Chapter 206_Sulat mula sa pasaway

101 15 3
                                    

Pababa si Gera ng hagdanan at papunta na sa hapag-kainan ng madinig niya ang tawag ng katulong nila.

"Gera, may sulat para sayo." Lumapit ang may edad na ginang sa kaniya saka ito may inabot.

Walang imik na kinuha na lang niya yun at deretsong pumunta sa kusina. Nagtimpla siya ng kape saglit bago yun dinala sa sala at naupo sa sofa.

As usual, siya lang at ilang mga katulong nila ang naroroon. Wala ang lolo niya, wala si Erena, wala rin si Enjeru. Wala din siyang pasok kaya nasa bahay lang siya.

Maghahanda lang siya mamaya para pumunta sa Vermillion Academy. Iyon lang naman kasi ang madalas na puntahan niya dahil wala naman siyang gagawin eh.

Wala din siyang sinasalihang club o kung ano pa man. Siguro nga asikasuhin na lang niya yung driver's lesson na sinasabi ng lolo niya sa kaniya.

Dinampot niya ang sobre at tiningnan ang address non.

Naka-address sa bahay nila at para sa kaniya talaga yun. Galing kay Enjeru.

Naibaba niya ang kape sa pagtataka. Ba't kailangan pa nitong gumawa ng sulat eh pwede naman itong mag-message.

Kinuha niya ang phone at sinubukang tawagan ang babae pero sa pagkakataong yun ay out of reach na. Baka nasira ang phone nito at hirap itong ma-kontak sila kaya sumulat na lang.

Binuksan niya ang sulat saka yun binasa. Maiksi lang ang sulat pero naroon na ang lahat ng kailangan niyang malaman.

Gera, kapag nakuha mo ito, siguradong nasa Japan na ako. Hinahanap ko si Loo. Babalik din ako agad. Kailangan ko lang tapusin ang lahat ng ito once and for all. Enjeru.

"What?" naisigaw niya sa gulat.

Kung ganoon ay wala talaga ito sa kung anong club na sinalihan nito. Nag-sinungaling ito sa lolo nila dahil alam nitong magagalit yun oras na malaman na pumunta ito sa Japan ng ito lang.

Naman talaga.

Dali-dali niyang hinanda ang sarili para pumunta sa paaralan.



~~~~~~

"Bakit Gera?" tanong agad ni Mun ng ipatawag niya ang mga ito pagkarating niya sa Vermillion Academy.

"May nangyari ba?" tanong ni Erena sa kaniya. "Akala ko hindi ka pupunta dito ngayon araw."

"Nagbago na ang isip ko." inilagay niya sa tapat ng mga ito ang sulat ni Enjeru. "Sulat galing kay Enjeru."

Nasundan yun ng tingin ng lahat.

Kinuha ni Civ ang papel at binasa. Kaagad naman yung binasa ng lahat at hindi agad nakaimik ang mga ito.

"O, akala ko ba galit si Enjeru kay Loo? Ba't niya sinusundo ang lalaki ngayon?" natanong ni Anjiri. "Sinabi niyo naman kay Enjeru ang totoo diba at ang sabi niyo, galit siya."

"Yun rin ang akala ko." sambit ni Gera. "Hindi ko na naisip na may plano pala siyang gawin. Dapat nalaman ko agad na ito pala ang plano niya eh. Gaga talaga ang babaeng yun. Dapat naisip ko na gagawin niya pala ito lalo na dahil hindi pa rin umuuwi si Loo. Pinaniwala niya akong galit pa rin siya kay Loo para isipin kong wala siyang gagawin."

"Classic. Si Enjeru nga talaga yan." Natatawang wika ni Vam.

"Hindi nakakatuwa, Vam." Asik ni Erena dito. "Paano kung napahamak na si Enjeru doon? Hindi naman marunog sa hapon yun eh. Saka, saan naman niya hahanapin si Loo? Tika, ngayon lang ba ito? Kailan ito ipinadala?"

"Erena, chill." Wika ni Anjiri sa babae. "Mas dapat tayong mag-alala na isang halimaw ang hinahanap niya sa kabila ng pagkakaroon niya ng espesyal na dugo. Magdasal na lang tayo na hindi dinukot at ipinanlipas uhaw yun noh?"

"Wag ka namang mag-isip ng ganyan." Si Mun.

"Wag kayong mag-alala, wala naman akong nakikitang masama eh. Actually, wala akong nakikitang kahit ano."

"Kailangan kong tapusin ang lahat ng ito once and for all." Basa ni Civ sa sulat ni Enjeru habang nakatitig doon. "Sa pananalita ni Enjeru dito, talagang may plano siya. Kung tutuusin, parang matagal na niya itong pina-plano."

"Anong ibig mong sabihin, Civ?" tanong ni Gera.

"Naalala mo nong tawagan natin siya? Napaka-mesirable niya dahil akala niya tinapos na lahat ni Loo sa kanila nong huling tawag ng Alamid, pero iba ang naging reaksyon niya nong sabihin natin ang totoo kumbakit ginawa yun ni Loo."

"Dahil naduduwag si Loo?" tanong ni Erena.

"Hindi naduduwag yun. Trauma." Pagtatama ni Vam sa kasintahan pero natawa lang ito.

Natampal ni Gera ang kamay. "Tama. Akala ni Enjeru tapos na ang lahat pero ng malaman niyang yun ang dahilan ni Loo ay nalito siya. Kaya kailangan niyang tapusin ang lahat once and for all." Napailing siya. "Hindi talaga pwedeng iwan ng mag-isa ang gagang yun. Kapag may gustong gawin ay ginagawa talaga ng walang preno eh."

"Eh, ano pang ginagawa natin dito. Let's go to Japan." Excited na tumayo si Erena.

"Hoy, hoy, tika lang." pinaupo ulit ni Vam ang kasintahan. "Baka nakakalimutan mong bampira ka na."

Napalabi ang babae. "Pero hindi naman tayo magpapabilad sa araw eh kaya okay lang."

"Paano ba nalaman ni Enjeru ang pupuntahan? Saan niya hahanapin si Loo? Anong alam niya sa Japan?" sunod-sunod na tanong ni Gera.

"Isa lang naman ang kilala kong alam ang lugar na yun eh." Wika ni Civ.

Hindi sumagot ang mga ito dahil alam na kung sino ang pinag-uusapan nila.


~~~~~


"Oh, yeah. Tumawag nga sa akin si Enjeru." Ang magiliw na sagot ni Shiro pagkatapos nila itong tanungin.

"Kailan?" tanong ni Gera.

"Matagal na. Tinanong niya sa akin kung saang parte ba ang lagusan sa bayan ng mga pulang Alamid. Eh kaso sarado na yun kaya tinuro ko sa kaniya ang sa bayan ng mga Puting Alamid." May dala itong candy na gawa sa isda.

Para bang sa tuwing tinitingnan nila ito ay may kinakain itong kahit na anong matamis.

"Tumawag siya pero wala ka man lang sinabi?" asik ni Civ sa kapatid.

"Hindi naman kasi kayo nagtanong." Natatawang sagot nito. "Isa pa, pinangako ko sa kaniyang wag sasabihin kapalit ng pagdadala ng chocolate para sa akin."

"Ang hilig mo talaga sa matamis." Di makapaniwalang wika ni Civ.

"Ano ang sinabi mo? Saang lugar?" si Gera.

"Pupuntahan niyo ba siya?"

"Oo naman. Dilikado na siya lang mag-isa sa mundo ng mga halimaw noh? Paano na lang kung hindi niya nahanap si Loo? Ano na ang mangyayari sa kaniya?"

Saglit na hindi sumagot si Shiro.

"Okay, sasabihin ko sa inyo."

"May kapalit noh?" tanong ni Erena.

Ngumisi lang ito.


=================

Next, Chapter 207_Pagsunod ng iba

Updates on 5/5

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon