Chapter 239_ Palatandaan ng kasal

110 9 3
                                    



"Wala nga akong gagawin eh. Alis na!" nakasimangot na sagot ni Enjeru habang tinataboy paalis ang mga kaibigan.

Ang nagawa na lang niya ay ang yumakap ng mahigpit kay Loo at halos hindi na bumibitiw. Napagalitan siya ng matanda at nagbanta pang hindi siya makakabalik doon kapag may ginawa pa siyang kabulastugan.

Tinitigan muna ni Gera ang pinsan na daig pa ang tuko kung makayakap. Tiningnan niya si Loo at tinaasan ito ng kilay na may makahulugang tingin.

"Wag kang mag-alala." Sagot lang nito sa kaniya.

Pinili na lang nilang lumabas para bigyan ng moment ang dalawa na makapag-paalam.

Hindi pa rin mapigil ang tumawa ni Vam dahil doon.

"Ibang klase talaga ang pinsan mo, Erena. Sana ganoon ka rin ka-agresibo sa akin." Baling pa nito sa kasintahan.

"You wish." Sagot naman ng babae.

Napailing na lang si Gera saka na niya sinasara ang pinto. At sa oras na ginawa nila yun ay agad silang dumikit sa pinto para madinig ang mga ito. Baka may gawin na namang kakaiba ang malanding yun eh.

Naiwan sina Loo at Enjeru sa loob at tahimik lang sila doon.

Hinawakan lang ni Loo ang ulo ng babae habang nakayapos ito ng mahigpit sa kaniya. Para bang walang planong bitiwan siya.

Hindi pa rin naalis ang ngiti niya dahil sa ginawa nito kanina.

"Nalulungkot din naman ako." basag nito sa katahimikan nila. "Pinili ko lang na tanggapin ito dahil ito ang mas makakabuti. Pero ikaw naman itong tanga, gusto mo pa talaga akong maging agresibo." Asik pa nito. "Nagpipigil na nga ako eh."

"Patawarin mo ako. Kinabahan kasi ako dahil ang dali mo lang na tanggapin yun. Natatakot ako dahil baka hindi na ganoon kalakas ang pagtatangi mo sa akin di tulad ng dati. Natatakot ako dahil baka mawala na lang bigla isang araw ang pagmamahal na yun. At ipagpapalit mo ako." di na niya napigil ang ikompisal ang nararamdamang takot.

Dahilan para madinig niya ang malutong na tawa nito. "Effective masyado noh?" tumingala ito sa kaniya habang nakasandal sa dibdib niya.

"Wag mo akong asarin." Sinundot niya ang noo nito ng mahina.

"Mas gusto mo ba yung ako na nag-hahabol sayo? Yung ako na ayaw kang mawala? Yung ako na obsess masyado sayo?"

"Hmm, parang yun na ang nakasanayan ko."

Napangiti ito. "Siguro nga mabibilang na lang ang mga araw na pwede tayong magkita o magkausap dahil sa mundong magkaiba, pero hindi naman ako nalulungkot dahil magkikita pa rin naman tayo eh. Kampante rin ako na wala kang gagawin na ikakasama ko. Subukan mo."

Bahagya lang sumimangot si Loo sa sinabi nito. "Kaya nga kita pinakasalan diba?"

Tumawa ito ng malutong.

"Ako nga ang nag-aalala sayo. Lalo na dahil sa reaksyon mo kanina. Akala ko ay hahayaan mo lang akong makalayo at kung ano-ano ang gawin mo sa Paris eh."

"Magse-selos ka ba."

"Duh." Iniwas na lang ni Loo ang paningin. "Kaya nga naisipan kong bilhin ito eh." May hinugot siya sa bulsa niya saka niya yun ipinakita sa babae.

Napalayo si Enjeru sa kaniya at tinitigan yun. May hindi maipaliwanag na pagkamangha at tuwa sa mga mata nito. Nasapo din nito ang nakaawang na bibig.

Pinagmasdan lang niya ang tuwa sa mukha ng babae habang nakatingin sa bitbit niya.

Ano yun? Singsing lang naman.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon