Chapter 249_Naiibang Museo

83 6 0
                                    

Napanganga si Gera na agad napatingin sa babae. Mabuti na lang at mabilis na dumikit sa kisame si Civ. Pinili niyang wag tingnan ang lalaki para hindi rin tumingala si Anna.

"Hindi ba uso ang katok sa inyo?" tanong niya dito.

Tumawa lang ito. "Pasensiya na. Excited lang kasi ako bukas eh. Pinuntahan lang kita dito para siguruhing handa ka na."

"Handa na ako. Wag kang mag-alala."

Tiningnan nito ang paligid. Napadako ang paningin nito sa bakanting higaan ni Erena.

"Mag-isa ka lang pala dito?"

"Ah, oo." Pasimple niyang tiningnan si Civ na nakapwesto sa itaas ni Anna. Effortless naman itong nakadikit doon ala spiderman.

"Naku, ano kaya kung magpa-transfer ako dito para magkasama na tayo."

"Ha?" hindi niya napigilan yun. "A-ang ibig kong sabihin, hindi ba may room ka na?"

"Oo kaya lang hindi ko nakakausap ang roomate ko dahil nawewerduhan siya sa akin." Nginitian siya nito.

Alanganing hindi kumibo si Gera.

Kapag nandoon din ito, siguradong hindi na makakapunta si Civ.

No way!

"Ah eh, malapit na ang curfew, Anna. Baka ma-penalty ka pa." Aniya na lang.

"Okay, magkita na lang tayo bukas." Kumaway ito saka sinara ang pinto.

Mabilis na tumayo si Gera at agad ni-lock ang pinto. Nakalimutan niyang i-lock yun ah. Saka naman bumaba si Civ.

"Umalis ka na." Tinulak niya ito papuntang bintana.

"Yun ba ang babaeng makakasama mo?" tanong pa nito.

"Oo, mabait naman yun kaya wag kang mag-alala."

Lumabas na ito ng bintana at sumilip pa saglit.

"Bye." Isang mabilis na halik sa labi ang binigay nito bago umalis.

Kaagad niya itong sinilip.

Nasundan na lang ng tingin ni Gera ng tumalon ito mula sa ikalawang palapag na yun. Para pa itong pusa kung mag-landing. Well, pusa nga naman ito.

Tumingala muna ito sa kaniya saka kumaway. Binigyan niya ito ng flying kiss kaya napangiti ito. Nagtangka pa itong lulundag pabalik kaya natawa siya ng maiksi.

Sininyasan niya itong umalis na bago ito tumakbo, nilundag ang pader at kaagad naglaho sa dilim.

Napangiti na lang siya saka sinara na ang bintana.

"Alam mo, naging interesado ako sa Vermillion Academy na nakita ko. Ang ganda ng lugar. Tamang-tama para gawing tirahan ng mga halimaw. Malay natin, paaralan pala nila yun." Tumawa pa ito.

Pasimpleng ngumiti lang si Gera habang katabi niya itong nakaupo sa loob ng pribadong eroplano.

Wala namang pinagkaiba yun sa eroplano ni Philipe.

Madali lang daw ang byahe dahil hindi naman nalalayo ang London eh. Nasa lugar pa rin naman yun ng England. Hindi lang niya akalaing masyadong madaldal si Anna dahil excited ito sa pag-aakalang katulad siya nito.

Hindi kaya.

Ang laki ng pagkakaiba.

Ito, sinusubukang tuklasin ang tungkol sa mga halimaw. Siya naman, sinusubukang hindi matuklasang ng mga ito.

Malaki naman ang kaibahan doon.

Di nagtagal ay napadpad din sila sa malaking syudad ng London.

Hindi niya first time ang pumunta doon dahil pinapasyal din sila ng lolo nila. Hinid lang talaga niya kabisado ang lugar.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon