Tipid na ngiti lang ang naging sagot ni Philipe ng makita na rin niya ang sinasabing kaibigan ni Gera.
Bumati ito sa kaniya na puno ng tuwa sa mukha. Ibang-iba ang reaksyon nito kina Enjeru ng dalhin doon. Walang bahid ng takot sa mukha nito at punong-puno ng saya doon.
"Magandang araw po," masayang bati nito sa kaniya. "Maraming-maraming salamat po at pinayagan niyo akong makapunta sa napakagandang paaralan na ito."
"Mabuti naman kung ganoon." Sagot ni Philipe. Tiningnan niya si Gera. May alanganin sa mukha nito. Marahil dahil alam nitong hindi madaling bagay yun.
Sinabi nito sa kaniya ang dahilan kaya nito dinala si Anna sa lugar na yun. Hindi niya inaasahan yun pero agad naman itong nagpaliwanag na wala itong gagawing masama.
Kaya naroon ito kasama si Anna para humingi ng permiso kung pwede ba nitong kunan ng video ang mga halimaw doon. Yun na lang siguro ang gagawin nitong ebidensiya ng kung ano mang problema nito.
"Wala namang problema sa akin yun." Sagot niya sa mga ito. "Basta wag mo lang sigurong sabihin kung saang lugar ito o kung ano pa man."
"Makaka-asa po kayo." Masayang sagot ni Anna. "Hinding-hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ito. Maraming-maraming salamat po talaga." Yumuko pa ito sa kaniya ng bahagya.
Tumango lang si Philipe. Nagpaalam na ang dalawa.
Ng mawala na sa opisina ang mga ito ay marahas na bumuntong-hinga lang si Philipe.
Kung alam lang siguro niya nong una pa lang na yun ang dahilan kaya dinala ni Gera ang kaibigan nito, hindi na sana siya pumayag.
Dilikadong bagay yun. Kahit pa siguro video lang ang gagawin nito sa ngayon, hindi pa rin kasiguruhan yun na walang mangyayaring masama.
Sana lang wala itong gagawing ikakasira ng mga halimaw.
~~~~
"Si Will?" manghang tanong ni Enjeru ng makausap niya si Loo.
Dalawang araw ang nagdaan ng dalhin ni Gera ang kaibigan nitong si Anna sa akademya at halos araw-araw ay naroon ito para gawin ang documentary nito.
Ang laman ng documentary nito ay si Will at si Will lang talaga ang tinatanong nito. Ni hindi na ito nagka-interes sa kahit na sinong halimaw dahil mukhang mas interesado ito sa bampira.
Nalaman na niya kung ano ang tulong na gagawin ni Gera. At least nag-iisip ito ng maayos ngayon.
Kahit papaano ay hindi naman masama ang pakikitungo ng mga halimaw sa babae. Siguro wala ng paki-alam ang mga ito. Isa pa, hindi naman ito harmless.
"Baka naman may gusto kay Will yun kaya si Will ang ginugulo."
"Meron talaga. Alam ng kahit na sino lalo na dahil sinasabi niya ng lantaran ang bagay na yun."
Natawa lang ng malutong si Enjeru sa sinabi nito.
"Kausap mo na naman ang boyfriend mo noh?"
Tiningnan ni Enjeru si Laila na nakaupo lang sa tapat ng higaan niya. Wala siya sa usual na coffee shop. Sa pagkakataong yun ay nasa dormitory siya dahil may ginagawa.
Kaya lang tumawag si Loo. Syempre ito ang uunahin niya.
"Shh," sagot lang niya kay Liela.
"Pwede bang ipakilala mo sa akin yan? Siya yung 'Loo' na ikinaputok ng budhi mo noon noh?" patuloy nito.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...