Chapter 214_ Huling Parusa

103 16 2
                                    


Bahagyang napanganga si Loo sa sinabi nito. Bumigat ang pakiramdam niya lalo na sa kaalamang hindi pa siya makakauwi. Kung tutuusin, hindi na siya makakauwi kahit kailan.

"Kailangan mong humanap ng babaeng kyuubi para maging kabiyak mo. Bibigyan kita ng isang linggo para makahanap ng babaeng gugustuhin mong pakasalan. Maraming mga magagandang Alamid dito sa bayan kaya natiityak kong isa sa kanila ang mapipili mo."

Hindi pa rin nakapagsalita si Loo sa sobrang pagkamangha.

"Kailangan ba talaga yun, Ama?" tanong ni Toshirou sa ama.

"Kailangan. At gagawin mo yun, Ru."

"Pero kamahalan," nagawa na rin niyang magsalita. "Hindi ko kayang gawin yun. Hindi ko kayang basta na lang pumili ng isang alamid para gawing asawa at magparami. Isa pa, mga kyuubi kayo at pulang Alamid ako. Higit na mas malakas ang dugo ng isang kyuubi. Siguradong mga kyuubi rin ang magiging anak namin."

Ayaw niya. Ayaw niyang gawing yun. Hindi siya papayag. Tatanggi at tatanggi siya kung maaari.

"Mali ka." Sagot ng Hari. "Mas malakas ang dugo ng isang pulang alamid kesa sa mga kyuubi. Kaya kapag nagkaroon sila ng supling, pulang Alamid lahat ng yun. Walang kyuubi ni isa."

"Pero anong basihan ng bagay na ito?"

"Ikaw,"

Natigilan si Loo sa sinabi ng Hari. Nakatitig ito ng mataman sa kaniya.

"Hindi ba't isang Pulang Alamid ang ama mo at Kyuubi ang ina mo?"

Hindi sumagot si Loo. Sanggol pa siya nong mamatay ang mama niya. Ang sabi ng ama niya ay namatay ito sa panganganak sa kaniya. Sadyang mahina ang kalusugan ng ina niya kaya nangyari yun dito. Alam niyang isa itong kyuubi pero nakalimutan na niya yun sa mga nagdaang panahon.

"Pero hindi basihan yun, Kamahalan." Giit niya. "Kung may mga naging kapatid ako, marahil ay mga kyuubi sila."

"Makikita natin."

Hindi nakasagot si Loo.

"Utang mo ito sa kanila, Ru. Tandaan mo, hindi ito mangyayari sa kanila kung hindi ka nagkagusto sa isang tao na naging dahilan para mangyari ang lahat ng yun." napayuko si Loo. "O, baka naman may ibang gusto ka na kaya ayaw mo?"

Hindi siya sumagot.

"Isang tao ba? Sa mundo ng mga tao ka ba naninirahan ng maraming taon kaya wala kaming nababalitaan na pulang Alamid sa mundong ito?"

Hindi kumibo si Loo.

"Hindi ka pa rin ba nadadala sa nangyari sa lahi mo? Sa kabila ng nangyari ay tao pa rin ang gusto mo? Sabihin mo, Ru." Tumaas na ang boses nito.

Umiling si Loo. "Hindi po, kamahalan."

"Kung ganoon ay bakit? Bakit ganoon na lang ang pagtutul mo?"

Walang sagot.

"Bibigyan kita ng isang linggo para makahanap ng babaeng gusto mong pakasalan." Pagpapasya nito. "Hindi ka pwedeng umayaw. Gawin mo ito para sa lahi mo, para sa pamilya mo. Utang mo ito sa kanila at hindi sila matatahimik hangga't wala kang ginagawa."

Paano pa nga ba siya makaka-tanggi kung palagi nitong isinasampal sa kaniya ang ginawa niyang kataksilan sa pamilya niya.

"Isang linggo, Ru."

"Ama," napatayo si Shirayuki kaya napatingin ang lahat sa Prinsesa.

"Ano yun?"

"Gusto kong bumuluntaryo."

"Shirayuki, anong ginagawa mo?" natanong ni Toshirou dito.

"Gusto kong bumuluntaryong maging asawa ni Ru." Masayang sagot nito.

Napasinghap ang lahat at napuno ng bulungan ang bulwagan. Kahit ang Hari ay hindi nakapagsalita.

Tumingala si Loo at tiningnan ang Prinsesa na may maiksing ngiti at nakatitig ng buong paghanga sa kaniya.

Maganda ang prinsesa. Kahit sino ay mabibighani at magkakagusto dito. Tanga lang ang lalaking hindi ito gugustuhing pakasalan.

Well, siya na ang tanga dahil hindi niya gugustuhin itong pakasalan. May gusto pa siyang balikan.

Pero handa na ba siyang harapin si Enjeru kung hindi pa rin pala siya matatahimik sa lahat ng yun?

"Hindi pwede!" mariing pigil ni Toshirou sa kapatid. "Isa kang Prinsesa. Isa kang maharlika. Hindi mo dapat dinudungisan ng ibang lahi ang dugo mo. Isa kang kyuubi at kyuubi lang ang dapat sayo."

Napasimangot ang babae habang nakatitig sa kapatid. "Ama," baling nito sa walang kibong Hari.

Walang naging sagot ang Hari habang nakatitig lang kay Loo. Para bang nag-iisip. Kung handa ba itong tanggapin si Loo bilang son-in-law.

"Hindi na rin masama." Sagot ng Hari.

Nagulat ang lahat ng naroroon kahit si Loo. Si Shirayuki lang ang may malaking ngiti sa pagkakataong yun.

"Ipinakita sa atin ni Ru ang kaya niyang gawin." Patuloy ng Hari. "Sadyang nakakamangha ang ginawa niya na hindi katulad ng ibang mga kyuubi na naparusahan. Isa pa, kung may karapat-dapat man dito para sa anak ko, siya yun. Isang Kyuubi ang ina niya at siya ang anak ng Pinuno ng mga pulang Alamid. Walang ibang bagay kay Shirayuki maliban sa kaniya."

"Talaga, ama?" masayang sambit ni Shirayuki.

Napailing naman si Toshirou. Halatang hindi sang-ayon.

Napatango naman ang mga konseho at nag-bubulungan. Kesyo ipinakita ni Loo ang kakayahan niya. Kesyo mas nararapat nga siya at kung ano-ano pa.

"Isa pa," nilingon ng Hari ang anak na babae. "Gusto mo siya, hindi ba?"

Masayang tumango ang prinsesa.

"Dapat matuwa at magpasalamat ka, Ru." Hindi sumagot si Loo sa sinabi ng Hari. "Ibinuluntaryo ni Shirayuki ang sarili niya para tulungan ka sa obligasyon mo. Kung gayon," tumayo na ito. "Itatakda ang kasal pagsapit ng kabilugan ng buwan. Dalawang linggo simula sa araw na ito."



================================

Next, Chapter 215_ Pressured Alamid

Updates on 6/2

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon