Bumuntong-hinga na lang si Loo saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
Hindi naman siya sumang-ayon sa kasal na yun eh. Hindi niya ibinigay ang salita niya at basta na lang nagdesisyon ang mga ito sa dapat niyang gawin.
Tahimik lang siyang sumusunod sa gagawin ng mga ito ngayon dahil nag-iisip siya kung paano hindi itutuloy ang kasal na yun ng walang nasasaktan. Hindi siya papayag na yun na lang ang magiging kapalaran niya.
Pero kaya nga ba niyang suwayin ang gusto ng Hari?
Mali.
Kaya ba niyang suwayin ang responsibilidad na yun? Paano kung yun talaga ang gusto ng namayapa niyang ama? Paano kung yun lang ang paraan para matahimik na siya at maging payapa na ang pakiramdam?
Hindi naman kasi ito nagpaparamdam bagamma't sinusundot siya ng konsesiya sa nangyari. Hanggang ngayon ay may sumusundot pa rin sa tuwing naiisip niyang wag ituluoy ang lahat ng yun.
Pero ayaw naman niyang hanggang doon na lang yun?
Nangako siya sa mga kaibigan na babalik siya. Ipangako niya sa sariling aamin kay Enjeru kapag nakabalik siya.
Ang tanong, takot pa rin ba siya sa taboo?
Siguro, dahil natatakot siyang kapag hindi niya itinuloy ang kasal na yun at umamin kay Enjeru. Malamaman ng mga itong nagkagusto siya sa tao at baka mangyari na naman ang nangyari kay Umi. Iyon ang kinatatakutan niya kaya hanggang ngayon ay nalilito pa rin siya.
Saka naman magpapakita sa kaniya si Enjeru at magpanggap na hindi siya kilala. Lalo lang siyang nalilito sa gagawin eh. Ang dami-dami na niyang iniisip dumagdag pa ito.
Akala niya sumunod ito para sa kaniya eh. Akala niya susunduin siya nito at gagawin nito ang lahat ng alam nito para lang wag matuloy ang kasal.
Alam ba nitong siya ang ikakasal?
Posible namang alam nito dahil alam na yun ng lahat ng kawani. Marahil ay nasabihan na ito pero wala lang pakialam si Enjeru.
Baka nga ang unang gusto pala ni Enjeru ay ang sunduin siya pero ng malamang ikakasal na siya ay saka sumama ang loob nito at ginawa ang lahat ng palabas na yun.
Nasapo na lang niya ang ulo.
Lalo siyang nalilito.
Kailangan niyang gawan ng paraan ang lahat ng yun agad.
"Loo~"
Napatingin si Loo sa tapat at sumalubong sa kaniya ang matamis na ngiti ng Prinsesa. Namumula ito at may panghanga sa mga matang nakatitig sa kaniya.
Ganoon rin tumingin si Enjeru sa kaniya dati. Mali. Hindi naman ito namumula. Parehong may paghanga at panghahamon ang titig nito sa kaniya.
Nasaan na nga ba ang sinabi nitong hindi ito titigil? Ba't hindi na nito ginagawa ngayon? Wala ba itong salita.
"Saan ka pupunta?" masayang tanong ni Shirayuki sa kaniya.
"Pabalik na sa silid." Malamig niyang sagot.
"Wala ka bang ginagawa? Ayos lang ba kung imbitahan kitang mag-tsaa?" Hindi maitatago ang saya at tuwa sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
Hindi na rin naman siguro masama yun. Kung magkukulong lang siya sa silid niya ay para siyang mababaliw sa kakaisip ng lahat ng yun.
"Sige," sagot niya.
Natuwa ito. "Tayo na. Nakapaghanda na ako." masayang nauna itong naglakad kaya napasunod siya.
May grace kumilos ang Prinsesa. Makikita sa napakaraming buntot nito ang saya. May kulit sa kilos nito pero halatang pilit nitong tinatago. Mas matanggkad ito ni Enjeru ng ilang pulgada. Ang daming layer ng suot nitong kimono. Mahaba yun kaya kailangan niyang maglakad sa hulihan para hindi yun maapakan at matumba ito.
Naglalaro sa puti, pink at blue ang kulay combination ng damit nito. Nagbibigay simbulo ng pagiging dalisay na prinsesa nito.
Panay ang lingon nito sa kaniya para masigurong nakasunod siya dito.
Habang naglalakad ay iniisip na niya kung ano ang magiging kinabukasan niya kasama ang prinsesa. Kung magiging masaya ba siya dito at matututunan itong mahalin.
Mabait ang prinsesa. Nakikita palagi ang pagiging inosente nito at may aura ito ng isang mahina at mahinhing babae. Parang bang kahit sino ay gusto itong ipagtanggol.
Kabaligtaran ni Enjeru. Hindi masasabing inosente si Enjeru dahil ang dami nitong alam. Nasa aura nito ang pagiging palaban at hindi hahayaang apihin ito ng kahit sino. Nagagawa nito ang gusto nitong gawin at binabangga nito lahat ng kahit anong humarang sa gusto nito at dito.
Para bang siya na nanonood lang ay mapapaatras na lang at hayaan na lang ito.
Kung ikukumpara si Shirayuki at Enjeru. Talagang malaki ang pagkakaiba ng dalawa. Si Shirayuki yung tipong dapat protektahan. Pero si Enjeru naman yung tipong dapat bantayan at protektahan. Padalos-dalos ito sa ginagawa nito kaya minsan ay napapahamak ito.
Isa sa ugaling yun ang dahilan kaya nakukuha nito ang atensyon niya. Kung tutuusin, hindi nawawala ang atensyon niya dito dahil palagi siyang nakabantay sa pwedeng gawin na naman nito.
Bwisit. Namimiss na naman tuloy niya ang pasaway na yun.
"Nandito na tayo." Agaw pansin ni Shirayuki sa kaniya.
Nakita niya ang Pavilion sa gitna ng hardin na dinudugtong ng tulay sa gusaling kinaroroonan nila. Naroroon na ang ilang kawani. May mesa sa gitna non at ilang mga almusal at tsaa.
Tea party na silang dalawa lang.
Namalayan na lang niyang naupo na sila ng magkatapat sa maliit at maiksing mesa sa gitna. May tumutugtug ng Koto. Isang uri ng string instrument.
Hinihintay nilang matapos mag-mix ng tsaa ang kawani sa gilid bago yun isa-isang ibinigay sa kanila ni Shirayuki.
May mga cake ring nakahain sa tapat nila.
"Ilang araw na lang at ikakasal na tayo, Loo." Masayang wika nito pagkatapos uminom ng tsaa. "Siguro nabigla ka kung bakit bomuluntaryo ako."
Pinagmasdan lang niya ang babae. "Hindi naman." Aniya. Nagulat ito. "Alam ko na kumbakit ginawa mo yun."
Pinamulahan ito at nag-iwas ng tingin bagamma't naroon ang saya. "Naiintindihan mo yun?"
Tumango lang si Loo saka kinuha ang maliit na cake at kinagatan yun. Tumingin na lang siya sa malayo. Siguradong maganda ang lugar na yun sa summer. Hindi pa niya naabutan dahil naroon na siya ng magsimula ng umulan ng nyebe.
Siguradong magugustuhan ni Enjeru ang lugar na yun.
"Hindi ka ba naalangan, Kamahalan?" tiningnan ni Loo ang prinsesa na napatingin din sa kaniya.
"Saan?"
"Na hindi kita gusto?"
Matagal bago ito sumagot. "Hindi pa siguro ngayon."
Ba't pa ba niya ito binibigyan ng dahilan? Hindi naman dapat nito ginagawa ang bagay na yun eh. Kung tutuusin ay dapat siyang magpasalamat na ito ang bumuluntaryo pero hindi niya gusto ang bagay na yun.
Sigurado siyang may ibang halimaw pa ang nararapat dito. Baka nga may pasimpleng nagkakagusto sa prinsesa at gumagawa lang ng paraan kung paano makukuha ang loob nito eh.
Huminga na lang ng malalim si Loo ng mapatingin siya sa di kalayuan. Bahagya siyang napasimangot ng makita sina Enjeru at Toshirou na sabay naglalakad. Palayo ang mga ito at masayang nag-uusap.
Kitang-kita niya ang masayang reaksyon ng babae habang kausap ang lalaki.
Kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan dahil habang tumatagal ay palapit ng palapit ang kasal.
=======================
Next, Chapter 216_ Kilos ni Pasaway
Updates on 6/6
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantastik(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...