Chapter 290 _ Magandang Lesson

34 2 0
                                    


"Mapapabilang kayong lahat sa Red District." Wika ni Jimmy sa mga halimaw.

Sari-sari ang reaksyon ng mga halimaw sa paligid. Ang hindi lang siguro nagulat ay sina Loo at Civ. Inaasahan na nila yun. Kung tutuusin, mas malaki ang posibilidad na makatakas sila habang naroroon.

Imbis na mainis at matakot sa pwedeng mangyari sa kanila doon, tatanawin nila yung pagkakataon para makaalis sa lugar na yun.

"Sasanayin namin kayo kung paano aliwin ang mga parokyanong matitipuhan kayo. Ang tanging gagawin niyo lang ay ang pasayahin sila at ibigay ang kung ano ang gusto nila sa inyo."

"Nakakadiri." Sagot ng isang babaeng halimaw. "Hinding-hindi ako magpapahawak sa isang tao. Hindi ka ba nasusuka sa pinagsasabi mo? Sinong baliw na halimaw naman ang gagawa non kasama ang isang tao?"

Pasimpleng nag-katinganan lang sina Loo at Civ.

Okay, okay. Sila na ang mga baliw.

"Pero wala kayong magagawa kundi ang sumunod." Kasunod non ay ang pag-kasa ng baril ng mga tauhan kaya napakislot ang ilang mga halimaw. "Iisa lang naman ang patutunguhan niyo diba?"

"Kakainin ko ang kung sino mang taong lalapit sa akin." Mariing sambit ng lalaking halimaw.

Imbis na matakot ay natawa lang ng maiksi si Jimmy. "Hindi niyo rin magagawa yan. Anyway, let's start with the lesson."

Bumukas ang monitor sa likuran nito at binasa agad nila kung ano ang nakasulat doon.

"Our topic today is 'How to please the Humans.' Lesson one, Anatomy of Humans."

Gusto yatang masuka ng mga halimaw na naroroon pagkatapos mabasa yun.

Nagkatinginan sina Loo at Civ. Parehong may makahulugan silang tingin sa isa't-isa. Pareho lang din ang laman ng isip nila.

Kung tutusin, interesado sila doon. Hindi na siguro masyadong masama ang lesson na yun.


~~~~

"Austina, ayos ka lang ba?" tanong ni Philipe sa asawa dahil nakahiga na ito at hindi kumikilos. Pareho silang nakakulong sa magkahiwalay na selda bagamma't nasa iisang silid lang sila. Hindi niya ito malapitan dahil sa pagitan nila. "Austina?"

"Ayos lang ako, Philipe." Sagot nito. "Nag-aalala lang ako sa kalagayan ni Anjiri."

"Wag kang mag-alala. Hindi rin naman tayo magtatagal dito. Hindi nila ito pwedeng gawin sa atin." Tumingin siya sa paligid. Wala siyang ibang makita.

Ilang araw na niyang sinubukang makaalis doon pero ano ba ang kakayahan niya? Isa lang naman siyang ordinaryong tao.

"Patawarin mo ako, Philipe."

Takang tiningnan niya ang babae. Nakaupo na ito habang nakaiwas ng tingin. "Ano bang pinagsasabi mo?"

"Patawarin mo ako kung wala akong nagawa. Isa nga akong sightseer pero wala akong silbi. Nakita ko ang pangyayaring ito, pero umasa akong mas mangyayari ang magandang hinaharap. Umasa ako na yun ang mangyayari kaya wala akong sinabi."

"Hindi mo obligasyon na makita ang mga hinaharap. Hindi naman mahalaga sa akin kung may nakikita ka o wala. Ang mahalaga ay ligtas kayo ni Anjiri."

"Paano ang ibang mga halimaw? Nag-aalala ako Philipe. Ang daming nangyayari. Ang dami kong nakikita. Lahat ng yun masasama. Walang mangyayaring mabuti sa atin dito. Ang hirap makita ng magandang hinaharap. Parang malabo ng makakaalis tayo dito. Kahit pa may makita akong maliit na pag-asa ay napupunta pa rin naman sa hindi magandang bagay. Wala ng pag-asa."

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon