"Maraming-maraming Salamat." Nakayukong sambit ni Loo sa kanila ni Shirayuki.
Walang imik si Toshirou habang pinagmamasdan lang niya ito. Katabi nito si Enjeru na ganoon din ang ginagawa habang ang mga kaibigan ng mga ito ay naghihintay.
Suot na ng mga ito ang normal na kasuutan.
Pagkatapos ng kasal ay saglit silang nagkaroon ng salo-salo. Hindi naman agad nagtagal ang mga ito at kailangan ng umuwi lalo na dahil hindi alam ng lolo ni Enjeru na nagpunta ito doon.
"Sana maging maayos na kayong dalawa." Aniya.
Tumayo ang mga ito ng sabay at tumango. Magkahawak ang kamay ng dalawa at parehong may hindi maitago na saya sa mga mukha.
"Masaya ako para sa inyong dalawa."
"Wag ka na sanang umiyak dahil diyan. Hiwalayan mo agad kapag ginawa pa yun." bilin niya kay Enjeru. Tumawa lang ito ng malutong.
"Gagawin ko yun." masiglang sagot nito.
Bahagya pa itong sinita ni Loo pero tinawanan lang yun ng malakas ni Enjeru saka yumakap sa braso ng Alamid.
Mas maganda pa rin itong pagmasdan na masigla at nakangiti. Nawala na ang matamlay na itsura nito ng ganoon kabilis. Talaga ngang si Loo ang makakapagbago ng mood nito.
"Sana maging masaya kayong dalawa." Bilin ni Shirayuki sa mga ito. "Humayo kayo at magparami."
Siniko niya ang kapatid pero natawa lang ito ng mahina.
"Maraming Salamat sa lahat, Toshirou." Masayang lumapit sa kaniya si Enjeru at niyakap siya ng mahigpit.
Ginantihan lang niya ito ng yakap.
Yumuko si Loo sa prinsesa para humingi ng pasasalamat sa babae.
Lumayo na si Enjeru sa kaniya. "Dumalaw din kayo sa Vermillion Academy minsan." Wika nito sa kanilang dalawa.
Tiningnan niya si Shirayuki. Sunod-sunod ang pagtango nito. Muli niyang tiningnan ang dalawa. "Kapag may pagkakataon."
Di katagalan ay nagpaalam na ito kasama ang mga kaibigan nito. Binaybay na ng mga ito ang daan pabalik sa Shrine.
Nasundan lang nila ng tingin ang mga ito hanggang sa tuluyan ng maglaho sa paningin nila.
Tiningnan niya sa tabi si Shirayuki.
"Wag kang mag-alala." Hinawakan niya ang balikat nito. "Makakahanap ka rin ng lalaking karapat-dapat sayo. Dapat isang maharlika." Aniya.
Napasimangot ito at tumingin sa kaniya. "Ano ba talaga ang meron sayo at ayaw mo sa mga karaniwang halimaw? Maya-maya baka ikaw ang magkagusto sa tulad nila eh."
Tinawanan niya yun ng pagak. "Tingnan natin. Bumalik na tayo."
"Sayang talaga at hindi ko napangasawa si Ru."
"Ganoon mo siya kagusto?" kusa silang pumasok sa lagusan at naglakad na pabalik sa bahay nila.
"Gusto ko siya."
"Ba't sumuko ka?"
"Ano naman ang laban ko? Magiging mesirable lang ang buhay ko kapag pinilit ko ang sarili ko noh? Isa akong prinsesa, hindi ako dapat naghahabol sa isang lalaki." Tila proud pang sagot nito.
Tinawanan lang niya ito.
"Makakahanap ka rin ng para sayo."
"Anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong ni Toushirou sa sinabi ng kapatid.
"HIndi mo ba gusto si Enjeru?"
"Haah?" ang lakas ng boses niya na ikinagulat pa nito. "Paano mo naman nasabing gusto ko si Enjeru? Magkaibigan lang kami. Gusto ko siya, bilang tao. Iba siya sa mga tao."
"Dahil ba sa kakaibang dugo?"
"Naamoy mo yun?"
"Walang nakakataas na alamid ang hindi nakakaamoy non, Kuya. Kung tutuusin ay nagka-interes nga si Ama. Pero hindi naman siya desperado. Masaya na siyang kahit papaano, isa sa lahi ng mga Alamid ang may asawang tulad niya. Aabangan na lang daw niya ang magiging supling ng dalawang yun."
Natawa siya ng maiksi. "Siyanga naman."
~~~
"So?" tiningnan ni Vam ang bagong mag-asawa na nasa hulihan lang habang binabagtas nila ang daan pababa sa bukid na yun at papunta sa Shrine. "Saan ang honeymoon?"
Hindi sumagot si Loo. Tiningnan niya si Enjeru na nakangiti lang. Tumingin ito sa kaniya at parang nahiya pa ang pasaway.
Alanganing tiningnan ni Loo si Gera. Napatingin naman ito sa kaniya at sa titig pa lang nito, pinapaalala na nito sa kaniya ang pinag-usapan nila para lang pumayag itong pakasalan niya si Enjeru.
~~~~
"Ano pa ba ang magagawa mo para makuha ulit ang tiwala ni Enjeru?" tanong ni Gera.
Bumangon si Loo at tinitigan ang mga ito. "Papakasalan ko si Enjeru."
"Ha?" nagulat ang mga ito.
"Yun lang ang naiisip ko. Pakakasalan ko siya."
"As in?" manghang tanong ni Vam. "Seryoso ka ba talaga?"
"Bakit naman hindi?" natanong ni Anjiri. "Nasa saktong edad na si Enjeru. Isa pa, kung si Enjeru ang pag-uusapan, siguradong yun ang gustong-gusto niyang mangyari."
"Hindi pwede." Kontra agad ni Erena. "Siguradong hindi papayag si Lolo. Gusto ni Lolo na makatapos ng pag-aaral si Enjeru. Mahalaga pa ang gagamapanan niya."
"Oo nga." Sang-ayon na rin ni Mun. "Si Enjeru ang inaasahan ni Eugene na humalili sa kaniya sa pagpapalakad ng kompanya. Alam mo kung ano ang papel ng kompanyang yun sa Vermillion Academy, Loo."
"Alam ko." sagot ni Loo. "Pero wala na akong maisip. Sinubukan kong magpaliwanag sa kaniya. Humingi ng ako ng tawad pero hindi na siya naniniwala. Kasalanan ko. Alam ko yun. Kaya ito na lang ang naiisip kong paraan para mapaniwala siya at makuha ulit ang loob niya." paliwanag niya sa mga ito.
"Handa ka na?" tanong ni Civ. "Handa ka na bang gampanan ang responsibilidad na yun?"
"Handa na ako. Handa na akong harapin at labanan ang lahat ng pagsubok na dadating."
"Hindi." Mahinang sagot ni Gera pero malamig ang boses nito.
"Gera, pakiusap." Aniya dito. "Ito lang ang paraan ko para mabawi ang loob niya. Kapag hindi ko ginawa yun, tuluyan ng malalayo ang loob niya sa akin. Tuluyan na niya akong kakalimutan."
"Ano ang plano mo pagkatapos?" tanong nito. "Bubukod kayo? Bubuo ng pamilya? Tingin mo ikatutuwa ni lolo yun?"
"Kakausapin ko si Eugene at magpapaliwanag ako pagbalik natin. Nakikiusap ako sayo. Sa inyo."
Saglit na hindi sumagot si Loo dahil hindi pa rin nagsalita ang babae.
=============
Next, Chapter 232_ Kasunduan
Updates on 8/1
Sorry, nakalimutan.
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantastik(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...