Chapter 280 _ Itsura ng Gusali

76 5 0
                                    



"I see the Sterling Brothers as Blessing in Desguise." Wika ni Enjeru. Para bang nakikipag-kwento lang. "Iniiwasan lang ako ni Loo dati, ang hirap kunin ng atensyon. Pero ng bigla akong sugurin ng sterling brothers at muntik ng pagpyestahan, doon na rin ako pinansin ni Loo. Iyon ang simula pa makuha ko ang atensyon ng Alamid." Proud pa ito.

Hindi sumagot si Anna.

Sa kabila ng nangyayari ay nagawa pa nitong magkwento.

"Paano nga ba nangyaring ayaw sayo ni Will? Maganda ka naman." Tanong nito sa kaniya.

"Wala naman sa ganda yun eh. Siguro sa kulit." Kontra ni Erena.

"Hindi ako makulit. Friendly lang ako. Besides, malaking improvement sa amin ni Loo ang pagsulpot nila noh?"

"Parang kayo lang din ni Will ngayon silang dalawa noon."

"Tama."

Tawanan ang dalawa.

Talaga bang seryoso ang mga ito sa pagkukuwentuhan?

"Parang dog and cat naman sina Erena at Vam noon. Yun pala sila din ang nauna." Tumawa si Enjeru. "But anyways, dahil sa mga nadinig mo tiyak naman na alam mo na how important they are to us." Hindi siya kumibo. "Alam mo na ang mangyayari."

Sa kaniya talaga napupunta lahat ng banta. Wala naman siyang kasalanan.

"Saan nga pala tayo pupunta?" naisipan niyang itanong.

"Sa Vermillion Academy,"

Pasimpleng napayuko na lang siya sa nabanggit nito.

Hindi magandang tingnan ngayon ang akademya eh. Tiyak na magugulat ang mga ito sa makikitang itsura ng akademya.

Kahit nga siya ay hindi makapaniwalang yun ang nangyari, paano pa kaya ang mga ito?

"May nangyari nga," bulong ni Erena matapos nila mapansin ang reaksyon ni Anna at ang pamumutla nito.

Tumango lang si Enjeru.

"Magbabayad talaga silang lahat."di napigilang sabihin ni Enjeru.

Hinding-hindi siya titigil hangga't hindi napaparusahan ang mga ito. Gagamitin niya ang lahat ng alam niya at lahat ng kilala niya para lang matuntun ang mga ito at maparusahan.


~~~~~~


Madilim na ng tuluyan nilang marating ang sadyang gusali.

May dala silang maliwanag at malaking flashlight. Hindi na sila matatakot kung may sumulpot doon bigla. Para ano pa't may kasama silang bampira.

Humakbang sila papasok at ng makalapit ay pinailawan nila ang gusali.

Parehong hindi naitikom nina Enjeru at Erena ang mga bibig ng makita ang itsura ng Vermillion Academy.

Si Anna naman ay nakayuko lang. Para bang ayaw makita ang paaralan o sadyang ayaw lang tingnan ang reaksyon ng magpinsan.

Nakita niya kung paano nangyari yun dahil naroon siya ng gawin yun.

"Hindi maaari," di makapaniwalang bulalas ni Enjeru.

Si Erena naman ay parang maiiyak na nasapo na lang ang bibig.

Ang dating matayog at nakakatakot na gusali ng akademya ay wasak na. Daig pa non ang dinaanan ng malaks na lindol. Para bang dumaan ang gyera sa lugar na yun at nasabugan ang lugar.

Vermillion Academy Book 2 [ On-going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon