"Ang sipag mong maglinis ah."
Nasundan ng tingin ni Enjeru ang nagsalita at napangiti siya ng makita ang prensepe.
"Toshirou, ikaw pala. Sa katunayan ay maganda ang pakiramdam ko. Nakatulong yung ibinigay mong gamot sa akin." Aniya habang inabala ang sariling alisin ang mga nyebe sa daanan.
Umulan kasi ulit ng nyebe kagabi. Hindi naman masyadong makapal pero kailangan pa ring linisin dahil madulas sa pavement.
Kanina pa niya binalak na tumakas at pumasok sa palasyo pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon dahil hindi lang naman kasi siya ang naroroon eh. May ilang mga kawal siyang nakitang nagpalakad-lakad sa paligid. O di kaya ay mga kawani na dumadaan o tulad rin ng ginawa niya. Wala na siyang pagkakataon.
"Mabuti naman kung ganoon. Mukhang nakatulong nga ang gamot. Ang lakas-lakas mo na eh. Pang-lalaking gawain ang trabaho mo ngayon."
Tinawanan niya ito. "Wala kasing ibang gagawa kaya ako nalang. Kayang-kaya naman."
"Mabuti,"
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"
"Naglalakad-lakad lang ako ng mapansin kita."
"Wala kang trabaho bilang prensepe?"
"Tapos na. Isa pa, abala ang lahat sa paghahanda ng kasal ng kapatid ko."
Tumango lang siya.
Siguro ay gusto na naman nitong lumabas at maglakwatsa sa mundo ng mga tao. Masyado itong carefree para sa isang prinsepe.
"Wala bang magagalit sayo na nakikipag-usap ka sa isang alipin?" natanong niya habang patuloy sa pag-aalis ng mga snow. Ito naman ay nakatayo lang.
"Hindi naman. Alam naman ng mga tauhan na mahilig ako sa tao. Siguro ang iniisip nila ay kakainin kita pagkatapos ng kasal."
Napatingin siya sa presepe. Ngiti lang ang naging sagot nito.
Wala talaga itong preno sa sinasabi nitong kumakain ito ng tao. Malay niya baka hindi naman pala talaga ito kumakain ng tao eh.
"Alam ba nilang gumagala ka sa mundo ng mga tao."
"Oo. Isa sa trabaho ko ang magpatrol sa mga residente."
"Para siguruhing wala silang gagawing masama?"
"Para siguruhing walang mangyayaring masama." Pagtatama nito.
"Hindi ka ba natatakot sa taboo?" walang lingon na tanong niya kaya lang ay walang sagot si Toshirou kaya tiningala niya ito. May pagtataka sa mukha nito.
"Alam mo ang tungkol sa taboo?"
Napatingin sa malayo si Enjeru. Huli na para bawiin niya ang sinabi. Nakalimutan niyang hindi nga pala Vermillion Academy yun. Nasanay na siya eh.
"Nabasa ko." nginitian niya ito. "Bawal naman kasi talaga ang halimaw at tao diba?" ibinalik na lang ni Enjeru ang paningin sa ginagawa dahil ang taman ng titig sa kaniya nito.
Sana lang wala itong isiping kakaiiba eh.
"Sa kakapanay na punta mo sa mundo ng mga tao, hindi malabong hindi ka magkagusto sa mga tao." patuloy niya.
"Hindi naman." Sagot ni Toshirou. "Gusto ko ang mga tao at gusto ko ang kultura nila, pero hindi naman sa puntong magkakagusto ako sa isa sa kanila."
Tumango lang si Enjeru. "Pero ayos lang sayong magkagusto sa isang tao?" tiningala niya ito.
Hindi sumagot ang prinsepe. Tumingin ito sa malayo.
Gusto lang niyang malaman kung ano ang gagawin nito kung sakaling katulad ito ni Loo na nagkagusto sa isang tao pero takot naman sa taboo kaya walang ginagawa.
Gusto talaga niyang bugbugin ang kaduwagan ng Loo na yun eh.
"Hindi maganda ang kinabukasan ng dalawang lahi." Walang lingon na sagot nito. "Marami ng napapahamak dahil sa pagsuway sa taboo."
Nag-iwas ng tingin si Enjeru. Marahil ang tinutukoy nito ay ang nangyari kay Loo. O baka lang hindi lang si Loo ang nakasaksi kung gaano kalupit ang mundo sa magkaibang lahi.
Siguro nga mahirap maintindihan yun nong unang panahon.
"Paano kung, di mo naiwasang magkagusto sa tao? Hindi mo ba siya iiwan kahit na suwayin mo ang taboo?" patuloy niya. Gusto lang niyang malaman eh.
Walang sagot ang lalaki. Pero hindi niya ito tiningnan. Patuloy lang siya sa ginagawa.
"Oo."
Napatingin si Enjeru sa lalaki. Nakatitig din ito sa kaniya.
"Oo naman. Kung siya lang ang magpapasaya sa akin, kahit ano pa ang mangyari, ipaglalaban ko yun."
"Right?" di niya napigilang sigaw kaya nagtaka ito. Binitiwan pa talaga niya ang pala. "Ganoon naman talaga kapag nagmamahal diba? Hindi ka dapat nagpapatakot sa lahat. Yung hindi ka matatakot dahil kasama mo siya. Dahil masaya ka. Ganoon dapat!" malakas na sigaw niya.
Natigilan lang si Enjeru dahil nagtataka na ang prinsepe sa intense ng reaction niya.
"Uhm," tumikhim siya saka pinulot ang pala. "Sinasabi ko lang naman." mahinahong sagot niya na tinablan na ng hiya.
"Kung ganoon, ayos lang sayo kung magkagusto ka sa isang halimaw?"
"Yes."
"Oy," napatingin siya sa lalaki na bahagya pang umatras. "Baka sinasabi mo yan dahil gusto mo ako ah?"
Ang lakas ng tawa niya. "Ano? Di rin makapal mukha mo noh? Assuming nito." Inirapan niya ito.
Natawa lang si Toshirou. "So, kilala mo ba si Ru?"
"Ru? Yung pulang alamid na sinasabi mo kagabi? Ba't mo naman nasabi?"
"Nakausap ko kasi siya kagabi. Parang kilala ka niya."
Hindi umimik si Enjeru. Biglang lumakas ang pintig ng puso niya eh. "Ano ang full name niya?"
"Ru Kurama."
Nabitiwan niya ang pala sa gulat.
Si Loo nga. Imposible namang coincidence na rin na Kurama ang apilyedo ng Ru na yun. Na ang Ru na yun ay ang huling pulang alamid din? Si Loo nga talaga yun.
"Ops," mabilis niyang nasalo ang pala bago pa yun matumba ng tuluyan. "Muntik na."
"Kilala mo ba siya?" tawag ng lalaki.
Tiningala niya ito sabay ngiti na bahagya pa kunwaring nakasimangot. "No. Ba't ko naman makikilala ang isang halimaw? Kaya nga ako nagpunta dito para makakilala eh. Joker nito." Iniwas na lang niya ang paningin dito.
Pero gusto niyang magdiwang dahil hindi nasayang ang pagpunta niya.
Sigurado na siyang si Loo talaga yun.
Ngayon niya ipapakita dito ang matagal na niyang pinaghandaan.
======================
Next, Chapter 209_ Pagkakataong Makita
Updates on 5/12
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...