagot ni Eugene.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon