Nagsimulang mataranta ang mga halimaw sa loob ng akademya pagkatapos humandusay ni Philipe sa sahig. May ilang mga halimaw na nagsimulang lumabas at tumakas.
Nagsimula namang pumasok ang mga armadong lalaki at binabaril ang lahat ng mga halimaw na nakikita. Ni hindi na nagdalawang isip ang mga ito kung sino ang binabaril, basta hindi nakasuot ng uniporming tulad nila ay agad nilang binabaril.
Kaniya-kaniya namang tumatakas ang mga halimaw. May dumadaan sa likuran papasok sa masukal na gubat at meron namang lumilipad.
Ang hindi lang alam ng mga ito ay nakahanda na pala ang lahat ng tauhan tungkol doon. May ilang mga tauhan na ang nagbabantay sa masukal na kagubatan at may ilang mga tauhan naman na nakabantay sa himpapawid.
May ilan na bumabaril gamit ang lambat at ilan naman ay ang tranquilizer. Sinisiguro ng mga tauhan doon na walang halimaw ang makakatakas kahit isa.
Gustuhin mang manlaban ng mga halimaw ay di naman nila magawa. Una sa lahat ay hindi nila pwedeng pumatay ng tao at ang pangalawa, may hinahagis ang mga tauhan para maghina sila.
Para lang yung smoke bomb pero nasasaktan sila at nawawalan sila ng lakas. Hindi nila alam kung ano yun.
Kaya marami sa mga halimaw ang nahuhuli. May ilan na nababaril ng traquilizer at nakakatulog. May ilan naman na hindi na makapanlaban dahil nanghihina.
Tila aliw na aliw naman sina Marga at Rita sa nakikitang kaguluhan.
Si Miguel ay hindi na matikom-tikom ang bibig sa sobrang pagkamangha. Higit pa sa dami ng uri ng mga halimaw na nakita niya sa Black Market ang iba't-ibang mga halimaw sa akademya.
Tiningnan niya sa tabi si Jimmy at kahit ito ay may pagkamangha sa anyo.
"Siguradong masisiyahan ang boss mo, Jimmy." Aniya sa lalaki.
Inayos nito ang sarili. Marahil napansin na para na rin itong tanga sa itsura nito. "Siyanga naman. Kailangan ko munang i-report sa kaniya ang nangyayari." Saka ito tumalikod at may tinawagan.
"Wag mong kalilimutan ang gusto namin, Miguel." Agaw pansin ni Rita sa kaniya.
"Wag kayong mag-alala." Aniya lang.
Mas lalo siyang nagulat ng makita ang Frankenstiens' monster na patuloya sa pagwawala. Totoo na sinusuntok at sinusugod nito ang mga tauhan niya pero hindi naman yung tipong gusto nitong patayin ang mga tao.
Pinagtulungan itong barilin ng mga armadong lalaki at kahit pa ilang tranquilizer na ang nakatusok sa buong katawan nito ay hindi pa rin ito nawawalan ng malay.
Hinagisan ito ng smoke bomb dahilan para tuluyan na itong manghina. Sumadsad ito sa lupa at saka nakatulog ng mahimbing.
~~~~~
"Papa!" sigaw ni Anjiri ng makita ang amang nakabulagta.
"Anjiri, tika ang." Si Mun.
Kumawala si Anjiri si Mummy at agad na lumabas ng silid. Mabilis naman na sumunod si Mun sa babae.
"Anong gagawin natin?" tarantang tanong ni Erena habang nakahawak kay Vam.
"Kailangan nating umalis dito." Wika ni Civ.
"Hindi ako aalis!" mariing kontra ni Vam. "Hindi natin pwedeng iwan ang mga halimaw dito."
"Pero Vam. Wala tayong laban sa kanila." Alalang tanong ni Erena.
Tinitigan siya ng bampira at hinawakan ang pisngi niya. "Umalis ka, Erena. Kailangan mong umalis." Malungkot na taboy nito.
"Hindi!" mariing sagot ni Erena. "Kung hindi ka aalis dito, hindi rin ako aalis."
"Erena, gulo ng buong akademya ito." Nagsalita na rin si Loo. "May dapat kaming gawin para sa paaralan."
"Parte na rin ako ng paaralan. Kung lalaban kayo, lalaban din ako."
"Pakiusap Erena. Para akin." Pagmamakaawa ng bampira sa kaniya.
Hindi sumagot si Erena. Tinitigan lang niya ang kasintahan na puno ng pag-alala ang anyo. "Hindi!" matigas niya sagot saka hinawakan ang mukha nito. "Ayaw kitang iwan dito!"
"Hays, ang tigas ng ulo mo!" gigil na sagot nito saka hinalikan ang noo niya. "Wag kang humiwalay sa akin."
Napangiti lang si Erena sabay tango.
Naunang naglakad si Loo at lumabas ng silid. Napasunod naman silang tatlo dito. Kitang-kita nila ang pagkakagulo ng hallway dahil papasok ang mga armadong lalaki. Hindi na binigyan ng pagkakataon ng mga itong umalis ang mga halimaw at agad na binabaril.
Mabilis na nakakoble sa silid si Loo ng barilin sila ng mga ito. Nakita pa nila ang tranquilizer na bumaon sa dingding.
"Kung pwede lang sanang pumatay." Nasambit ni Vam.
Hinanda ni Civ ang sarili at kaagad na pumuti ang buhok niya.
"Civ, hindi." Maagap na pigil ni Vam sa kaibigan. "Hindi natin sila pwedeng patayin. Mga tao pa rin sila. Lintik naman kasing batas na ito."
"Ako ng bahala." Wika ni Loo saka hinugot sa bulsa ang iilang mga dahon. Mabilis niya yung binato sa mga tauhan at ang ilang natamaan ay agad na naging isda.
Nagulat pa ang ilang mga tauhan at kahit hindi nila nakita ang mga itsura ng mga ito dahil sa suot na maskara, alam nilang natakot ang mga ito.
Kaagad na itinuon ng mga ito ang baril ng makitang tumayo si Loo sa hallway ngunit bago pa man makapaputok ang mga ito ay kusa ng naging isda ang mga ito.
"Tayo na." Tawag ni Loo sa mga kaibigan.
Kaagad naman na sumunod sina Vam at Erena.
Sumunod na rin si Civ pero natigilan ng madaanan ang mga isdang nakakalat sa hallway.
Nilingon ni Erena si Civ dahil hindi na ito nakasunod pero nagulat siya dahil sinusubo nito ang isang isda. "Civ No!" sigaw niya na parang sinisigawan lang ang isang aso.
"Civ, pwede ba?" sita na rin ni Vam na makita ito.
Niluwa nito ang isda saka sumunod sa kanila. "Hindi na rin naman sila mga tao eh."
Napailing na lang si Loo.
Lahat ng mga armadong lalaki na nadadaanan nila ay ginagawang isda ni Loo. Minsan naman ay inaalisan ni Vam ng oras ang mga ito at nagmimistulang statwa na.
Di kalaunan ay napadpad sila sa main entrance kung saan nakikita nila sa labas na patuloy pa rin sa pagkakagulo ang mga halimaw. Iilang mga halimaw na rin ang tulog.
May ilang tauhan nga na sinisimulan ng ikarga ang mga halimaw sa dalang trak at cage ng mga ito.
"Hindi maaari! Kailangan nating tulungan ang mga halimaw. Kinakarga na sila." Nasambit ni Erena ng mapansin yun.
"Anjiri!" tawag ni Vam ng makita ang babaeng dere-deretsong tinakbo ang dereksyon ni Philipe.
"Wag diyan anak!" sigaw ni Austina na magtatangka na sanang humabol pero agad itong hinila ni Mun dahilan para maiwasan nito ang tranquilizer.
Kaagad naman na sinusunog ni Loo ang mga yun. Napansin niyang parang tatamaan si Anjiri ay agad din niya yung sinunog kaya ligtas nitong napuntahan ang tulog na ama.
~~~
"Papa!" dinaluhan agad ni Anjiri ang ama na walang malay. "Papa, gising!"
Nagulat pareho sina Marga at Rita ng makita ang babaeng lumapit kay Philipe. Nagkatinginan lang sila. Maya-maya ay parehong napangiti lang ng nakakaloka.
========================================
Next, Chapter 272 _ Patuloy na pagsakop
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...