"Gera!"
Napa-atras na lang si Gera ng maktiang papasugod sa kaniya si Anna. Tuwang-tuwa ito na daig pang nanalo sa lotto.
Hinanap niya ito dahil sasabihin niya dito ang naisip na tulong.
Ang kaso parang iba ang nasa isip nito sa pagkakataong yun. Para bang sandaling nakalimot sa problema ng papa nito dahil sa lugar na yun.
"Ang saya-saya ko." Huminto ito sa tapat niya at impit pang tumili.
"Oo nga. Nakita ko. Bakit?"
Tumawa muna ito ng malutong. Tila proud pa sa sarili. "May crush na ako."
Napanganga lang siya. Bilis naman ata.
"Actually, parang hindi na nga crush eh. I think I'm in-love."
"In-love? Pero ngayon ka lang naman nakapunta dito."
"I know. Pero sino ba naman ang mag-aakalang dito ko lang pala mahahanap ang one and only ko." Masiglang sagot nito. "Not only is he handsome, mukhang mabait pa siya. At higit sa lahat, isa siyang bampira." Tumili pa ito ng impit.
Napaasim lang ang mukha ni Gera. Halos mag-away sila ng kasintahan niya dahil gusto niya itong tulungan pero yun pala ay tungkol lang sa love ang iniisip nito.
Ni hindi man lang nito inisip kung paano tutulungan ang papa nito.
Isa pa, parang alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. At hindi niya masasabing mabait itong bampira.
"Guess who?" pagbibiro pa nito.
"Si Will Sterling?" nakasimangot na sagot niya.
Namangha ito. "Paano mo alam? Omg, Gera. Kilala mo ba siya? Kaibigan mo ba siya?" mas lalo pa itong na-excite ng matuklasan ang bagay na yun.
Alanganing pilit na ngumiti na lang si Gera. "Y-yeah. Kaibigan pero di masyadong close." Napakamot siya sa pisngi.
Sa dami ng bampirang pwede nitong magustuhan sa schoo, si Will pa talaga.
Not-so good boy pa kasi yun. Dinig niya ay madalas yung tumatakas sa school at pumupunta sa kung saan-saan. Siguro katulad lang ng dating habit nito.
Besides, nasa moving on stage pa yata ang isang yun eh.
"Gera~" kumapit pa ito sa balikat niya na tila naglalambing pa. "Itulak mo naman ako sa kaniya. Gusto ko siyang makilala. He is the right Vampire."
Hindi siya umimik. Nakatitig lang sa babae na puno ng alanganin. Iba ito sa inaakala niya. Pero at least, hindi ito nagsisigaw sa takot ng makita ang mga halimaw.
"Si Will talaga?"
"Bakit? Hindi ba pwedeng siya?"
"Seryoso?"
"I'm dead serious. Gusto kong makilala si Will mismo. No one else." Puno ng determinasyon ang mga mata nito at di yata titigil hangga't hindi nakikilala si Will.
"Saglit lang." Lumayo siya dito kaya nagtaka ito. "Bago ka mawala sa katinuan dahil sa pagsintang purorot mo kay Will, isipin mo muna kumbakit nandito tayo."
Natigilan ito saglit. Para bang nuon lang naalala ulit ang bagay na yun. Nakagat nito ang daliri nito. "A-alam ko yun. But if you think it like this, kapag naging kasintahan ko si Will, baka sakali lang maipakilala ko siya kay Papa and the rest is history. You know?"
Lalong nasira ang mukha ni Gera. "Boyfriend? Ganoon ka kakampanti sa sarili mo na magugustuhan ka niya." Napangiti ito ng tabingi. "Besides, less than a week na lang ang taning ng papa mo bago siya palayasin."
BINABASA MO ANG
Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]
Fantasy(Updates every twice a month) [ This is a literal continuation of Book 1 ] Akalain niyo yun? Ang mga alam nating bampira, mga werewolf, halimaw, mummies, half breeds, witches at iba pang mga urban monsters ay nag-aaral rin pala? Sa isang paaralan na...