Hindi na kumibo si Miguel ng makapasok agad sila sa moderno at magandang gusali. Halatang permente ng pumapasok doon ang dalawang babae.
Hanggang sa nakaupo na sila sa pwesto nila. Lahat ng tauhan doon ay may suot na maskara para itago ang pagkakakilanlan. Baka nga may kilala siyang sikat na personalidad doon pero hindi lang niya makilala dahil sa maskara.
Nakasuot ng pormal na kasuutan ang lahat na para bang aattend lang sa party. May malaking stage sa gitna at may kurtina. Yung karaniwang stage lang kapag may opera play.
"Madalas kayong pumasok dito?" tanong niya sa katabing si Rita.
"Sometimes." Sagot nito.
"Also, you probably don't know." Bulong ni Marga sa kaniya. "Pero hindi lahat ng naririto ay mga tao."
Nilingon niya ang babae. May ngiti sa labi nito.
"May mga halimaw din dito kung tutuusin." Dugtong nito. May tinuro itong dereksyon na agad niyang nasundan ng tingin. Isang malaking lalaki ang nakaupo sa di kalayuan. Higit na mas malaki ito kesa sa ibang mga taong naroroon. "Tingin mo ba ay isang ordinaryong tao yan?"
Balot na balot din ito ng kasuutan.
"Bakit may mga halimaw sa isang Auction ng mga halimaw?" tanong niya.
"Kung may batas sa inyong mga tao na bawal kumain ng kapwa tao, may batas din sa aming mga halimaw. Hindi lahat ng halimaw, gusto ang laman ng mga tao. May ilan na gusto rin ang laman ng kapwa halimaw." Saka natawa ng malutong.
Hindi nakapagsalita si Miguel. Ang dami niyang hindi alam sa bagay-bagay. Mas lalo pa niyang ikinagulat na may sariling batas ang mga halimaw. Ang ibig bang sabihin ay may sariling monarkiya rin ang mga halimaw?
Di katagalan ay bumukas ang kurtina ng malaking stage at isang lalaking nakamaskara ang nakatayo sa gitna na naka-suit.
Masigla itong nagpakilala sa mga bisitang naroroon. Para lang karaniwang host hanggang sa sinimulan na nito ang Auction. Inisa-isa muna nitong ipinresenta ang mga halimaw.
Kaagad naman na nagbibigay ng bid ang mga bisitang naroroon. Ang pera ay umaabo na ng milyon-milyong pounds na kahit siya ay hindi makapaniwala.
Hindi na rin naman kakaiba yun lalo na dahil sa mga uri ng halimaw na binibinta ng mga ito. May mga diwata. May mga mababangis na halimaw hanggang sa makapangyarihan. Kahit siya ay hindi makapaniwala kung paano napapaamo ng mga ito ang mga mababangis na halimaw.
Nagulat pa nga siya ng subukang mag-bid ni Rita ng napakalaking halaga. Mabuti na lang at may nagbid pa ng mas malaki.
Nagtawanan lang ang dalawang mangkukulam ng makita ang gulat sa mukha niya. Wala siyang ganoon kalaking halaga.
"Chill, Miguel. Hindi naman kami bibili eh. At isa pa, walang kahit na sino dito ang nagpapatalo sa isa't-isa." Sambit ni Rita sa kaniya.
"Ano ang ginagawa nila sa mga nabibili nilang mga halimaw?" tanong niya habang pinagmamasdan ang patuloy na bidding.
"Who knows? Siguro kinakain."
"O ginagawang alipin."
"Siguro tino-torture."
"O ginagawang sex slave. You name it, as long as nabili mo na ang isang halimaw, pwede mo ng gawin ang kung ano mang naisip mo sa kanila."
Hindi siya nakapagsalita.
"Anyway, kailangan nating makipag-usap sa may-ari ng Auction na ito."
"Sino?"
"Siya," tinuro nito ang nasa gilid. May separate na balcony doon na nakatanaw sa paligid. May nakaupong lalaki doon. Hindi nya maaninag ang itsura nito dahil madilim ang bahaging yun. "Kailangan mong bumuo ng partnership sa kaniya. Siguradong hindi niya palalampasin ang lugar na punong-puno ng mga halimaw."
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...